Tuesday, March 30, 2010

It's all the same

You walked into my life unexpectedly…
You warmth my heart that has been frozen for a long time…
You melted my piercing sorrow, and gave me reasons to love again...
You’re the ocean in my river of tears, the tide that hugs the shore…
You’re the wind beneath my wings, the wind that helps me soar…
You’re the runway to my flight, the avenue towards my dreams…
You’re the songs my heart wants to sing, the lyrics my soul recites..
You’re everything I ever wanted, everything my hearts desired…

But just the same…


You broke my heart and tear it apart…
You cut the scars that you once healed…
You pushed me to the edged of nothing…
You make believe that you’ll forever stay…
You left me with no goodbyes, and leave me to the abyss of loneliness…
You’re near yet we’re so far apart…
You built the walls that separate us…
Your presence is a torture that slowly dragged to me death..

Why don’t you just leave and buried my heart..
So I won’t feel no pain.

I don’t want to love again, if loving will put me in vein…
I am sick and tired of playing the old game…

It’s all the same…

Sunday, March 28, 2010

To the Concert

“Sis, prepare na tayo.”

“kanina pa ako ready”

“Hehe.. wait lang”

“Sis, am ready let’s go.”

We’re already at the meeting place quarter before call time. We’re early not because of the excitement to see the concert but because we don’t want to be waited. Problem was we waited for our two buddies for more than an hour. How inconsiderate.. Palagi na lang ganon. Ano naman kaya ang idadahilan nila this time. Hndi pa naman ako kumain nang kahit ano since lunch, medyo nagrereklamo na rin ang sikmura ko.

While still waiting, I decided to order burger value meal 1. On my way to the next counter, I bumped into this cutie tattooed guy. Such a hunk, guess he’s my consolation for waiting too long. Hindi na nga sana ako oorder. Anyway he’s my reward dahil hindi lang panandaliang napawi ang gutom ko nabusog pa ang mga mata.

Bad trip lang.. Akala ko mag isa lang siya. Naghihintay din pala siya sa girlfriend niya na dumating bago pa man naubos ang inorder niyang burger… …NAMAN!!

Sa wakas dumating ding ang mga hinihintay namin…

******

It took us almost an hour going to the Mall of Asia. Kalokerz lang ang seats naming, sa pinakadulo ng bus which is sobrang nakakaliyo..

Before we proceed to the concert ground we had our dinner first at Sbarro. We ate two bake ziti (haft) in tomato and cheesy white sauce, a big slice of Chicago Deep Dish Pizza and a heavy stuffed Angus cheese Steak pizza and a super large drink… Whooohh.. This kinda heavy in the stomach.. Super Sarapsa Delicioso..

Burff… (excuse me po!)

******

We walked our way to the concert ground. The gates opened as early as 7pm and we are one of the few who comes early kaya naman nakakuha kami ng magandang puwesto, almost right in front of the big screen. A little bit later ay halos hindi na mahulugang karayom ang buong ground.

The concert was about to start…

Everyone chills and grooves with the music as Timbaland performs some cuts from his Shock Value II Album..

Another kalokerz moment happened when the projector technically turned off just before Jojo’s performance. Mabuti na lang at nagawan ng paraan. But Jojo’s performance was such a teaser, sobrang bitin.. Temperature rising when Justin Timberlake joined Timbaland on stage. He was definitely the icing on the cake..KILIG!

The concert signed off at exactly midnight…

We even crossed some of the celebrities along our way to the terminal..

*******

GOING HOME…

Ang hirap sumakay, dami ba naman mga pasaherong nag uunahan sa pagsakay.. Halos inabot din kami ng hagit isang oras bago nakasakay..
Pagdating sa buendia ay wala na kaming inabutang biyahe pabalik.. Pero sabi ng isang barker doon sa terminal ay may darating daw na FX..

“Magkano po ba ang pamasahe”

“Saan ba kayo”

“Carmona Exit lang po”

“P80”

“Sige po”

Ang tagal halos kinse minutos na kaming naghihintay ay wala pa ang sinasabing FX. Maya-maya pa ay eto na..

“Sakay na kayo”

“Bayad niyo, P100 bawat isa”

“Ano diba kanina P80 exit lang naman kami eh”

“P100 talaga”

“hindi na po kami sasakay”

Punyetang driver ‘yan mapagsamantala. Sadyang pinaghintay kami ng matagal dahil habang lumalalim ang gabi ay mahihirapan kaming sumakay, nang sa ganon ay mapilitan kaming tanggapin ang offer niya.. Gago talaga, Manigas sila sa katarantaduhan nila.. Karma na lang nila na sa halip may pasahero pa sila ay nagbabaan din ang lahat ng sakay niya.. Ganid kasi!!!

