Nabalutan ng lubos na kasiyahan ang nananamlay na pangangatawan ni RD nang marinig niya ang balitang nagkamalay na si Camhi. Sa awa ng Panginoon ay dininig nito ang kanyang panalangin na sana bago man lang siya tuluyang mawalan ng hininga ay malaman niyang nasa mabuti na itong kalagayan. Subalit ang kasiyahang nadarama ay mabilis na pinawi ng isa pang balita na kanyang nalaman – ang pagkabulag nito.
“Doc, may pag-asa pa ba siyang makakita?”
“There’s nothing to worry about Mr. Altarez, kailangan lang niyang makahanap ng isang corneal donor upang maibalik ang pagkawala ng kanyang mga paningin.”
“Eh, may nahanap na ba siyang donor?”
“Sa ngayon ay wala pa pero hindi kami tumitigil sa paghahanap”
-----
Tanggap na ni RD na hindi na siya magtatagal. Ramdam niya ang pagpapahirap na ibinibigay ng kanyang karamdaman. Para siyang nauupos na kandila sa bawat pagdaan ng mga araw pati ang pagpapa-chemo niya hindi na niya ipinagpatuloy pa. Handa na niyang lisanin ang mundong kanyang ginagalawan.
“Doc, gusto ko sanang idonate ang aking mga mata.”
“Iyan ba talaga ang gusto mo?”
“Ako ang dahilan ng kanyang pagkabulag, kaya’t gusto kong ibalik sa kanya ang bagay na nawala sa kanya, iyong lang ang alam kong tama Doc.”
“Napakabuti ng intensiyon mo, pero hindi pa natin puwedeng gawin ngayon ang nais mo”
“Bakit Doc”
“Because we can only do the procedure on the deceased person Mr. Altarez”
“Hindi narin naman ako magtatagal Doc, bakit pa natin pagtatagalin?”
“I’m sorry Mr. Alterez magagawa lang natin yan when the time has come pero sa ngayon ang tanging magagawa natin ay maghintay ng possible donor para sa kanya”
....(interruption)
Paging Doc. Aguinaldo, paging Doc. Aguninaldo please proceed to the Emergency Room>>
-------
“Friendship magandang balita, nakausap ko si Doc. Aguinaldo kanina and guest what.”
“What”
“Iyong pasyente ni Doc. Aguinaldo kahapon na nahulog daw from 4th floor ng isang condominium – he’s dead”
“Eh ano naman ang kinalaman ko sa kanya”
“Eto nga friendship, nagtataray ka naman agad diyan eh.. napag-alaman ko na ido-donate daw ng pamilya ng namatay ang mga mata nito at ikaw agad ang naisip ni Doc. Aguinaldo na maging recipient nito.”
“Talaga friendship makakakita na ulit ako.”
“Magtiwala ka lang.”
-----
After the operation…
“Sige, dahan-dahan mong imulat ang mga mata mo… Ano ang nakikita mo?”
“Friendship nakikita na ulit kita, kaya lang Doc medyo blurry ang tingin ko.”
“Normal lang,yan nag-aadjust pa ang iyong mga paningin. Iwasan mo lang mapagod ang mga mata mo, siguro after a couple of days or two, back to normal na ang vision mo.”
“Thank you Doc.”
“Huwag mo lang kalimutang bumalik, for a check-up.”
“Doc, pwede ko bang malaman kung kanino ako dapat magpasalamat?”
“I’m sorry, pero nakiusap sa akin ang pamilya ng donor na huwag nang ipaalam ang kanilang identity but I’m sure masaya sila sa naging desisyon ng anak nila.”
-----
“Friendship after everything you’ve been through kailangan i-celebrate natin ang pangalawa mong buhay.”
“Tama, kaya samahan mo ako.”
“Saan?’
“Sa Chapel… Una kailangan kong magpasalamat sa Kanya dahil hindi niya ako pinabayaan. Pangalawa, pinagkalooban pa Niya ako ng bagong paningin. Pangatlo, hindi man ako nakapagpasalamat sa mga taong tumulong sa akin, ipapanalangin ko nalang sa Panginoong ang kanilang kaligtasan”
“Maitanong ko lang friendship, paano si RD kakausapin mo pa ba siya?”
“I don’t know.. I really don’t know..”
“Ay naku, alam mo sa sagot mong yan.. Mahal mo parin siya noh?”
“Although I say I hate him now, I still love him and ’ll be missing him..”
(tatapusin)
No comments:
Post a Comment