Thursday, September 9, 2010

Hiram 2


Naging malimit ang pagtetext namin ni Lee. Kung minsan ay lumalabas din kaming dalawa. Nagtataka lang ako dahil sa tuwing lalabas kami ay hindi niya kasama si Dennis. Nagkakataon lang ba o sadyang pinaplano niya na kaming dalawa lang magkasama. Partner sila sa trabaho kaya’t imposibleng hindi malaman ni Dennis ang madalas naming pagkikita.

Kung sabagay, sa tuwing magkatext naman kami ni Dennis ay hindi namin napag-uusapan ang tungkol kay Lee. Pinakiusapan din naman ako ni Lee na huwag kong mababanggit kay Dennis ang tungkol sa paglabas-labas namin.. 

Minsan hindi ko natiis na ungkatin ko kay Lee ang tungkol dito.

“Bakit nga pala ayaw mong malaman ni Dennis na nagkikita tayong dalawa?”

“Basta. Nahihiya kasi ako na malaman niya na lumalabas tayo. Hindi kasi ako handa kapag inusisa niya ang tungkol dito. Baka mailang ako… and I want to make our relationship private, iyong tayong dalawa lang muna ang nakakaalam, walang ibang nagtatanong, walang ibang nakikialam” Kaya sana ilihim na lang muna natin ito.”


--------

Masaya si Dennis. Bakas ko sa kanyang mukha ang pagiging inspired. Simula nang magkita ulit kami ay hindi maitatago ang kanyang kasiyahan.


Minsan ay naikuwento niya sa akin kung gaano siya  nagpapasalamat at natagpuan na niya ang taong hindi lang niya mamahalin. Ang taong tanggap siya sa kabila ng kaniyang pagkatao.


Naalala ko pa noong magkasama pa kami sa High School. Maaga siyang nagmahal at umibig, maaga din siyang nasaktan. Nagmahal siya subalit hindi naman siya nakatanggap ng sukling pagmamahal. He was taken for granted.. ginamit lang siya at nagpagamit dahil sa lintek na pagmamahal na yan..  


Kahit kung minsan ay masaya ka na sa bawat hiram na sandali sa piling ng taong minamahal mo ay iba pa rin ang kaligayahang matatamasa mo kung siya’y totoong para sa iyo..


Kaya naman natutuwa ako at finally may isang taong tumanggap sa kanya at nagmamahal sa kanya. Isang relasyong kanya-kanya at hindi niya kailangang manghiram ng sandali para lang lumigaya siya..

--------


Dennis and I seldom talked about our lovelife lalo pa’t ngayon lang ulit kami nagkakausap, maliban nalang kung may kailangang humingi ng payo tungkol dito..  o magsabi nang sama ng loob na dulot nito… masaya na kaming nagkakamustahan at nagbabalitaan ng tungkol sa kahit anong bagay na nangyayari sa araw-araw naming buhay..


At ngayon nga ay masaya niyang ibinalita na malapit na ang kanilang ika-anim na monthsary.


“I’m so happy for you. Wish ko lang na sana humaba pa ang relasyon ninyong dalawa”


“Thanks.”


“Can you help me?” Gusto ko kasi siyang i-surprise eh, alam kong magaling ka sa mga bagay na ganyan… I need your expertise,.. matutulungan mo ba ako?”


“Ikaw pa.. basta ba para sa ikasasaya ng pagsasama ninyong dalawa.” Kaya lang andaya mo, sino ba yang prince charming mo na iyan, hanggang ngayon hindi mo pa pinakilala sa akin?.”


“Makikilala mo rin siya, (actually kilala mo na nga yata siya eh).. Ayaw kasi niyang ipaalam at ipagyabang sa iba na may relasyon kami”


“Ha? Sino?”


“Basta ipapaklilala ko siya sa’yo one of this day. Siguro bago ang monthsary namin..”