Umiba kami ng ruta and thank God naka uwi din kami ng maayos at ligtas..

Saturday, March 27, 2010

Toasted German Frank!!

Actor: Yaya and Lola; introducing Mr. German Frank

Setting: Boarding House

Genre: Sexy Comedy

Synopsis:

Yaya board in a 3-door boarding house for boyz and gurlz..

Naiihi na siya kaya't nagmamadali niyang tinungo ang bathroom. its a common bathroom. Binuksan niya ang pinto at laking gulat niya ng mabungaran niya ang isang boarder doing his deed in the wee hour of the night. to be specific he caught his co-tenant sitting in the bowl in all its nakedness, both legs stretched, silently moaning while massaging his toasted German Frank.

Sandali siyang natigilan at nang mahimasmasan ay kaagad siyang tumalikod at muling isinara ang pintuan at dali-daling bumalik sa kanyang silid, habang si Mr. German Frank ay patay malisyang ipinagpatuloy ang kanyang muntik nang naunsiyaming pagpaparaos.

-----

What a scene!!!...

Ilang minuto din niyang pinigilan ang kanyang pantog sa napipinto nitong pagsabog. Nilibang na lang niya panandali ang kanyang sarili sa pakikipag chat kay Lola.

Siyempre pa ang topic ng kanilang usapan ay.... Ano pa, eh di... un na nga...

-----
Only this afternoon ko lang nalaman ang bagay na ito, while we were having dinner at Cobei's nang mabanggit nila sa akin ang topic nila kagabi.

I was asking Yaya kung kilala niya yung boarder na nahuli niya sa bathroom. Ang sabi niya hindi daw. The only thing she clearly remember was ---

The Toasted German Frank!!!

Thursday, March 25, 2010

Tatsulok!!!

TATSULOK - ang hugis ng daigdig ko. Hindi tulad nang mundo mo na patuloy na umiinog, ang sa akin ay tila nakagapos sa tatlong sulok ng SAKIT, PAGIISA at KALUNGKUTAN… Bigkis ng tanikalang mahigpit na yumayapos sa sentro nang aking pagkatao.

Unti-unti akong nanghihina. Dahan-dahang nawawalan ng lakas at pag-asa. Ako’y mistulang isang kandilang unti-unting nauupos hanggang sa taglay kong liwanag ay tuluyang nang maglaho at hindi na mapansin.

----

Nasaan na ang mga pangako? Tinangay na rin ba ng hangin kasama ang sumpang hindi mo ako iiwan. Bakit sa kabila ng aking pagpaparaya ay ako parin ang lumalabas na masama? Pilit kitang inunawa dahil iyon ang alam kong tama - dahil mahal kita kahit na alam kong lubos akong masasaktan.

Hindi ako bumitaw sa iyong mga pangako.

-----

Minabuti mong lumayo kasama siya… Hindi kita pinigilan dahil alam kong babalik ka. Subalit tila yata nalimot mo na, iniwan mo akong nag-iisa sa gitna ng pangungulila at pagdurusa. Tuluyan nang nilamon ng kalungkutan ang aking sistema. Hanggang ngayo’y ikaw ang nais kong makasama.

Batid kong wala ka na, subalit binahiran mo ng mantsa ang aking puso at ang aking pagkatao. Mahirap mang burahin, mahirap mang iwaski kailangan ko itong kayanin..

----

Sino ang magpupuno sa aking kalungkutan? Upang ang sakit at pag-iisa ay tuluyan nang malimutan..

Wednesday, March 24, 2010

Matador

Ordinary day in the office, wala masyadong client kaya’t naisipan ko muna lumabas at maglakad-lakad nang hindi sa kalayuan ay nasumpungan ng aking tanaw ang isang nilalang na nakikipag-usap sa isa ring empleyado na naka-assigned sa ibang namang departamento. Nang magawi ang aking direksiyon sa kanilang kinatatayuan ay binati niya ako.

“Bjozh, musta?”

“Okay lang”
ang aking tugon kasabay ng isang simpleng ngiti habang hindi maiwasang mapatingin ako sa kanyang kausap.

“Si Christian nga pala tropa ko”

“Hi”
iyon lang ang nasabi ko. Iniabot niya ang kanyang kamay tanda ng kanyang pagtugon.

“Sige, nice meeting you, babalik na ako sa opisina baka may cliente nang naghihintay sa akin doon”

“Maya na, usap muna kayo, may kukunin lang ako saglit. Ikaw muna ang bahala sa kanya” “Pare iwan muna kita kay Bjozh”.

