Sunday, September 12, 2010

Hiram 3


Of all the places I didn’t expect na sila ang makikita ko dito. Was it just a plain coincidence? Kung sinasadya man ng pagkakataon, hindi ako magpapa-apekto dito.. I managed to keep myself composed kahit na bahagyang may pagkagulat sa reaksiyon ko ng makita ko silang dalawa, lola na ng magsalubong ang mga tingin naming ni Lee. Hindi rin maitatanggi ang kanyang pagkagulat.

“Oh what a small world, nandito rin pala kayo” ang bati ni Dennis.

“Yah. It’s nice to meet you here. Biruin mo dito pa pala ulit tayo magkikita.”

Matapos ang maikling pagbati ay pumuwesto na kami ng aking mga kasama sa aming table na nasa gawing likuran lang ng table nila Lee.

“Excuse me guys I think I need to go to the powder room. Kayo na ang bahalang pumili ng kakainin natin.”

Sinundan ako ni Lee. “Sorry kung pinaghintay kita sa wala, sorry kung hindi ko agad nasabi sa’yo. I was trying to call you pero naka-off na ang cellphone mo.” “Biglaan kasi ang pag invite sa akin ni Dennis na samahan siyang lumabas, hindi na ako nakatanggi.”

“Maiintindihan ko naman kung magsasabi ka sa akin ng totoo eh.. Ngayon ko lang itatanong sa’yo ito and I want you tell me the truth. Is there something going on between you and Dennis?  

“Bakit mo naman naitanong yan?”

“Matagal ko na kasing napapansin eh, I was trying to ignore it pero habang tumatagal hindi ko maiwasang mag-isip. Una, ayaw mong malaman ni Dennis na nag-uusap tayo. Pangalawa, natatakot kang malaman niya that we’re dating, na tayong dalawa na. Dennis is my friend, kaya if there is something I need to know, you better tell me now.”

“Siguro nga kailangan mo ng malaman – may relasyon kami ni Dennis….”

Hindi ko na hinintay na mapakinggan pa ang mga sasabihin niya, mabilis akong tumalikod at lumabas ng powder room. Para akong sinampal sa narinig ko. Bakit hindi ko agad inalam. Ang tanga-tanga ko.

Si Lee… ang lalaking tinutukoy ni Dennis na lalaking pinakamamahal niya. Ang lalaking pinaghahandaan niya ng sopresa para sa kanilang monthsary.

Wala akong mukhang ihaharap kay Dennis oras na malaman niya ang tungkol sa aming dalawa ni Lee. Isa lang ang alam kong tamang gawin - ang kalimutan si Lee.

--------

Dalawang linggo ang lumipas simula ng gabing mabunyag sa akin ang katotohanan, hindi ko na muling kinausap pa Lee. Mahirap, lalo pa’t panay ang tawag niya, maya’t maya ang text niya. Nagsusumamo na kausapin ko daw siya, bigyan ko daw siya ng pagkakataong makapagpaliwanag ng maayos.. mahirap, nahihirapan ang puso ko, pero kailangan ko itong gawin.

Hindi siya tumigil hangga’t hindi niya ako nakakusap. Maghapon niyang binantayan ang paglabas ko sa trabaho.

“Friend hindi ba si Lee ‘yon? Ikaw yata ang hinihintay.”

“Bjozh please kausapin mo naman ako. Huwag mo naman akong iwasan please.”

“Lasing ka, mas mabuti kung umuwi ka na lang.”

“Nakainom oo, pero hindi ako lasing at lalong hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ako kinakausap.”

“Wala naman tayong dapat pag-usapan pa, malinaw ang gusto kong mangyari – kalimutan mo na ako, ayaw ko ng iskandado... Mas makakabuti kung hahayaan mo nalang ako.”

“Please, ikaw ang mahal ko.”

“Naririnig mo ba ang sarili mo.”

“Mahal kita….’

----------

(Tweet…tweet…tweet) text message from Dennis.

“Busy ka ba? puwede ba tayong mag usap?”

Bigla akong kinabahan ng mabasa ko ang nilalaman ng text ni Dennis. Bakit kaya? Siguro ay alam na niya na niloloko siya ni Lee. Nalaman na niya na may relasyon kaming dalawa ng taong pinakamamahal niya.

“What about?”

“I just need someone to talk too. Pwede mo ba akong samahan mamaya?”

--------

‘Remember the last time we’ve met.. About two weeks ago. Kilala mo naman siguro si Lee, ‘di ba? He is the one I’m telling you. Siya ang boyfriend ko at alam mo rin naman na we are celebrating our monthsary this Saturday. Alam mo yan hindi ba, dahil I asked for your help kung ano ang dapat kong gawin to surprise him.”

“Bakit may problema ba?” Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin ng mga oras na iyon. Nangangapa ako. May alam ba siya?

“Ayaw kong isiping meron nga, pero iyon ang nararamdaman ko. Malakas ang kutob ko na may inililihim siya sa akin. You know what?, before kami magpunta sa Venice Piazza may nag text sa kanya asking kung tuloy ba daw sila. Sa inis ko binura ko agad iyon text message. I was about to confront him pero kinimkim ko lang muna, maybe it wasn’t the right time para usisain ko siya about it.”

“kilala mo ba kung kanino galing ‘yon text message?”

“No. initial lang kasi ang nag registered sa inbox eh.”

“Anong initial?” ang patay malisya kong tanong.

“B”

“Ano ba ang dapat kong gawin? Since then hindi na kami nakapag-usap ng matino, palagi na lang siyang parang wala sa sarili. What should I do? Matagal ko na dapat siyang tinanong about this pero pinapangunahan ako ng takot – takot sa maari kong malaman, takot na marining ang hindi ko gustong marinig.”

“Maybe he’s not yet ready to talk about the issue either or maybe he was just waiting for you to ask him.”

“Paano kung totoo ang kutob ko na ayaw na niya sa akin, na meron na siyang ibang napupusuan?” Hindi ba masakit tanggapin yon?”

“Hindi mabibigyang kasagutan ang mga kutob mo kung hindi ninyo pag-uusapan ang tungkol sa estado ng relasyon ninyong dalawa.” “ Kung sakaling sabihin niyang ayaw na niya sa’yo, matatanggap mo ba?’”

“Hindi ko alam… hindi ko alam kung kakayanin ko."

(itutuloy)




No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...