---------


“Are you free Friday night?” and text sa akin ni Lee.


“Wala pa naman akong na o-oohan, Why?”

“Can I invite you out for coffee?”


“Coffee lang talaga?”

“Bakit ano ba ang gusto mo?”


“Wala… sige Friday night. See You”


---------


“Lee let’s go out this Friday, na miss ko na ang paglabas-labas nating dalawa eh.” Ang paglalambing ni Dennis kay Lee


“Himala, wala ka bang overtime or tatapusing trabaho sa opisina?”


“Wala, kaya nga I’m inviting you out eh, I want to make-up for those time na busy ako.. Pakiramdam ko kasi lumalayo kana sa akin eh..”


“Ganoon ba, sige.” Nakalimutan ni Vince na may usapan din pala kami.


--------


Friday..


I was waiting for Lee’s text or call para malaman ko kung tuloy ba kaming lumabas tonight, pero wala.

Malapit ng mag-uwian pero wala pa rin.. Ayoko namang ako ang maunang mag text.. I waited for a few more minutes, pero wala pa rin kaya ako na ang nag text sa kanya.


“Kamusta na? tuloy ba tayo? Please reply”

Kasalukuyang palang magkasama sina Dennis at Lee ng mga oras na iyon. Umalis saglit si lee upang mag upang pumunta sa restroom. Naiwan niya sa ibabaw ng kanyang table ang kanyang Cellphone ng mag text ako sa kanya.


Dala siguro ng curiosidad ni Dennis ay pinakialaman ni Dennis ang cellphone ni Lee. Binuksan niya ang Inbox. Habang binabasa niya ang mensahe ay hindi maiwasang sumibol ang kutob sa dibdib niya. Bigla siyang nagduda.  Agad niya itong binura at saka ibinalik ang cellphone ni Lee. Hindi niya hahayaan na masira ang lakad nilang dalawa. Sa ngayon, ay isina-isang tabi lang muna niya ang pagdududa. Hindi ito ang tamang oras para tanungin siya.


Pagpabalik ni Lee ay agad nitong tsinek ang cellphone niya..


“Are you expecting a text from someone?”


“Bakit may nagtext ba kanina habang wala ako?”


“Wala naman, naitanong ko lang. Para kasing balisa ka eh, kanina ko pa napapansin. Why? is there something bothering you? Do we have a problem?”


“I’m okay, let’s just enjoy the night”

--------


Hindi na nga ako ni-reply ni Lee. He did not even bother to call me... What the hell happened to him..


(Toot tooott toott… Gosh, battery empty)


Sigh..


“O bakit mukhang bad trip ka?” Si Vince kasama si Alexc na mukhang may pinaplanong Friday escapades. “May umaway ba sa’yo? Sabihin mo, makakatikim talaga siya a amin ni Vince”


“Don’t be such a war freak, I’m okay napagod lang ako sa dami ng trabaho kanina”

“Tse, lokohin mo lelong mo, kilala ka namin, siguro hindi ka sinipot ng prince charming mo, noh”

“Stop interrogating me okay, ang mabuti pa lumabas na lang tayong tatlo.”
 
“Tama.. may alam akong bagong tambayan sa Venice Piazza” 

Hindi kami magkasundo kung saan kami mag di-dinner tatlo but since pareho silang mahilig sa Italian food – sa Harry’s Bar...

 
Sa entrance pa lang ng Harry’s Bar ay may kakaiba na agad akong naramdamang kakaiba. Para akong nanghihina, parang biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Gutom lang siguro hindi kasi ako ng break kanina (siguro nga).

 
“Table for three please”

 
Habang papalapit kami sa bakanteng table na itinuto ng crew ay biglang nagkaroon ng kasagutan kung bakit ganito ang nararamdaman ko.


Sa kabilang mesa ay nakaupo ang dalawang pamilyar na mukha.. Sina Dennis at Lee..

(itutuloy)

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...