Huli na para tumanggi pa ako dahil pagkasabi niya ay agad na siyang tumalikod. Ano bang pag uusapan namin, nangangapa ako. He’s a complete stranger, don’t know where to start the conversation.

“Gusto mo doon na lang natin siya intayin sa opis?”

“Okay lang”


Pagbalik naming sa opisina siya namang labas ng kasama ko kaya’t naiwan kaming dalawa. Biglang binalot ng katahimikan ang apat na sulok ng aming tanggapan. After a few glances ay siya na ang bumasag aming katahimikan. Saka ko pa lang lubos na napagmasdan ang kanyang taglay na kaguwapuhan.

Bago pa man nakabalik ang kanyang kumpare ay nagkapalitan na kami ng aming mga cellphone number.

“Sige, salamat.” Ang kanyang pamamaalam.

---------

Kinabukasan...

“Musta?”

Sender: Xtian

Hindi ko inaasahan ang text niya. Ba naman para sa akin kuwentuhan lang lahat ang naganap.

“I’m good! Musta? Ang reply ko.

“okay lang. thanks nga pala kahapon.”

“Para saan?

“for your time, sarap mo kausap eh.”

“Me ganon”

“Umiinom ka ba?

“Pag may okasyon lang, why?”

“Tambay ka minsan sa bahay, kwentuhan tayo .“ “Umiinom ka ba nag matador?”

“Kahiya naman” “okay lang”

“Ok lang un, basta inform me kung kalian ka punta?”

“Sige next time!”

---------

Sabado. Lalabas sana kaming magkakapatid, balak ko sana silang itreat kumain sa labas malapit na kasi ang kaarawan ko pero hindi sila pwede dahil may kanya kanya na silang mga lakad. Anyway, next weekend pa naman talaga ang plano naming mag salo-salo.

I decided to go out alone. Pumunta ako sa Festival Mall, window shopping ang drama ng lola. I ate Mc Chicken Sandwich (Burger Meal) Double Go large.. Bought yellow shirt (Bench) and cologne at Mossimo.

Kakapagod. Maaga pa pero tinatamad pa ako umuwi kaya’t naisipan kong manood muna kaya ng movie, pero halos kanina pa nag simula ang screening gagabihin naman ako kung maghihintay ako nang susunod na schedule kaya’t naglakad-lakad na lang ako.
Naisip ko pag uwi ko ng bahay mag-isa lang ako naalala ko tuloy ang text sa akin ni Xtian. Agad kong kinuha ang cellphone phone at tinext siya –

“Gudpm! Musta? Pwede ba akong dumalaw sa inyo?”

“Cige ano oras ka pupunta? Wala pa kasi ako sa bahay eh”

“ganon ba.. Ano oras ba uwi mo?”

“Mga 7pm pa siguro”

“okay, wala pa rin naman ako sa bahay eh”

“Ano, okay lang ba?”

“Sige, txt mo ako pag punta ka na”

“K. txt you later.”

“Ingat”

--------

“Tao po” ang bungad ko sa harapan ng bahay nila. Lumabas ang isang hindi katandaang babae kasama ng isang tatlong taong gulang na batang lalake.

“Sino ang kailangan mo”

“Dito po ba nakatira si Xtian?”

“Dito nga. Sino ka?’


“Bjozh po” ang magalang kong sagot.

Agad naman akong pinapasok. “Tawagin mo papa mo, sabihin mo may naghahanap sa kanya.” Tama ba ang narining ko. Anak ba niya itong batang kanina ay nasa harapan ko. Nagkamali lang siguro ako ng pandinig. Maya-maya pa ay lumabas na siya kasama ang batang lalaki.

“Pasensiya ka na sa bahay naming, medjo magulo pa.”

“Mama ko nga pala”

“Magandang gabi po”

“Anak ko… Bless ka”


Tama nga ang narining ko kanina. Hindi sumagi sa hinagap ko na may anak na pala siya. Tinawag din niya ang kanyang asawa upang ipakilala sa akin.

“Misis ko si Gwen,.”

Maganda ang misis niya. Maputi, makinis. Kung hindi ako nagkakamali kahawig siya ni Jennnelyn Mercado. Kung sabagay artistahin din naman ang dating ni xtian..
Sa tingin ko ay halos limang buwan nang buntis ang misis niya. Muli siyang bumalik sa kwarto matapos maipakilala sa akin. Mahiyain daw ayon sa kanya.
Iniabot ko ang dala kong pagkain. Buffalo Wings at Carbonara na inorder ko sa Don Henricos. Kumain ka na ba ang tanong ng mama niya. Tamang-tama ngayon palang kami mag hahapunan. Sumabay ka na sa amin.

