Showing posts with label my love here is here. Show all posts
Showing posts with label my love here is here. Show all posts

Thursday, October 21, 2010

My Love is Here 4


Nabalutan ng lubos na kasiyahan ang nananamlay na pangangatawan ni RD nang marinig niya ang balitang nagkamalay na si Camhi.  Sa awa ng Panginoon ay dininig nito ang kanyang panalangin na sana bago man lang siya tuluyang mawalan ng hininga ay malaman niyang nasa mabuti na itong kalagayan. Subalit ang kasiyahang nadarama ay mabilis na pinawi ng isa pang balita na kanyang nalaman – ang pagkabulag nito.

“Doc, may pag-asa pa ba siyang makakita?”

“There’s nothing to worry about Mr. Altarez, kailangan lang niyang makahanap ng isang corneal donor upang maibalik ang pagkawala ng kanyang mga paningin.”

“Eh, may nahanap na ba siyang donor?”

“Sa ngayon ay wala pa pero hindi kami tumitigil sa paghahanap”

-----

Tanggap na ni RD na hindi na siya magtatagal. Ramdam niya ang pagpapahirap na ibinibigay ng kanyang karamdaman. Para siyang nauupos na kandila sa bawat pagdaan ng mga araw pati ang pagpapa-chemo niya hindi na niya ipinagpatuloy pa. Handa na niyang lisanin ang mundong kanyang ginagalawan.

“Doc, gusto ko sanang idonate ang aking mga mata.”

“Iyan ba talaga ang gusto mo?”

“Ako ang dahilan ng kanyang pagkabulag, kaya’t gusto kong ibalik sa kanya ang bagay na nawala sa kanya, iyong lang ang alam kong tama Doc.”

“Napakabuti ng intensiyon mo, pero hindi pa natin puwedeng gawin ngayon ang nais mo”

“Bakit Doc”

“Because we can only do the procedure on the deceased person Mr. Altarez”

“Hindi narin naman ako magtatagal Doc, bakit pa natin pagtatagalin?”

“I’m sorry Mr. Alterez magagawa lang natin yan when the time has come pero sa ngayon ang tanging magagawa natin ay maghintay ng possible donor para sa kanya”

....(interruption)

Paging Doc. Aguinaldo, paging Doc. Aguninaldo please proceed to the Emergency Room>>

-------

“Friendship magandang balita, nakausap ko si Doc. Aguinaldo kanina and guest what.”

“What”

“Iyong pasyente ni Doc. Aguinaldo kahapon na nahulog daw from 4th floor ng isang condominium – he’s dead”

“Eh ano naman ang kinalaman ko sa kanya”

“Eto nga friendship, nagtataray ka  naman agad diyan eh.. napag-alaman ko na ido-donate daw ng pamilya ng namatay ang mga mata nito at ikaw agad ang naisip ni Doc. Aguinaldo na maging recipient  nito.”

“Talaga friendship makakakita na ulit ako.”

“Magtiwala ka lang.”                                                                                               

-----

After the operation…

“Sige, dahan-dahan mong imulat ang mga mata mo… Ano ang nakikita mo?”

“Friendship nakikita na ulit kita, kaya lang Doc medyo blurry ang tingin ko.”

“Normal lang,yan nag-aadjust pa ang iyong mga paningin. Iwasan mo lang mapagod ang mga mata mo, siguro after a couple of days or two, back to normal na ang vision mo.”

“Thank you Doc.”

“Huwag mo lang kalimutang bumalik, for a check-up.”

“Doc, pwede ko bang malaman kung kanino ako dapat magpasalamat?”

“I’m sorry, pero nakiusap sa akin ang pamilya ng donor na huwag nang ipaalam ang kanilang identity but I’m sure masaya sila sa naging desisyon ng anak nila.”

-----

“Friendship after everything you’ve been through kailangan i-celebrate natin ang pangalawa mong buhay.”

“Tama, kaya samahan mo ako.”

“Saan?’

