Days rolled by…. (matapos ang mahigit tatlong buwan).
“Dumating ka na pala?” Ang pairap na bati ni Vince ng magkita kami sa hallway.
“Alam ko nagtatampo kayo sa akin. Hindi ko sinasadyang hindi ipaalam sa inyo ang pag-alis ko.
Mabilis ang naging takbo ng mga pangyayari. Sinubukan kong tawagan si Lee habang papunta ako sa airport pero wala, hindi ko siya ma-contact. Tapos eto pa ang nakakainis, tatawagan sana kita to let you know kung nasaan na ako pero may humablot sa cellphone ko.” “Natimang na ako, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko hanggang sa tuluyan na akong nakaalis.” “Siguro hindi ka naniniwala sa sinasabi ko?”
“Naniniwala naman ako sa’yo eh, pero hindi mo maaalis sa amin ang magtampo.”
“Sorry na nga eh. Promise babawi ako sa inyong dalawa ni Alexc.”
“Dapat lang noh kung ayaw mong panindigan namin ang tampo naming dalawa sa’yo.”
“O sige, tomorrow night (it’s a date), hindi kasi ako puwede ngayon eh… hindi ko pa kasi tapos ayusin ang mga gamit ko”
“By the way, may balita ka ba kay Lee and Dennis?”
“Honestly wala, hindi naman kami close diba..” “Pero alam mo ilang araw din nag pabalik-balik dito si Lee, nagbabakasakali na makita ka niya dito. Kinausap pa nga niya kaming dalawa ni Alexc eh, tinatanong ka niya sa amin. Wala naman kaming maisagot.”
“Wait eto pa, just in case you want to know, last week nga pala nakita namin silang dalawa ni Dennis na mag kasama sa isang restaurant sa Makati.” “Hindi ba kayo pa ni Lee nang umalis ka. Ibig kayang sabihin ng nakita namin ni Alexc na silang dalawa na ulit ni Dennis.”
“Kahit kalian intrigera ka talaga..” ang pabiro kong sagot kahit na may konting kirot akong naramdaman. Hindi naman imposible ang ganoong posibilidad na magkabalikan ulit sila.
“O siya sige, kita-kita na lang tayo bukas.”
---------
Maaga akong dumating sa tagpuan naming tatlo sa Harry’s Bar and Restaurant sa Mckinley. Nagpa-reserved na agad ako ng table for three.
Fifteen minutes na ang nakalipas. “Hello, saan na kayo? Andito na ako, nagpa-reserved na rin ako ng table”
“Pasensiya na sister, naipit kasi kami sa traffic eh, tapos eto nasiraan naman kami ngayon. Bad trip talaga.”
“Ganoon ba. Saan lugar kayo nasiraan?”
“Magallanes… Sorry talaga, subukan naming makarating diyan, pero kung after 30 minutes at wala pa kami, okay lang kung iwan mo na kami. Maiintindihan naman namin eh.”
“Sige ingat na lang kayo, maghihintay ako dito”
------
Lumipas ang halos tatlumpung minuto ay wala pa ang dalawa. Medyo naiinip na din ako kaya tumayo muna ako upang mag-retouch sa restroom.
Muli akong bumalik sa table na pina-reserved ko. I decided to wait for a few more minutes. Umorder na lang muna ako ng something to drink (nakakahiya na kasi dahil ang tagal ko nang naghihintay, hindi man lang ako umoorder).
“Sir Excuse po, kung pwede daw po ba kayong mainbitahan sa kabilang mesa” ang tanong ng isang crew sa restaurant.
“Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Si Lee at si Dennis ang nasa kabilang lamesa.” Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako makakilos, parang biglang namanhid ang aking mga kalamnan. Hindi ko inaasahan ang pagkakataong ito.
Bago pa man ako nakakilos ay nakalapit na sa akin si Dennis. Magiliw ang ginawa niyang pagbati. Walang bakas ng galit o poot.
“Kamusta ka na? Parang nakakita ka ng multo ah?”
“No, Hindi ko kasi inaasahan na nandito rin pala kayo ni Lee.” “So kamusta na kayong dalawa?”
“We’re good. Kung ano man ang nangyari sa amin dati ay tapos na iyon. Wala naman hindi nadadaan sa mabuting pag-uusap eh.”
“Honestly I’m happy for both of you.”
“May hinihintay ka ba? Can you join us for awhile, ang tagal din natin hindi nakapag-usap eh.”
“How I wish I could stay for a while or maybe longer, but I’m sorry, really I have to go.”
Pagkasabi ko ay binalikan na ni Dennis ang kasaman niyang si Lee. Ako naman ay walang lingon na lumabas ng restaurant.
“Bakit hindi mo siya nilapitan?” ang tanong ni Dennis kay Lee.
“Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksiyon ko kanina nang makita ko siya eh.”
“Pareho kayo nang naramdam ng makita ninyo ang isa’t isa. Nakita ko sa mga mata niya pagkabigla. Pero nararamdaman ko rin ang tuwa sa kanyang puso, ang pananabik na muli ka niyang makita. Sasayangin mo pa ba ang pagkakataong ito. Alam ko na mahal mo siya, na pinananabikan mo ang muli siyang makasama. Huwag mo akong alalahanin dahil matagal ko nang tanggap na isa na lang akong kaibigan diyan sa puso mo.. Sige na sundan mo na siya bago pa mahuli ang lahat.”
“Salamat sa pag-unawa mo.”
Hindi na nga siya nag-aksaya pa ng panahon mabilis niyang sinundan Bjozh.
Pasakay na sana ako ng Taxi ng marining ko ang tawag ni Lee. Mabilis siyang lumapit at sa sobrang saya ay hindi na niya napigilan na yakapin ako ng mahigpit. Kasabay ang biglang pagbuhos ng ulan.
“Kay tagal kitang hinintay.”
“Paano si Dennis, bakit mo siya iniwan sa loob?”
“Gaya ng sabi mo sa akin dati kailangan kong maging tapat sa nararamdaman ko. Matagal na kaming wala ni Dennis. At matagal rin bago kami muling nagka-ayos bilang isang magkaibigan. Kaya hindi ko na palalampasin ang pagkakataong ito na mawalay ka muli sa akin.”
Muli silang nagyakap. Naglapat ang kanilang mga labi na kahit ang pag-ulan ay hindi makapipigil sa kanilang pananabik .....
(wakas)
No comments:
Post a Comment