Hindi ko alam kung ano ang magiging pakiramdam ko. Kasalo ko sa kanilang hapag ang kanyang pamilya. Pinagsisilbihan. Nahiya naman akong bigla. Dumating din ang kaniyang kapatid na babae galing sa school.

Pagkatapos ng hapunan ay inalok ako ng kanyang ina at ama na mag inuman daw kami. Hindi na ako nakahindi sa kanila. Nakakahiya naman kung mag iinarte pa ako.
Matador ang malimit nilang iniinom. Matapos ang ilang shots ay iniwan na kami ng kanyang mga magulang, magpapahinga na daw sila kaya’t kaming dalawa nalang ang naiwan sa kusina habang ang kanyang kapatid ay nanonood sa sala samantalang ang kanyang dyowa ay pumasok na sa kanilang kwarto upang makapag pahinga na rin.
Sinilip muna niya ang kanyang mag-ina, pagbalik niya ay naka short na lang siya. Maganda ang hubog ng kanyang pangangatawan. Naiilang tuloy akong tumigin sa kanya. Napansin siguro niya ang manaka-naka kong pagsulyap sa kanyang katawan.

Hindi ko namalayan malalim na pala ang gabi.

“Dito ka na matulog, gusto mo tabi tayong tatlo ng misis ko”

“Gabi na, kailangan ko na siguro umuwi”

“Maya na dito ka na nga matulog, bakante naman yung isang kuwarto” “Samahan kita”.


Humaba pa nga ang aming kuwentuhan. Halos na ikuwento na niya lahat tungkol sa magulang niya, sa kapatid niya at ang tungkol sa maaga niyang pag-aasawa.
Nag paalam siya. Maliligo daw muna siya para presko pag tulog. Ibinilin muna niya ako sa kapatid niya na kasalukuyang nanonod.

Hindi ko na mapigilan ang aking antok, dala na rin siguro ng aking nainom.

------

Naalimpungatan ako, umaga na pala. Pagmulat ng mga mata ko ay wala ako sa aking sariling silid. Muli kong ipinikit ang aking mga mata at saka muling iminulat, nagulat ako na katabi ko pala siyang natulog. Wala siyang saplot bukod sa putting underwear na tumatakip sa kanyang kaselanan..

Wala akong maalala… napasobra siguro ang pag kainom ko kagabi…
Pinagmasdan ko siya, mahimbing parin ang kanyang pag kakaidlip. Hindi ko na siya ginising pa. Lumabas ako ng silid. Nag hahanda na ng almusal ang kaniyang ina. Ang kanyang asawa ay mahimbing parin sigurong natutulog sa kanilang silid kasama ang kanilang anak na lalake.

-------

Thursday, March 18, 2010

Is It Okay If I Call You Mine?

Is it oks it okay if I call you mine?
Just for a time
And I will be just fine
If I know that you know that I'm
Wanting, needing your love.. Oh

First verse from the song “Is it okay If I call You Mine? by Paul McCrane. Every time I here the song, it reminds me of someone that I used to love and the first guy who broke my heart.

Election period din noong panahong iyon na una ko siyang nasilayan. I was working as one of the staff of the running candidate for Mayor. Nautusan ako na magdala ng mga documents sa opisina ng COMELEC at doon ko siya nakita.

Attracted na agad ako sa kanya. Sabi ko sa sarili ko “Ano kaya ang pangalan ng Guwapong Bagets na ito” Kailangan kong malaman.

I asked one of the staff ng COMELEC. “Sino yung bagets kanina?”
Ahh si xxxxxxxx SK Chairman ng Barangay xxxxxxxxx.
Salamat ang masaya kong naisagot.

Pag balik ko sa opisina agad kong hinanap ang datos niya sa database na naka install sa computer ng opisina at doon ko na nalaman ang ilang personal na detalye ukol sa kanya.

Simula noon ay hindi na nawaglit sa isipan ko ang kanyang itsura. Kailan ko kaya siya muling makikita.

Natapos ang Election, nanalo si Sir sa kanyang tinatakbong katungkulan. Sa pag upo niya ay isinama niya ako at binigyan ng pwesto sa kanyang tanggapan.

Lunes ng umaga, maraming tao sa kanyang tanggapan. May isang pamilyar na mukha ang aking natanaw. Biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib, para akong nanglalambot na hindi ko mawari. Tama nga ang kutob ko siya nga, at muli kaming nagkita.

Protocol sa opisina na tanungin muna ang mga dumadating na bisita kung ano at sino ang kailangan nila. Tinanong ko kung ano ang sadya niya. Nag aaply pala siya pinapunta daw siya ni Mayor.