“Sa Chapel… Una kailangan kong magpasalamat sa Kanya dahil hindi niya ako pinabayaan. Pangalawa, pinagkalooban pa Niya ako ng bagong paningin. Pangatlo, hindi man ako nakapagpasalamat sa mga taong tumulong sa akin, ipapanalangin ko nalang sa Panginoong ang kanilang kaligtasan”

“Maitanong ko lang friendship, paano si RD kakausapin mo pa ba siya?”

“I don’t know.. I really don’t know..”

“Ay naku, alam mo sa sagot mong yan.. Mahal mo parin siya noh?”

“Although I say I hate him now, I still love him and ’ll be missing him..”

(tatapusin)

Thursday, October 14, 2010

My Love is Here 3


Sinisisi ni RD ang kanyang sarili sa malubhang sinapit ni Camhi. Hindi niya inaasahan na hahantong sa ganito ang nais sana niyang pakikipaghiway sa kasintahan. Kaagad siyang pumunta sa hospital kung saan ito dinala. Kahit pa pinahihirapan siya ng pag-atake ng kanyang sakit ay pinilit niyang makarating upang damayan ang kanyang pinakamamahal.

-----

Lumipas ang halos tatlong linggo ay hindi pa rin nagkakamalay si Camhi. Samantalang unti-unti na ring iginugupo ng kanyang karamadaman si RD at sa huling pagkakataon ay muli siyang nagpaalam sa minamahal. Mahigpit ang hawak niya sa mga kamay nito. Pakiramdam niya kasi ay hindi na siya magtatagal. Hindi naman niya maatim na magisnan siya ni Camhi na halos naghihingalo na at nakikipaglaban sa kanyang huling hininga. Nais niyang maalala siya nito gaya ng una silang nagkakilala.

“Paalam aking mahal.” Ang garalgal niyang bulong sa kanyang minamahal.

Akmang tatalikod na sana si RD ng mapansin niya ang mga namumuong luha sa gilid ng mga mata ni Camhi. Dumaloy ito sa tenga at bumagsak sa unan. Lalo siyang nahabag sa sinapit nito ngunit hindi na niya ito alintana. Dinampot niya ang kanyang bag at tuluyan ng lumisan…

-------

Matapos ang mahimbing na pagkakaidlip – sa loob ng halos isang buwan ay muli siyang nagkamalay Subalit Isa pang masamang bangungot ang naging dagok kay Camhi. Nang magkamalay siya ay hingi na siya nakakakita pa. Tinamaan ng mga bubog ang kanyang mga mata.

Hindi mapatid ang mga luhang dumadaloy sa kanyang mga mata. Hindi niya matanggap kung bakit nangyayari sa kanya ang lahat ng ito. Ang tanging kasalanan lang naman niya ay nagmahal siya ng totoo.

Nang dahil sa KANYA….

Sinisisi niya si RD at kung maaari lang huwag muling maglihis ang kanilang mga landas dahil hindi niya alam kung ano ang puwede niyang gawin dito. Subalit maaring hindi na nga ito mangyari, dahil bulag na siya at tanging si RD lang ang sinisisi niya dito.

-------

Tanging isang corneal transplant lang ang maaaring magpanumbalik sa nawalang paningin ni Camhi.

Matapos ang ilang buwang paghahanda at paghahanap ng eye donor, ay sumailalim na si Camhi sa operasyon. Sa tulong ng isang misteryosong tao ay muli niyang makikita ang kagandahan ng mundo. Isang mundo na wala na RD, na siyang naging dahilang ng mga pagsubok na ito sa kanyang buhay.

Sa awa naman ng Diyos ay naging matagumpay ang isinagawang corneal transplant para kay Camhi. Hindi na makapaghintay ang kanyang pananabik na muling masilayan ang pagsikat ng araw at ang kagandahan ihahain nito. Ang pag-sikat muli ng isang umagang puno ng mga bagbabago at  pag-asa. 

-----

Kinakailangan pa niyang manatili sa hospital sa loob ng dalawang araw, bago tuluyang tanggalin ang mga pads sa kanyang mga mata. Ito ang sandaling kanyang pinaka-iintay. Ang sandaling muli siyang makakakita.…

(itutuloy)



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...