Thursday, March 4, 2010

Problema?!?

Ang daming problema, pati problema ng iba ibabato sa’yo. Handa ka naman tumulong kahit isa-isang tabi muna ang pansariling pangangailangan matugunan lamang ang pangangailangan ng iba. Pero pagkatapos mo silang tulungan, naglalaho na lang na parang bula at ikaw, ang problema mo hindi pa nassosolusyunan. Ikaw naman ang nangangailangan ng kanilang tulong, subalit nasaan sila – wala ka nang malapitan..

Usaping pinansiyal – hindi na natapos. Halos sunod-sunod silang lalapit, hindi ka naman makaurong, hindi makahindi, kahit sapat lang para tustusan ang mga pangaraw-araw na pangangailangan, ang mga gastusin sa bahay, bayarin sa kuryente at tubig.. Kahit sabihin mong wala, hindi naman maniniwala. Kahit sinasabi mo ang totoo, ikaw pa ang pagdududahan – iisiping sila’y pinagdadamutan.. Saan ka pa lulugar.

Kung minsan gusto ko nang lumayo, gusto ko silang takasan, hindi ko naman magawa.. Kahit ako pinanghihinaan ng loob. May kasama ka nga, inaasahang makakadamay, inaasahang makakatulong pero kung minsan siya pa ang nagiging pasanin. Gagawan ka pa ng hindi maganda at kikilos na parang wala lang sa kanya – kapal naman ng mukha, hindi ko naman masabi dahil ayoko namang makasit ng damdamin kahit iyon ang totoo. Pag nagsalita kasi ako tuloy-tuloy, matatalim na salita ang ipupukol ko na hindi ko na mababawi pagkatapos.

Ngyon, hindi ko alam ang gagawin.. hindi ko alam ang iisipin.. kanino ako lalapit.. Sa bawat problema nila mukha ko ang nakaharap.. Paano pa ako haharap sa sarili kong problema?.. Paano?.. Kulang nalang magkubli ako sa aking anino upang takasan ito.

Bakit nangyayari sa aking ngayon ito? Dapat ko bang sisihin ang sarili ko?? Sino sisisihin ko??....

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...