Wednesday, March 17, 2010

Sa Pagitan Nang -

Sadya yatang hindi maiiwasan kapag sinubok tayo ng pagkakataon. Maiipit ka sa pagitan ng iyong pamilya at mga kaibigan. Paano ka maninimbang? Kanino ka papanig? Ipagtatanggol mo ba ang iyong kadugo laban sa isang malapit na kaibigan? Paano naman ang inyong pinagsamahan mababalewala na lang ba? Nang dahil sa sinadyang pagkakataon…

Bastos ka si eh.. iyan ang sabi.. Wala ka ba talagang alam? Nasaan ka sa puntong ito? Sinubukan mo bang ayusin, dili kaya ay harapin ang dalawang panig. O baka naman tuluyan ka ng tatalikod at magwawalang bahala? Apektado ka din naman diba? Halos maluha ka pa nga habang ibinubulalas mo ang iyong saloobin sa harap ng isang matalik na kaibigan.

Oo nandoon na ako, mahalaga ang kapamilya higit sa lahat. Pero paano kung siya ang may pagkakasala? Hindi mo ba pwedeng itama? Pagisipan mo kaibigan...

Ang lahat ay dapat pagdaanan. Hindi pwedeng puro saya at pasarap na lang. Ang nangyari sa’yo ay balanse ng buhay.. Naghihintay ang tamang panahon upang maayos ang lahat. Ikaw lang naman ang hinihintay kung kalian mo ito gagawin.. Susuko ka ba?

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...