Ang saya na naman ang araw ko. After a couple of weeks muli siya bumalik sa opisina. This time may aayos na siya ng mga requirements at sa susunod na linggo ay pwede na siyang magsimula – isa na siyang kawani ng pamahalaang bayan.

Lalong umigting ang nararamdaman ko para sa kanya, dahil nga siguro palagi ko na siyang nakikita. Mabait naman siya, hindi mahirap pakisamahan. Sa maiksing panahon ay naging mabuti kaagad ang pakikitungo niya sa akin.
Eto na, paano ko ba sasabihin na gusto ko siya. Dapat ko bang sabihin? Paano kung mapahiya lang ako. Iyan ang mga tanong ko sa aking sarili…

Bilang payo ng isa sa mga kaibigan ko, “bakit hindi mo subukan, sabihin mo sa kanya ang iyong nararamdaman. Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan”. “Kung ma-turn off man siya sa gagawin mo at least you tried, wala kang magiging agam-agam.”

So this is it, this must be the perfect timing para ipaabot sa kanya ang nilalaman ng puso ko… Is it oks it okay if I call you mine? Just for a time”…Binigyan ko siya ng kopya ng awiting ito bilang pagpapahiwatig. Tinanggap naman, pero ito ang hindi ko nagustuhan nang sabihin niyan “Hindi pwede”, hindi ko ipagpapalit ang asawa ko at hindi rin ako pumapatol sa xxxxxx”. Ganon, leveling agad ang response niya..

Nagkamali ba ako ng move? From then on medyo iniwasan na niya ako.
Although, nararamdaman ko na hindi naman siya galit sa akin or sa ginawa ko per se. Parang nagkaroon ng wall between us. Kung minsan tuloy iniisip ko how to break that wall.

I was very disappointed with myself, first time ko pa naman gawin ‘yon., ang mag express ng feelings only to be rejected in the end.. Kung kalian nahuhumaling kana. Di sana ay inangkin ko na lang ang nilalaman ng puso ko.

Blessing in disguised na rin siguro ang nangyari, at least hindi na ako umasa pa. Kahit paano alam ko kung saan ako nakatayo, kung saan ako lulugar.

Dahil doon may nakilala akong iba…

---------

Makalipas ang ilang taon, nagbago na siya hindi na siya yung dating attractive guy next door. Sabagay, lumipas na rin naman ang atensyon ko sa kanya..

Nabalitaan ko na nakikipag flirt siya sa isang old gay. Nakakaloka kakainin din pala niya ang mga sinabi niya dati sa akin. Kung sa bagay nga naman nagbabago ang ihip ng hangin. According to my sources, ginagamit lang niya ang kawawang matandang bakla, pineperahan kapalit ng isang nakakasulasok na gabi sa bahay ng matronang bakla. Buhay nga naman.

Minsan din siyang lumapit sa akin pero hanggang ngiti na lang kaya kong ibalik sa kanya.

-------

Taon pa ang lumipas, wala na akong nabalitaan tungkol sa kanya. Matapos niyang mag resigned sa trabaho hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa kanya until now.

Paul McCrane - Is It Okay If I Call You Mine? lyrics

Wednesday, March 17, 2010

Sa Pagitan Nang -

Sadya yatang hindi maiiwasan kapag sinubok tayo ng pagkakataon. Maiipit ka sa pagitan ng iyong pamilya at mga kaibigan. Paano ka maninimbang? Kanino ka papanig? Ipagtatanggol mo ba ang iyong kadugo laban sa isang malapit na kaibigan? Paano naman ang inyong pinagsamahan mababalewala na lang ba? Nang dahil sa sinadyang pagkakataon…

Bastos ka si eh.. iyan ang sabi.. Wala ka ba talagang alam? Nasaan ka sa puntong ito? Sinubukan mo bang ayusin, dili kaya ay harapin ang dalawang panig. O baka naman tuluyan ka ng tatalikod at magwawalang bahala? Apektado ka din naman diba? Halos maluha ka pa nga habang ibinubulalas mo ang iyong saloobin sa harap ng isang matalik na kaibigan.

Oo nandoon na ako, mahalaga ang kapamilya higit sa lahat. Pero paano kung siya ang may pagkakasala? Hindi mo ba pwedeng itama? Pagisipan mo kaibigan...

Ang lahat ay dapat pagdaanan. Hindi pwedeng puro saya at pasarap na lang. Ang nangyari sa’yo ay balanse ng buhay.. Naghihintay ang tamang panahon upang maayos ang lahat. Ikaw lang naman ang hinihintay kung kalian mo ito gagawin.. Susuko ka ba?

