Wednesday, March 24, 2010

Matador

Ordinary day in the office, wala masyadong client kaya’t naisipan ko muna lumabas at maglakad-lakad nang hindi sa kalayuan ay nasumpungan ng aking tanaw ang isang nilalang na nakikipag-usap sa isa ring empleyado na naka-assigned sa ibang namang departamento. Nang magawi ang aking direksiyon sa kanilang kinatatayuan ay binati niya ako.

“Bjozh, musta?”

“Okay lang”
ang aking tugon kasabay ng isang simpleng ngiti habang hindi maiwasang mapatingin ako sa kanyang kausap.

“Si Christian nga pala tropa ko”

“Hi”
iyon lang ang nasabi ko. Iniabot niya ang kanyang kamay tanda ng kanyang pagtugon.

“Sige, nice meeting you, babalik na ako sa opisina baka may cliente nang naghihintay sa akin doon”

“Maya na, usap muna kayo, may kukunin lang ako saglit. Ikaw muna ang bahala sa kanya” “Pare iwan muna kita kay Bjozh”.

Huli na para tumanggi pa ako dahil pagkasabi niya ay agad na siyang tumalikod. Ano bang pag uusapan namin, nangangapa ako. He’s a complete stranger, don’t know where to start the conversation.

“Gusto mo doon na lang natin siya intayin sa opis?”

“Okay lang”


Pagbalik naming sa opisina siya namang labas ng kasama ko kaya’t naiwan kaming dalawa. Biglang binalot ng katahimikan ang apat na sulok ng aming tanggapan. After a few glances ay siya na ang bumasag aming katahimikan. Saka ko pa lang lubos na napagmasdan ang kanyang taglay na kaguwapuhan.

Bago pa man nakabalik ang kanyang kumpare ay nagkapalitan na kami ng aming mga cellphone number.

“Sige, salamat.” Ang kanyang pamamaalam.

---------

Kinabukasan...

“Musta?”

Sender: Xtian

Hindi ko inaasahan ang text niya. Ba naman para sa akin kuwentuhan lang lahat ang naganap.

“I’m good! Musta? Ang reply ko.

“okay lang. thanks nga pala kahapon.”

“Para saan?

“for your time, sarap mo kausap eh.”

“Me ganon”

“Umiinom ka ba?

“Pag may okasyon lang, why?”

“Tambay ka minsan sa bahay, kwentuhan tayo .“ “Umiinom ka ba nag matador?”

“Kahiya naman” “okay lang”

“Ok lang un, basta inform me kung kalian ka punta?”

“Sige next time!”

---------

Sabado. Lalabas sana kaming magkakapatid, balak ko sana silang itreat kumain sa labas malapit na kasi ang kaarawan ko pero hindi sila pwede dahil may kanya kanya na silang mga lakad. Anyway, next weekend pa naman talaga ang plano naming mag salo-salo.

I decided to go out alone. Pumunta ako sa Festival Mall, window shopping ang drama ng lola. I ate Mc Chicken Sandwich (Burger Meal) Double Go large.. Bought yellow shirt (Bench) and cologne at Mossimo.

Kakapagod. Maaga pa pero tinatamad pa ako umuwi kaya’t naisipan kong manood muna kaya ng movie, pero halos kanina pa nag simula ang screening gagabihin naman ako kung maghihintay ako nang susunod na schedule kaya’t naglakad-lakad na lang ako.
Naisip ko pag uwi ko ng bahay mag-isa lang ako naalala ko tuloy ang text sa akin ni Xtian. Agad kong kinuha ang cellphone phone at tinext siya –

“Gudpm! Musta? Pwede ba akong dumalaw sa inyo?”

“Cige ano oras ka pupunta? Wala pa kasi ako sa bahay eh”

“ganon ba.. Ano oras ba uwi mo?”

“Mga 7pm pa siguro”

“okay, wala pa rin naman ako sa bahay eh”

“Ano, okay lang ba?”

“Sige, txt mo ako pag punta ka na”

“K. txt you later.”

“Ingat”

--------

“Tao po” ang bungad ko sa harapan ng bahay nila. Lumabas ang isang hindi katandaang babae kasama ng isang tatlong taong gulang na batang lalake.

