Wednesday, September 22, 2010

Hiram 5

Tanghali na ng magising si Dennis. Hindi na niya nagisnan ang lalaking masaya niyang nakaulayaw kagabi. Napansin niya ang isang sulat na iniwan ni Lee.  Pinangunahan siya ng kaba, hindi niya alam kung babasahin ba niya ang nilalaman ng sulat.

Dahan-dahan niya itong binuklat at binasa –

Dennis,
I would always remember your goodness, consideration, thoughtfulness and the respect you have shown me throughout our time together. I think it is quite unfortunate that my feelings towards you have changed and the spark isn’t just there any more for continuing our relationship. My respect for you has not died and I would always be your well-wisher and a good friend. I do not think we are made to spend our life together.
Hindi ko pala kayang dayain pa ang aking nararamdaman.  Sinubukan kong labanan ang tawag ng aking damdamin , pero hindi ko kaya. Mahirap kalabanin ang puso. Batid kong alam mo na tunay ang pagmamahal na ibinahagi ko sa’yo at batid ko rin kung gaano mo ito tinumbasan ng higit na pagmamahal. Subalit, dumating ang pagkakataong kailangan ko nang isuko ang pagmamahal ko sa’yo. Kagabi, akala ko pwede pa, pero wala na ang init na dati ay naglalagablab. Wala na ang kiliti na dati ay anong tamis.. Wala na ang dating kilig.. 
I hope you would find a better person who could really match what you are looking for. It is tough for me to tell you this in person and hence, I thought I would express my sincere intentions in words.
Lee

Gumuhit ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya matanggap na wala na sila, na tuluyan na siyang iiwan ni Lee.

Hindi niya napigilan ang paghagulgol dahil sa kirot na kanyang nararamdaman.

---------

Maagang nagising si Lee. Kahit na medyo masakit pa ang kanyang ulo dahil sa hangover ay minabuti na niyang umalis. Hindi na niya nagawang gisingin pa si Dennis sa pagkakahimbing nito.  Mas minabuti  niyang mag-iwan na lang ng isang sulat sa tabi nito.

Sa halip na umuwi sa kanila ay sa tinutuluyan ni  Bjozh siya dumiretso. 

(Toktok---tok…)

“Sir, si Sir Bjozh po ba ang kailangan ninyo?” ang tanong ng isang babae mula sa katapat na unit.

“Oo”

“Eh sir wala na pong tao diyan, kagabi pa po umalis. Baka nga po matagalan bago ulit bumalik si Sir Bjozh. Pinagbilin nga po niya sa akin ang unit niya na tignan-tignan ko raw.”

“Bakit? saan daw siya pupunta?”

“Sir pasensiya na po, pero hindi ko po alam eh.”

“Sige, salamat.”

_____

Sa kabilang dako…

Nakapasa ako sa isang Scholarship training program for a 3-month Master of Italian Cuisine, Italian Institute for Advanced Culinary and Pastry Arts in Italy.

Nawala na sa isip ko ang tungkol dito. Hindi ko na kasi inaasahan na makakapasa ako dito. Kasama sa information letter na na-received ko ay ang ticket patungo sa italy.  Ang bilis ng mga pangyayari, in three-day time ay kailangan ko nang umalis.

Walang ibang nakakaalam ng tungkol dito. Kahit sila Vince and Alexc ay walang idea sa biglaan kong pag-alis.

Kinabukasan ay agad akong nag-file ng 3-month indefinite leave.

I left the night before magpunta si Lee sa unit ni Dennis upang kausapin ito.  Hindi ko na nagawang makapag-paalam pa ng personal kina Vince and Alexc lalong-lalo na kay Lee. Alam kong hindi niya magugustuhan ang ginawa ko. Kaya sinubukan kong tawagan siya habang bumibiyahe patungo sa airport.

(the number you have dialed is either unattended or outside the coverage area) Hindi ko ma-contact si Lee. Tatawagan ko sana si Vince nang biglang may humablot sa cellphone ko.

“Shit!!!”

Nakarating ako sa italy na hindi ko man lang nakausap si Lee.

--------

Dinamdam ni Dennis ang pag-iwan sa kanya ni Lee. Isang linggo siyang nagkulong sa kaniyang unit at nilunod ang sarili sa presensiya ng alak.

Samantalang si Lee ay halos hindi rin mapakali sa kakaisip kung bakit biglaan kong pag-alis. Karma ba ito? ang naitanong niya sa kanyang sarili.

Kinausap niya sina Vince ang Alexc upang alamin ang katotohanan.

“Alam ninyo ba kung saan siya pumunta?”

“Pasensiya ka na, kahit kami ay nagtatampo sa kanya dahil hindi man lang niya nagawang magsabi sa amin.”

“Pero may idea ba kayo kung nasaan siya?”

“Ang alam ko lang nag file siya ng 3-month indefinite leave sa office.”  Ang sabi ni Vince.

“Bakit naman?”

“Ang sabi sa office na approved daw ‘ung application niya for culinary scholarship sa Italy. Actually hindi na niya inaasahan yon eh, I think six months ago pa siya nag-apply doon.”

“Eh bakit hindi man lang niya sinabi sa akin or sa inyo? Bakit hindi man lang niya nagawang mag paalam?”

“Hindi rin namin alam. Kung ano man ang dahilan niya, alam naming sa ikakabuti iyong ng lahat.”

--------

Napansin ni Lee ang hindi pagpasok ni Dennis sa trabaho. Nabahala siya na baka kung ano na ang ginawa nito sa kanyang sarili matapos ang kanilang paghihiwalay.

Minabuti niyang bisitahin ito sa kanyang unit, hindi upang makipag-balikan. Buo ang kanyang pasya ng iwan ito. Ang tanging intensiyon niya ngayon ay kausapin at damayan ito bilang isang kaibigan.

Sa pagkakataon ito ay handa na si Dennis na tanggapin ang katayuan nila ni Lee. May bahid man ng sakit sa kanyang puso ay unti-unti niyang pinaghihilom ito.


Mahal pa rin niya si Lee. Mas masasaktan lang ang puso niya kung aasa pa siyang mamahalin ulit siya ni Lee kagaya ng dati.

Na-appreciate naman niya ang concern ni Lee ng bisitahin siya nito sa kanyang unit. But what he really needs right now is SPACE.


(tatapusin)
 

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...