Tuesday, March 9, 2010

Lakbay Dasal (Prayer Journey)












***************
THE VISITA IGLESIA is a traditional Filipino custom of visiting seven churches. Such custom is said to originate from the early Christian practice of visiting the seven great basilicas in Rome.

Here in the Parish of Saint Joseph in Carmona, Cavite we called it LAKBAY DASAL or Prayer Journey. This year is the 10th year of Saint Joseph Parish’s Prayer Journey, also commemorating the Year of the Priest and the Year of Two Hearts.

This year, we were able to visit eight (8) of Quezon Province’s Churches. It’s a long and winding road going to our first stop, the Parish of St. Isidore the Farmer in Agdangan, The Church was founded in 1970.

Then the Parish of St. Peter the Apostle in Unisan. The church was founded in 1884 and the Parish of Conversion of St. Paul in Pitogo (founded in 1850).
We have our snacks in between church visits, lunch in Macalelon where the fourth Church is situated, the Parish of Immaculate Concepcion (founded in 1875)

nd then we continue our journey to the Parish of San Diego de Alcala in Gumaca, it is known as the biggest and oldest Catholic Church in the province of Quezon. (founded 1620). And the Parish of Our Lady of the Angel in Atimonan and the Parish of St. Anne in Malicboy, Quezon.

And finally, the Parish of St. Catherine Alexandria in Pitogo, founded in 1850. The journey end with the celebration of the Holy Mass officiated by Rev. Fr. Andy Bagos.

Lovers of Philippine ecclesiastical architecture will truly have an inspiring spiritual experience in Quezon.

Start your journey early so you can complete your Prayer Journey and see the other attractions of the provice.




Monday, March 8, 2010

Maskara

Sa likod ng bawat ngiti, nagkukubli ang lungkot;
Sa bawat halakhak, katumbas ay pait;
Sa bawat galak ay puno ng pagpipighati.

Masayahin daw ako, masarap kasama
Napapawi kanilang lumbay kapag ako’y kausap na
Walang patay na sandali, lahat ay sumasaya
Mula sa umaga, sa hapon, sa gabi hanggang sa mag paalam na

At sa aking pag-iisa, napapawi ang saya
Tunay na damdamin ang siyang makakasama
Nagtatagong lungkot, iiral pagdaka
Itago mang pilit – siya paring aalma

Hanggang kalian ako magtatago sa likod ng mascara?
Hanggang kalian ko itatago ang lumbay sa aking puso?
Kailan ako ngingiti ng wagas at tunay?
Kailan ako magiging tunay na masaya?

Hangga’t may mga taong mapagkunwari;
Hangga’t may mga taong mapagbalatkayo;
Hangga’t may mga taong mapanghusga;
Hangga’t may mga taong mapanglibak...

Hangga”t….

Unti-unti kong huhubarin ang maskarang bumibihis sa akin
Unti-unti kong buburahin ang lungkot sa aking puso
At pag naghilom na, hindi ko na kailangang magtago pa.
Haharap akong sa inyong lahat na may buong galak, tuwa at saya.

Sunday, March 7, 2010

Wala Lang... (Sabi Ko)

Mahal mo siya, subalit hindi niya alam. Gusto mong sabihin sa kanya, Subalit pinangungunahan ka ng takot at hiya. Ipagkakait mo ba sa iyong sarili ang ito’y kanyang malaman o lihim mo na lamang siyang mamahalin

Ipahayag mo ang iyong tunay na nararamdaman … iyon ang dapat mong gawin… kalimutan ang hiya at huwag mong pagsisisihan pagkatapos… walang mali, pangit o mahalay sa iyong gagawin… Ang umibig siguro ang pinakamagandang Bagay na maaari mong ipagkaloob sa iyong sarili… Sabihin mo na ngayon, huwag mong palampasin ang iyong magandang pagkakataon kung ayaw mong ito ay lumayo at tuluyang maglaho na hindi mo man lamang nalaman… na maaaring mahal ka rin niya… Subalit paano kung pag-ibig mo’y tanggihan? Tatalikod ka na lamang ba at iiyak… Huwag kaibigan, sa halip batiin mo ang iyong sarili, dahil ginawa mo ang nararapat… Bukas maaring umibig kang muli…

Talikuran ang pagluha at humarap ng may ngiti sa iyong mga labi… Mas mabuti na ikaw ay nagmahal at nabigo kaysa hindi mo natutunang umibig ni minsan… Oo, malungkot at kung minsan sobrang sakit pero hindi mo ba naisip na higit na mas masakit Kung ikaw ay mumukmok na lamang at habang buhay na maghihintay sa pagsintang sa’yo ay lumapit at manatili ….. maaring hindi na ito dumating.

