Naging malimit ang pagsakit ng ulo ni RD. Noong una hindi niya ito inaalintana, tinitinis niya ang bawat pagsakit nito hanggang sa ito ay mawala. Subalit sa paglipas ng mga araw ang simpleng sakit ng ulo ay halos hindi na niya makayanan. Daig pa niya ang nakikipagdigma sa bawat oras na ito ay aatake.
Nahihirapan siyang huminga ng umagang makikipagkita sana siya kay Camhi, sinabayan pa ito ng matinding pagsakit ng kanyang ulo. Hindi na niya nagawang ipaalam kay Camhi ang kanyang kalagayan sa halip ay minabuti niyang kumunsulta na sa isang espesiyalista upang matukoy ang dahilan ng malimit na pagsakit nito.
Hindi siya makapaniwala sa kanyang nalaman. Daig pa ang binuhusan ng malamig na tubig ang kanyang buong katawan matapos sabihin ng doctor na may tumor siya sa utak at dahil na rin sa CT Scan kung kaya’t nadiskubreng malignant stage na pala ang kanyang kanser sa utak.
Hindi pa rin siya makapaniwala, hindi niya matanggap na malubha na pala ang kanyang sakit. Kinailangan niyang humingi ng second opinion. Maaring nagkamali lang ang doctor na tumingin sa kanya. Subalit lalo lang niyang napagtanto ang katotohanan na hindi na siya magtatagal. Bilang na ang kanyang araw. Masuwerte na raw na umabot pa siya ng hanggang dalawang buwan.
Milagro ang kailangan niya upang malagpasan ang dagok na ito. Hinang-hina siya nang makauwi siya sa bahay. Gaano ba kabilis ang takbo ng oras? Dalawang buwan? Paano ang aking mga mahal sa buhay? Paano ko haharapin ang nalalabing araw sa buhay ko? Makukuha ko pa bang maging masaya? Ang samu’t saring tanong na ngayon ay gumugulo sa isip niya.
Isa pa sa kanyang pangamba ay ang pangako niyang hindi niya iiwan si Camhi. Subalit paano niya matutupad ang binitiwang pangako. Dalawang bagay ang kanyang pinag-iisipan. Una, ipagtatapat niya sa kanyang pinakamamahal ang kanyang sitwasyon at pipiliing maging masaya sa piling nito hanggang sa dumating ang araw na siya ay lumisan. Pangalawa, itago ang kanyang tunay na karamdaman at upang maisakatuparan ito ay kailangan niyang isakripisyo ang kanilang relasyon. Iiwan niya si Camhi upang hindi na nito masaksihan ang araw-araw niyang paghihirap.
Masakit man sa kanyang damdamin pinili niyang ang pangalawa mas gusto niyang magpaalam kay Camhi na nasa maayos pa siyang kalagayan at hindi kinakaawaan. Buo na ang kanyang desisyon kaya’t sa huling gabi na sila ay magkasama mahirap man sabihin ay pinanindigan niya ang kanyang ninanais.
“Babe, hinidi ko alam kung paano ko sasabihin sa’yo ito. (halos bumara ang boses niya sa pagsasalita, waring ayaw lumabas ng bawat katagang kanyang iuusal) Kailangan na kitang iwan”
“Ano ang sabi mo, nagbibito ka ba?”
“Sorry pero I don’t love you anymore”
“You don’t love me anymore??? Pero Bakit?
“Dahil hindi ko kayang tuparin ang pangako ka sa’yo. I’m sorry”
“Ganon lang bang kadali para sa’yo ang iwan ako? Ang babaw naman yata, tapos sasabihin mo na you don’t love me anymore.. Damn” “Akala ko kilala na kita, akala ko iba ka sa lahat ng lalaking nakilala ko, but I thought wrong, you can’t keep the promises you made the “Promises of eternal love” … Fuck You.. How I wish you were DEAD you lying, prying bastard, I wish you were DEAD..”
Masama ang loob na iniwan niya si RD. Mabilis niyang pinaandar ang kanyang sasakyan hanggang sa….. [CAR CRASH]
(itutuloy)
No comments:
Post a Comment