“Sino ang kailangan mo”

“Dito po ba nakatira si Xtian?”

“Dito nga. Sino ka?’


“Bjozh po” ang magalang kong sagot.

Agad naman akong pinapasok. “Tawagin mo papa mo, sabihin mo may naghahanap sa kanya.” Tama ba ang narining ko. Anak ba niya itong batang kanina ay nasa harapan ko. Nagkamali lang siguro ako ng pandinig. Maya-maya pa ay lumabas na siya kasama ang batang lalaki.

“Pasensiya ka na sa bahay naming, medjo magulo pa.”

“Mama ko nga pala”

“Magandang gabi po”

“Anak ko… Bless ka”


Tama nga ang narining ko kanina. Hindi sumagi sa hinagap ko na may anak na pala siya. Tinawag din niya ang kanyang asawa upang ipakilala sa akin.

“Misis ko si Gwen,.”

Maganda ang misis niya. Maputi, makinis. Kung hindi ako nagkakamali kahawig siya ni Jennnelyn Mercado. Kung sabagay artistahin din naman ang dating ni xtian..
Sa tingin ko ay halos limang buwan nang buntis ang misis niya. Muli siyang bumalik sa kwarto matapos maipakilala sa akin. Mahiyain daw ayon sa kanya.
Iniabot ko ang dala kong pagkain. Buffalo Wings at Carbonara na inorder ko sa Don Henricos. Kumain ka na ba ang tanong ng mama niya. Tamang-tama ngayon palang kami mag hahapunan. Sumabay ka na sa amin.

Hindi ko alam kung ano ang magiging pakiramdam ko. Kasalo ko sa kanilang hapag ang kanyang pamilya. Pinagsisilbihan. Nahiya naman akong bigla. Dumating din ang kaniyang kapatid na babae galing sa school.

Pagkatapos ng hapunan ay inalok ako ng kanyang ina at ama na mag inuman daw kami. Hindi na ako nakahindi sa kanila. Nakakahiya naman kung mag iinarte pa ako.
Matador ang malimit nilang iniinom. Matapos ang ilang shots ay iniwan na kami ng kanyang mga magulang, magpapahinga na daw sila kaya’t kaming dalawa nalang ang naiwan sa kusina habang ang kanyang kapatid ay nanonood sa sala samantalang ang kanyang dyowa ay pumasok na sa kanilang kwarto upang makapag pahinga na rin.
Sinilip muna niya ang kanyang mag-ina, pagbalik niya ay naka short na lang siya. Maganda ang hubog ng kanyang pangangatawan. Naiilang tuloy akong tumigin sa kanya. Napansin siguro niya ang manaka-naka kong pagsulyap sa kanyang katawan.

Hindi ko namalayan malalim na pala ang gabi.

“Dito ka na matulog, gusto mo tabi tayong tatlo ng misis ko”

“Gabi na, kailangan ko na siguro umuwi”

“Maya na dito ka na nga matulog, bakante naman yung isang kuwarto” “Samahan kita”.


Humaba pa nga ang aming kuwentuhan. Halos na ikuwento na niya lahat tungkol sa magulang niya, sa kapatid niya at ang tungkol sa maaga niyang pag-aasawa.
Nag paalam siya. Maliligo daw muna siya para presko pag tulog. Ibinilin muna niya ako sa kapatid niya na kasalukuyang nanonod.

Hindi ko na mapigilan ang aking antok, dala na rin siguro ng aking nainom.

------

Naalimpungatan ako, umaga na pala. Pagmulat ng mga mata ko ay wala ako sa aking sariling silid. Muli kong ipinikit ang aking mga mata at saka muling iminulat, nagulat ako na katabi ko pala siyang natulog. Wala siyang saplot bukod sa putting underwear na tumatakip sa kanyang kaselanan..

Wala akong maalala… napasobra siguro ang pag kainom ko kagabi…
Pinagmasdan ko siya, mahimbing parin ang kanyang pag kakaidlip. Hindi ko na siya ginising pa. Lumabas ako ng silid. Nag hahanda na ng almusal ang kaniyang ina. Ang kanyang asawa ay mahimbing parin sigurong natutulog sa kanilang silid kasama ang kanilang anak na lalake.

-------

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...