Monday, September 6, 2010

Hiram

While Alexc, Vince and I are enjoying a sip of our Starbucks Skinny Cinnamon Dolce Latte and Mocha Light Frappucino with Non-Fat Milk (Tall

“Yes?” ang patanong kong sagot.

“By the way I’m Lee, my friend ask me if we could invite you over our table
at the back, kung okay lang sa’yo”  Sabay turo sa table nila.

Nilingon ko ang direksiyong tinuturo niya. Andoon nga ang sinasabi niyang friend niya na nakaupo patalikod sa amin. Tinawag niya ito at lumingon sa amin na nakangiti.

OMG, Si Dennis, my old buddy from way back in high school, my long lost friend. Agad akong tumayo at nagpaalam saglit sa mga kasama ko.

“Hi, Kamusta. Akala ko kung sino. So, how’s life been?” ang sunod-sunod kong tanong sa kanya.

“I’m good. Ikaw, Kamusta ka na? It’s been such a long time. So, ano?” banaag sa kanyang mukha ang excitement sa muli naming pagkikita

“Yah, it’s been such a long time. Akala ko hindi na ulit tayo magkikita after kasi na masunog ang inuupahan mong unit ay hindi na tayo ulit nagkita. Wala na akong nabalitaan sa’yo, until now.”

“Ang dami kasing nangyari noon eh. Anyways, I’m now working in a sale and marketing company based in Makati, si Lee, nagkakilala na kayo kanina diba? Partner ko siya sa work” So, Ikaw ba anong pinagkakaabalahan mo ngayon, mukhang mayaman ka na ah.?

“Hindi naman, ganon pa rin, I still have my old job (alam mo na).”

“Baka gusto mo mag-apply sa pinapasukan namin. Our company is in need of additional staff. Baka gusto mo mag try”.

“Uhmm pag-iisipan ko.  Saan company ka nga ba?

“DotCom International Marketing, Inc. We develop marketing services thru Internet marketing.” Ano, try mo, wala namang mawawala sa’yo. Kung interesado ka, here is my calling card, tawag ka lang or kahit mag text ka lang.”

Hindi na rin ako gaanong nagtagal, may mga kasama kasi ako at mukhang naiinip na sila sa akin.  Nagpaalam na ako kay Dennis at sa kasama niyang si Lee na halos hindi inaalis ang pagkakatingin sa akin mula pa kanina

Sayang lang at hindi sa amin ang mga oras ng mga sandaling iyon. Marami pa sana kaming napagkuwentuhan..

----------

Friendship ikaw ha nakalimutan mo na kami. Hindi mo man lang kami nakuhang ipinakilala sa cutesness na kausapan mo kanina.

Paumanhin mga friends, na excite kasi ako eh. Biruin mo kasi, it’s been a long
time since huli kaming nagkausap. Buddy-buddy kasi kami dati.

Loka we’re not referring to your old friend. Interesado kami sa kasama niya. Ano nga pangalan, LEE ba? Hayzt, He’s an angel sent from above.

Kayo talaga, mga hitad… sorry na lang kayo dahil hindi naman kami close. Sana pinagsawaan na lang ninyo ng tingin kanina, baka hindi na natin ulit siya makita..

Whatever friend, basta ang alam ko, iba ang pakiramdam ko ha, this isn’t the last time na makikita natin or makikita mo ang LEE na ‘yon… Bakit? Because I sense something kanina while you’re busy talking to your old friend, he was looking at you… take note friend there is something in his look (I can tell)

Umandar na naman ang pagka-intrigera mo.

Hanggang sa magkahiwa-hiwalay kami ay hindi pa rin tumigil sa pagka-intregera ang mga hitad kong kaibigan lalo na si Alexc na sadyang makulit..

---------

Tatlong araw ang lumipas. Nakakabagot na ang paulit-ulit kong ginagawa, nakakasawa na. Sabay-sabay ang mga reports na kailangan kong gawin. Sunod-sunod ang mga deadlines na kailangan tapusin.

“Tweet..Tweet”. May nag text.

“Friend, may gagawin ka ba after office? Kung libre ka pwede mo ba akong samahan sa bookstore.”

“Bakit sa akin ka nag papasama, wala ba si Alexc?

“Friendship, may lakad daw siya eh. May date yata, alam mo naman ang lola pag may kinakarir”

“Ganon ba. Sige daanan mo na lang ako dito sa office bago ka umuwi.”

Wala pang alas singko ay nasa opisina na si Vince..

