Mahal mo siya, subalit hindi niya alam. Gusto mong sabihin sa kanya, Subalit pinangungunahan ka ng takot at hiya. Ipagkakait mo ba sa iyong sarili ang ito’y kanyang malaman o lihim mo na lamang siyang mamahalin
Ipahayag mo ang iyong tunay na nararamdaman … iyon ang dapat mong gawin… kalimutan ang hiya at huwag mong pagsisisihan pagkatapos… walang mali, pangit o mahalay sa iyong gagawin… Ang umibig siguro ang pinakamagandang Bagay na maaari mong ipagkaloob sa iyong sarili… Sabihin mo na ngayon, huwag mong palampasin ang iyong magandang pagkakataon kung ayaw mong ito ay lumayo at tuluyang maglaho na hindi mo man lamang nalaman… na maaaring mahal ka rin niya… Subalit paano kung pag-ibig mo’y tanggihan? Tatalikod ka na lamang ba at iiyak… Huwag kaibigan, sa halip batiin mo ang iyong sarili, dahil ginawa mo ang nararapat… Bukas maaring umibig kang muli…
Talikuran ang pagluha at humarap ng may ngiti sa iyong mga labi… Mas mabuti na ikaw ay nagmahal at nabigo kaysa hindi mo natutunang umibig ni minsan… Oo, malungkot at kung minsan sobrang sakit pero hindi mo ba naisip na higit na mas masakit Kung ikaw ay mumukmok na lamang at habang buhay na maghihintay sa pagsintang sa’yo ay lumapit at manatili ….. maaring hindi na ito dumating.
(posted from my old blog)
No comments:
Post a Comment