Sinisisi ni RD ang kanyang sarili sa malubhang sinapit ni Camhi. Hindi niya inaasahan na hahantong sa ganito ang nais sana niyang pakikipaghiway sa kasintahan. Kaagad siyang pumunta sa hospital kung saan ito dinala. Kahit pa pinahihirapan siya ng pag-atake ng kanyang sakit ay pinilit niyang makarating upang damayan ang kanyang pinakamamahal.
-----
Lumipas ang halos tatlong linggo ay hindi pa rin nagkakamalay si Camhi. Samantalang unti-unti na ring iginugupo ng kanyang karamadaman si RD at sa huling pagkakataon ay muli siyang nagpaalam sa minamahal. Mahigpit ang hawak niya sa mga kamay nito. Pakiramdam niya kasi ay hindi na siya magtatagal. Hindi naman niya maatim na magisnan siya ni Camhi na halos naghihingalo na at nakikipaglaban sa kanyang huling hininga. Nais niyang maalala siya nito gaya ng una silang nagkakilala.
“Paalam aking mahal.” Ang garalgal niyang bulong sa kanyang minamahal.
Akmang tatalikod na sana si RD ng mapansin niya ang mga namumuong luha sa gilid ng mga mata ni Camhi. Dumaloy ito sa tenga at bumagsak sa unan. Lalo siyang nahabag sa sinapit nito ngunit hindi na niya ito alintana. Dinampot niya ang kanyang bag at tuluyan ng lumisan…
-------
Matapos ang mahimbing na pagkakaidlip – sa loob ng halos isang buwan ay muli siyang nagkamalay Subalit Isa pang masamang bangungot ang naging dagok kay Camhi. Nang magkamalay siya ay hingi na siya nakakakita pa. Tinamaan ng mga bubog ang kanyang mga mata.
Hindi mapatid ang mga luhang dumadaloy sa kanyang mga mata. Hindi niya matanggap kung bakit nangyayari sa kanya ang lahat ng ito. Ang tanging kasalanan lang naman niya ay nagmahal siya ng totoo.
Nang dahil sa KANYA….
Sinisisi niya si RD at kung maaari lang huwag muling maglihis ang kanilang mga landas dahil hindi niya alam kung ano ang puwede niyang gawin dito. Subalit maaring hindi na nga ito mangyari, dahil bulag na siya at tanging si RD lang ang sinisisi niya dito.
-------
Tanging isang corneal transplant lang ang maaaring magpanumbalik sa nawalang paningin ni Camhi.
Matapos ang ilang buwang paghahanda at paghahanap ng eye donor, ay sumailalim na si Camhi sa operasyon. Sa tulong ng isang misteryosong tao ay muli niyang makikita ang kagandahan ng mundo. Isang mundo na wala na RD, na siyang naging dahilang ng mga pagsubok na ito sa kanyang buhay.
Sa awa naman ng Diyos ay naging matagumpay ang isinagawang corneal transplant para kay Camhi. Hindi na makapaghintay ang kanyang pananabik na muling masilayan ang pagsikat ng araw at ang kagandahan ihahain nito. Ang pag-sikat muli ng isang umagang puno ng mga bagbabago at pag-asa.
-----
Kinakailangan pa niyang manatili sa hospital sa loob ng dalawang araw, bago tuluyang tanggalin ang mga pads sa kanyang mga mata. Ito ang sandaling kanyang pinaka-iintay. Ang sandaling muli siyang makakakita.…
(itutuloy)
No comments:
Post a Comment