“Ang aga mo naman, excited ka yata gumala”

“Wala na kasi akong gagawin eh,”

“Ano bang gagawin mo sa bookstore?”

“Birthday kasi ng boss ko tomorrow eh, ako ang na-assign sa office na bumili ng gift for him. papatulong sana akong mag hanap ng paborito niyang novels sa bookstore. Matagal na kasi  niyang gustong magkaroon ng copy noon eh.”

“O sige basta ba treat mo ako ha”

Hindi naman kami nahirapang maghanap ng kailangan niyang bilhin sa bookstore. After ay niyaya niya akong mag dinner.

“Saan mo ba gustong kumain?”

“Ikaw na bahala, basta ba treat mo eh”

Vince has a big appetite for Italian foods, kaya hindi na ako nagtaka ng sa Sbarro niya ako dinala. He order: one bake ziti (haft) in tomato and cheesy white sauce, a big slice of Chicago Deep Dish Pizza and a heavy stuffed Angus cheese Steak pizza and a super large drink
… Whooohh.. halos malunod ako sa dami ng inorder niya.

“Friend, kaya ba nating ubusin lahat ng inorder mo? Galing ka ba sa hunger strike?

“Ano ka ba, kaya natin yan…”

Infairness naman, halos naubos niyang lahat ng inorder niya at mukhang kulang pa
yata. Samantalang ako ay halos hindi matunawan sa bigat ng kinain namin.

“Vince, kung hindi ka nagmamadali parang gusto kong mag starbucks muna tayo, gusto kong matunawan,,, Sagot ko friend”

“Sige friend”

After getting our coffee we sat outside as there were no available seats inside. Within minutes Vince saw a familiar face looking at me.

“Friend, Hindi ba siya yung kasama ng friend mo, si LEE”

“Bago pa ako nasakagot ay nakalapit na sa amin ang tinutukoy niya”

“Hi! Can I join you” asked Lee.

“Sure, be our guest. Mag isa ka lang ba, Hindi mo yata kasama ang partner mo?”

“Yap, if you’re wondering where Dennis is. He’s still at work, workaholic kasi yon eh, actually may tinatapos siyang report.”

“Friend, sorry but I think I need go.. Please excuse me.” Sabay tayo at mabilis na umalis. 

“O bakit biglang umalis ang kasama mo?”

“Nagmamadali kasi siya. Kailangan na niyang makauwi dahil may importanteng tao daw na naghihintay sa kanya”. Ang pagsisinungalin ko kay Lee


“Friend sorry talaga, hindi ko na kasi kaya, parang biglang sumakit ang tiyan ko dahil siguro sa dami ng kinain ko kanina. Wrong timing nga dahil gusto ko pa sanang makilala si Lee. Pero huwag ka mag-alala friend dahil sense ko naman na feel ka ni Vince kaya goodluck na lang sa inyong dalawa.” 

"Loka-luka ka.. sige ingat sa pag-uwi.”

Hindi ko namalayan ang oras. Halos kaming dalawa na lang ang laman ng coffee shop. Masarap pa lang kausap si Lee. Medyo nga lang may pagkaseryoso pero nandoon pa rin ang sense of humor niya (kung baga balanse lang).. Madami kaming napag-usapan simula sa kung ano-anong bagay hanggang sa medyo personal na.

He even asked me, if I’m in a relationship right now..

“Wala” ang mabilis kong tugon.

“Bakit naman? Hindi ka naman siguro mahirap magustuhan at mahalin. May hitsura ka naman para walang mag kagusto sa’yo.”

“Is that a compliment or a proposal? Ang pabiro kong sagot. “Alam mo ang totoo I have been in a relationship and it’s been almost a couple of months now since we part ways.” “It’s my choice, my decision na; tapusin na, dahil hindi na ako masaya. Pakiramdam ko unti-unti na akong nasasakal ng relasyon namin.. Sobra na akong nasaktan sa mga nangyari.”

“Bakit, ano ba ang nangyari?”

“It’s over now.. naka-pag move-on na ako at para sa akin tapos na ang kabanatang iyon kaya’t huwag na lang nating pag-usapan.”

Hinawakan niya ang aking kamay. Dama ko ang sincerity sa mga sinabi niya. “You deserved someone better. I know nandiyan lang siya malapit sa’yo. Sana makita mo siya..”

Bago kami naghiwalay ay pinaki-usapan niya ako na huwag ko na raw mababanggit kay Dennis na nagkita kami…

(Itutuloy)

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...