TATSULOK - ang hugis ng daigdig ko. Hindi tulad nang mundo mo na patuloy na umiinog, ang sa akin ay tila nakagapos sa tatlong sulok ng SAKIT, PAGIISA at KALUNGKUTAN… Bigkis ng tanikalang mahigpit na yumayapos sa sentro nang aking pagkatao.
Unti-unti akong nanghihina. Dahan-dahang nawawalan ng lakas at pag-asa. Ako’y mistulang isang kandilang unti-unting nauupos hanggang sa taglay kong liwanag ay tuluyang nang maglaho at hindi na mapansin.
----
Nasaan na ang mga pangako? Tinangay na rin ba ng hangin kasama ang sumpang hindi mo ako iiwan. Bakit sa kabila ng aking pagpaparaya ay ako parin ang lumalabas na masama? Pilit kitang inunawa dahil iyon ang alam kong tama - dahil mahal kita kahit na alam kong lubos akong masasaktan.
Hindi ako bumitaw sa iyong mga pangako.
-----
Minabuti mong lumayo kasama siya… Hindi kita pinigilan dahil alam kong babalik ka. Subalit tila yata nalimot mo na, iniwan mo akong nag-iisa sa gitna ng pangungulila at pagdurusa. Tuluyan nang nilamon ng kalungkutan ang aking sistema. Hanggang ngayo’y ikaw ang nais kong makasama.
Batid kong wala ka na, subalit binahiran mo ng mantsa ang aking puso at ang aking pagkatao. Mahirap mang burahin, mahirap mang iwaski kailangan ko itong kayanin..
----
Sino ang magpupuno sa aking kalungkutan? Upang ang sakit at pag-iisa ay tuluyan nang malimutan..
No comments:
Post a Comment