(posted from my old blog)

-excerpt-

Anyone can love someone who loves them and treats them right. But true love is demonstrated when one person can overlook another mistakes and love them anyway. This brings tremendous stability to a relationship because one person doesn’t have to worry that the other is going to leave when mistakes are made. A lot of people have trouble accepting this concept. They believe that one person will take advantage of the other person’s generosity. But consider this… Security and stability in a relationship will usually result in a couple trying that much harder to treat each other with love and respect. When you make a decision to love someone there are certain things you should do to demonstrate that love. And anyone who loves you should do them as well. LOVE IS PATIENT, LOVE IS KIND, LOVE ALWAYS PROTECS, LOVE ALWAYS TRUST, LOVE ALWAYS HOPES, LOVE ALWAYS PERSEVERES. Once again, a word of caution, both you and your partner will make mistakes, so don’t expect perfection. Just do your best to treat one another with LOVE and RESPECT.

Thursday, March 4, 2010

Lovebirds


They fell in love…
They spend time together...
Shared intimate moments..
Both passionate and aggressive

Like lovebirds…
With their inclination to bond,
Aggression is easily aroused,
Established with gentle caresses

She thought they’ll last forever.
He knows it’ll end next to no time..
She never know.. He never tell.
She’s holding.. He’s pretending..

Tonight is goodbye.
He left her, just like that
Without a single word, he’s gone.
She was left behind…

He’s with another species,
Enjoying each others company
She’s with no one,
All alone in her nest

After all the lovin’
After all the cares..
After all the time they spent
It all turns to nothing..

She’s all by herself.
Still hoping.. still waiting
Still wanting..

He’s far away..
Away from home
He’s not coming back
He found new love.

Spread your wings and fly
Go on.... Move on….

Problema?!?

Ang daming problema, pati problema ng iba ibabato sa’yo. Handa ka naman tumulong kahit isa-isang tabi muna ang pansariling pangangailangan matugunan lamang ang pangangailangan ng iba. Pero pagkatapos mo silang tulungan, naglalaho na lang na parang bula at ikaw, ang problema mo hindi pa nassosolusyunan. Ikaw naman ang nangangailangan ng kanilang tulong, subalit nasaan sila – wala ka nang malapitan..

Usaping pinansiyal – hindi na natapos. Halos sunod-sunod silang lalapit, hindi ka naman makaurong, hindi makahindi, kahit sapat lang para tustusan ang mga pangaraw-araw na pangangailangan, ang mga gastusin sa bahay, bayarin sa kuryente at tubig.. Kahit sabihin mong wala, hindi naman maniniwala. Kahit sinasabi mo ang totoo, ikaw pa ang pagdududahan – iisiping sila’y pinagdadamutan.. Saan ka pa lulugar.

Kung minsan gusto ko nang lumayo, gusto ko silang takasan, hindi ko naman magawa.. Kahit ako pinanghihinaan ng loob. May kasama ka nga, inaasahang makakadamay, inaasahang makakatulong pero kung minsan siya pa ang nagiging pasanin. Gagawan ka pa ng hindi maganda at kikilos na parang wala lang sa kanya – kapal naman ng mukha, hindi ko naman masabi dahil ayoko namang makasit ng damdamin kahit iyon ang totoo. Pag nagsalita kasi ako tuloy-tuloy, matatalim na salita ang ipupukol ko na hindi ko na mababawi pagkatapos.

Ngyon, hindi ko alam ang gagawin.. hindi ko alam ang iisipin.. kanino ako lalapit.. Sa bawat problema nila mukha ko ang nakaharap.. Paano pa ako haharap sa sarili kong problema?.. Paano?.. Kulang nalang magkubli ako sa aking anino upang takasan ito.

Bakit nangyayari sa aking ngayon ito? Dapat ko bang sisihin ang sarili ko?? Sino sisisihin ko??....

Monday, March 1, 2010

Jose

Nais kong ibahagi ang kuwentong buhay ng isa kong kakilala...

Siya si Jose, pangalawa sa limang magkakapatid na nagmula sa isang mahirap na pamilya. Tanging pagsasaka ang ikinabubuhay ng kaniyang pamilya. Ang kanyang butihing ina ay tumatanggap ng labada mula sa kapatid nito, nagpapakaalila para may maipakain sa kanilang limang magkakapatid.. Walang natapos na pag-aaral ang kaniyang mga magulang kung kaya’t ganon na lamang ang pagsusumikap ng mga ito upang sila ay mapag-aral..

