Sunday, October 3, 2010

My Love is Here

Malakas ang buhos ng ulan habang binabagtas ni Camhi ang kahabaan ng  Roxas Boulevard. Mabilis ang pagpapatakbo niya ng kanyang minamanehong Chevrolet Corvette na para bang makikipagkita kay kamatayan. Parang sasabog ang kanyang dibdib sa sama ng loob. Hindi niya namalayan, pumapatak na ang luha sa kanyang mga mata.. Kasabay nang pagbuhos ng malakas na ulan ang walang humpay na pagdaloy ng kanyang mga luha. Hindi niya namalayan na may makakasalubong pala siyang isang rumaragasang Van. Huli na upang ito ay kanyang maiwasan.

Ambulance Siren

“Stretcher! Stretcher!”

“Check his vital signs!”

***

Paging Doctor Aguinaldo, paging Doctor Aguinaldo, please proceed to Emergency Room…

Halos nag-aagaw buhay na siya dahil sa tindi ng kanyang pagkakabangga. Mabuti nalang at kaagad siyang nadala sa pinakamalapit na hospital upang mabigyan ng paunang lunas. Gayon pa man, hindi pa rin siya kumikilos, wala pa rin siyang malay.

Ulila na siyang lubos. Ang kanyang mga kapatid ay may kanya-kanya ng mga pamilya at sa ibang bansa na naninirahan. Tanging siya na lang ang naiwan dito sa pilipinas dahil sa kanyang kagustuhan. Ang kanyang kaibigan lang na si Allan ang itinuturing niyang malapit na masasandalan sa tuwing siya’y nadarapa. At gaya nga sa sandaling ito si Allan ang nasa kanyang tabi upang siya ay damayan.

***

“Sino po ang kamag-anak ng pasyente?”

“I’m his friend doc. How’s the patient?” tanong ni Allan.

“I’m sorry to tell this, but the patient is in coma. It seems malakas ang pag salpok sa’kanya ng Van, and we need to do some examinations para malaman natin kung nagkaron sya ng internal hemorrhage.”

“Please Doctor, do all the needed examinations.”

***

Hindi namalayan ni Allan na nakatulog na pala siya sa pag-hihintay.

“Sir,?” tapik sa kanya ng doktor. “Nailipat na po ang pasyente sa isang private room. At nakuha na rin namin ang result ng kanyang mga examinations, based sa X-ray nya, wala naman syang fracture sa skull, at sa tindi ng aksidente nya, himala po na wala namang negative findings sa kanyang CT-scan. Maliban sa mga pasa wala naman na pong ibang findings sa pasyente. Maybe due of the accident, nagkaron ng trauma sa kanya mentally kaya he’s now in the state of comatose.” Sa sinabing yun ng doktor ay nabuhayan si Allan ng loob.

“Ga’no po sya katagal sa ganyang kondisyon Doc?”

“We’ll never know Sir. Maybe a week, or months or even years.”

Years???

Itinuro lang ng Doctor kay Allan kung saan room nila inilipat si Cahmi at umalis na din

Nilapitan ni Allan ang kaibigan. Kinausap niya ito at umaasang maririnig siya nito kahit na nasa ganoon kalagayan.

“Friendship, sana naririnig mo ako. Lumaban ka, huwag kang susuko. Hindi pa ito ang katapusan ng mundo, marami ang nagmamahal sa’yo. You don’t deserved this kind of shit, lalake lang ‘yon. Huwag kang magpakatanga. Patunayan mo sa kanya na siya ang nagkamali sa ginawa niya sa’yo. Be strong..”

***

Humahangos na dumating si RD sa hospital.

"Nurse may pasyente bang in-admit dito kanina, yung galing sa aksidente sa Roxas Boulevard?

"Meron po, dalawa po 'yong dinala dito. Sir, ano po bang pangalan ng hinahanap nila?

"Camhi"

***

Pagpasok ni RD sa kwarto ay parang unti unting dinudurog ang puso nito sa nakikitang kalagayan ng taong pinakamamahal niya. May kung anong apparatus ang nakasaksak sa katawan ni Camhi. Maga ang mukha, may mga pasa at nakabenda ang ulo dahil sa natamong sugat.

"Ano ang ginagawa mo dito. Ang kapal naman ng mukha mong magpakita pa dito."

"Please, hindi away ang ipinunta ko dito. Kailangan niya ako."

"So, kailangan ka niya, ganoon ba? Ikaw kaya ang dahilan kung bakit nandito ngayon ang kaibigan ko."

"Please"

Wala na rin gawa si Allan kung hindi pabayaan na lang si RD. Wala rin namang maitutulong kung ipagtatabuyan niya ito.

***

Habang lumalapit si RD sa gilid ng kama na kinasasadlakan ni Camhi ay hindi niya mapigil ang pagpatak ng kanyang. Umupo siya sa upuan sa gilid ng kama, nanginginig ang mga kamay nito habang inaabot ang mga kamay ni Camhi na walang pakiramdam.

“Babe I’m back…” pagsisimula nito.. I know I’ve hurt you so much when I choose to leave. Kahit ayaw mong pumayag, umalis parin ako..

“I don’t know kung naririnig mo ako babe, pero ang sabi nila, kahit nasa comatose stage daw ang isang pasyente, naririnig daw nila ang mga mahal nila sa buhay. Babe andito na’ko oh… hindi na kita iiwan… please gumising ka na…”

(itutuloy)

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...