Thursday, March 18, 2010

Is It Okay If I Call You Mine?

Is it oks it okay if I call you mine?
Just for a time
And I will be just fine
If I know that you know that I'm
Wanting, needing your love.. Oh

First verse from the song “Is it okay If I call You Mine? by Paul McCrane. Every time I here the song, it reminds me of someone that I used to love and the first guy who broke my heart.

Election period din noong panahong iyon na una ko siyang nasilayan. I was working as one of the staff of the running candidate for Mayor. Nautusan ako na magdala ng mga documents sa opisina ng COMELEC at doon ko siya nakita.

Attracted na agad ako sa kanya. Sabi ko sa sarili ko “Ano kaya ang pangalan ng Guwapong Bagets na ito” Kailangan kong malaman.

I asked one of the staff ng COMELEC. “Sino yung bagets kanina?”
Ahh si xxxxxxxx SK Chairman ng Barangay xxxxxxxxx.
Salamat ang masaya kong naisagot.

Pag balik ko sa opisina agad kong hinanap ang datos niya sa database na naka install sa computer ng opisina at doon ko na nalaman ang ilang personal na detalye ukol sa kanya.

Simula noon ay hindi na nawaglit sa isipan ko ang kanyang itsura. Kailan ko kaya siya muling makikita.

Natapos ang Election, nanalo si Sir sa kanyang tinatakbong katungkulan. Sa pag upo niya ay isinama niya ako at binigyan ng pwesto sa kanyang tanggapan.

Lunes ng umaga, maraming tao sa kanyang tanggapan. May isang pamilyar na mukha ang aking natanaw. Biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib, para akong nanglalambot na hindi ko mawari. Tama nga ang kutob ko siya nga, at muli kaming nagkita.

Protocol sa opisina na tanungin muna ang mga dumadating na bisita kung ano at sino ang kailangan nila. Tinanong ko kung ano ang sadya niya. Nag aaply pala siya pinapunta daw siya ni Mayor.

Ang saya na naman ang araw ko. After a couple of weeks muli siya bumalik sa opisina. This time may aayos na siya ng mga requirements at sa susunod na linggo ay pwede na siyang magsimula – isa na siyang kawani ng pamahalaang bayan.

Lalong umigting ang nararamdaman ko para sa kanya, dahil nga siguro palagi ko na siyang nakikita. Mabait naman siya, hindi mahirap pakisamahan. Sa maiksing panahon ay naging mabuti kaagad ang pakikitungo niya sa akin.
Eto na, paano ko ba sasabihin na gusto ko siya. Dapat ko bang sabihin? Paano kung mapahiya lang ako. Iyan ang mga tanong ko sa aking sarili…

Bilang payo ng isa sa mga kaibigan ko, “bakit hindi mo subukan, sabihin mo sa kanya ang iyong nararamdaman. Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan”. “Kung ma-turn off man siya sa gagawin mo at least you tried, wala kang magiging agam-agam.”

So this is it, this must be the perfect timing para ipaabot sa kanya ang nilalaman ng puso ko… Is it oks it okay if I call you mine? Just for a time”…Binigyan ko siya ng kopya ng awiting ito bilang pagpapahiwatig. Tinanggap naman, pero ito ang hindi ko nagustuhan nang sabihin niyan “Hindi pwede”, hindi ko ipagpapalit ang asawa ko at hindi rin ako pumapatol sa xxxxxx”. Ganon, leveling agad ang response niya..

Nagkamali ba ako ng move? From then on medyo iniwasan na niya ako.
Although, nararamdaman ko na hindi naman siya galit sa akin or sa ginawa ko per se. Parang nagkaroon ng wall between us. Kung minsan tuloy iniisip ko how to break that wall.

I was very disappointed with myself, first time ko pa naman gawin ‘yon., ang mag express ng feelings only to be rejected in the end.. Kung kalian nahuhumaling kana. Di sana ay inangkin ko na lang ang nilalaman ng puso ko.

Blessing in disguised na rin siguro ang nangyari, at least hindi na ako umasa pa. Kahit paano alam ko kung saan ako nakatayo, kung saan ako lulugar.

Dahil doon may nakilala akong iba…

---------

Makalipas ang ilang taon, nagbago na siya hindi na siya yung dating attractive guy next door. Sabagay, lumipas na rin naman ang atensyon ko sa kanya..

Nabalitaan ko na nakikipag flirt siya sa isang old gay. Nakakaloka kakainin din pala niya ang mga sinabi niya dati sa akin. Kung sa bagay nga naman nagbabago ang ihip ng hangin. According to my sources, ginagamit lang niya ang kawawang matandang bakla, pineperahan kapalit ng isang nakakasulasok na gabi sa bahay ng matronang bakla. Buhay nga naman.

Minsan din siyang lumapit sa akin pero hanggang ngiti na lang kaya kong ibalik sa kanya.

-------

Taon pa ang lumipas, wala na akong nabalitaan tungkol sa kanya. Matapos niyang mag resigned sa trabaho hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa kanya until now.

Paul McCrane - Is It Okay If I Call You Mine? lyrics

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...