Nakatapos si Jose ng High School. Subalit hindi muna siya nakapagpatuloy sa kolehiyo. Kinailangan niyang tumigil upang bigyan ng pagkakataon ang panganay nilang kapatid na magkolehiyo. Dalawang taon din ang itinigil niya sa pag-aaral. Sa loob ng mga panahong iyon, siya ay tumutulong sa mga gawaing bukid, nag-aalaga ng bata, nag lilinis ng bahay at kung ano pang mga gawaing maaring iutos sa kanya.

Hindi rin nakatapos ang panganay nilang kapatid bunga ng personal na kadahilanan.. Ito na ang pagkakataon upang siya naman ang makapag-aral kasabay ang isa pa niyang kapatid.. Sa tulong ng isa niyang kamag-anak, napasama sa isang scholarship program ang kanyang kapatid. Malaking tulong ang naibigay nito upang mapagsabay silang makapagkolehiyo. Two-year course lang ang pinasok niya, samantalang 4-year course ang sa kanyang kapatid.

Lumipas ang dalawang taon, Sumakabilang buhay ang kanyang ina. Hindi na nito nasaksihan ang pagtatapos ni Jose. Naiwan ang kanyang kapatid na nasa ikatlong taon na. Hindi naging madali sa kanya ang humanap ng mapapasukang trabo. Marami-rami na rin siyang inaplayan. Hanggang sa matanggap siya sa isang kompanya. Pinagbutihan niya ang kanyang trabaho. Sa simula ay maliit lang ang kanyang kinikita, sapat lamang upang suportahan ang kaniyang pamilya..

Nakakalungkot isipin na hindi rin nakatapos ang kanyang kapatid, nakakapanghinayang ang scholarship na ipinagkaloob sa kanya. Isang taon na lamang at matatapos na siya. Kung sana ay si Jose na lamang ang napagkalooban ng ganoong pagkakataon..

Magkaganon pa man. Mas lalong pinagbuti ni Jose ang kanyang pagtatrabaho. Halos lahat ng kinikita niya ay sa pagpapaaral na dalawa pa niyang kapatid napupunta.

Sa awa at tulong ng Dakilang Lumikha ay napagtapos niya ang dalawa niyang kapatid sa mga kilalang unibersidad sa tulong pa rin ng kanyang ama na halos magkasakit sa pagsasaka sa bukid..

Ang laki ng kanyang pasasalamat, dahil iniisip niya na kahit papaano ay makakatulong na ang kanyang mga kapatid sa mga gastusin sa bahay. May pagkakataon na rin siyang mapag-aral ang sarili at magkaroon ng mas mataas na degree sa kolehiyo.

Subalit, hindi pa rin naging madali para sa kanya ang mga pagkakataon.. Halos siya pa rin ang gumagastos sa lahat ng gastusin sa bahay. Naturingang nakatapos sa pag-aaral ang dalawa niyang kapatid, subalit wala naman itong naitutulong. Mabuti pa ang sumunod sa kanya kahit paano ay nakaktulong sa mga gawaing bahay at kung minsan ay nakakapag-abot ng pang-grocery..

Masmasakit pa sabay nag asawa ang dalawa niyang kapatid.. Wala rin pala siyang aasahan... Pati ang pag-aalaga sa may sakit na ama ay sa kanya parin. Ulitmo pang hospital at gamot na pang-mentena nito ay siya lahat ang gumagastos. Kung minsan naitatanong niya sa sarili, nasaan ang malasakit ng kanyang mga kapatid, matapos na sila ay maigapang ng kanilang mga magulang ay ganon nalang..

Lumipas pa ang mga araw, hindi na rin nagtagal ang buhay ng kaniyang ama. Medyo lumuwag ng kahit konti ang kanyang binabalikat..

Subalit hindi parin pala doon nagtatapos ang kanyang mga obligasyon. Oo nga at may sarili ng pamilya ang kanyang mga kapatid ay sa kanya parin lumalapit ang mga ito. Hanggang sa mag pasahanggang ngayon.

Dahil sa angking kababaang loob, hindi niya magawang talikuran ang mga pangangailangan ng kanyang mga kapatid, kahit na kung minsan ay gusto na niyang sumuko at pagtuunan na lang ng pansin ang kanyang sarili. Tumatanda na rin naman siya, paano kung dumating ang panahon na siya naman ang mag kasakit at mangailangan ng tulong, sino ang tutulong sa kanya. Sana pag dumating ang pagkakataong mangyari nga ito, nandiyan ang kanyang mga kapatid upang siya ay damayan, hindi man sa paraang pinansiyal kung hindi dahil sila ay kapamilya.

Mabuhay…
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...