Thursday, April 22, 2010

Si Adan sa Yungib ng Halimaw

Bakit nga ba iniiwasan ni Adan ang Halimaw sa Banga? Ano nga ba ang tunay na dahilan sa likod ng mga haka-haka at kasinungalingan namumutawi sa pagitan nilang dalawa.


Hindi maipagkakaila na nagkaroon sila ng special na relasyon. Mahirap man aminin at tanggapin. Hindi pa rin maitatago ang katotohanan.


Isang araw habang nagkakatuwaan, habang masayang nakikipag-digma sa isang palakasan nabuo ang mga plano ng Halimaw. Inakala niyang isang pagsang-ayon ang mga ngiti ni Adan.


Sa loob ng isang Yungib habang nagpapalit ng kanyang pawisang damit si Adan ay sinundan siya ni Halimaw upang maisakatuparan ang ninanais nito. Hindi naman binigyan ng malisya ni Adan ang pagsunod ni Halimaw.


Napansin niya na tulala at titig na titig si Halimaw sa kanyang hubad na katawan. Nanglalagkit ang mga tingin na para bang hayok sa isang piraso ng laman.


“Hoy Okay ka lang ba?”


“Ha, ah eh.. oo naman.”


“Eh bakit parang namatanda ka sa pagkakatitig mo sa akin. Ngayon ka lang ba nakakita ng hubad na katawan”


“Hindi naman. Ah, sarap mong tikman” ang hindi napigilang na iwika ng Halimaw.


“Ano ang sinabi mo”


Hindi pa man nakakaapuhap sa kanyang pagtataka ay agad siyang dinakma nito. Mabilis ang kamay ng halimaw at nasapo nito ng buong-buo ang pagkalalaki ni Adan.


Sa labis na pagkagulat ay malakas niyang naitulak ang halimaw. Nagmamadali siyang nagpalit ng damit at sa pagtatangka niyang pag-alis ay muli siyang kinabig ng halimaw na nagsusumamo, nagmamakaawa na sana’y mapahintulutan ang kanyang pananabik.


Nagmistulang bingi si Adan at sa pangalawang pagkakataon ay muli niyang naitulak ang Halimaw.


“akala ko ba gusto mo.?” “Bakit ka pa nagpakita ng motibo?”


“Huwag mo sanang haluan ng ibang kahulugan ang pakikipagkaibigan ko sa’yo”


At tuluyan na siya umalis. Hndi na nagawa pang pigilan ng Halimaw si Adan. Nangingilid ang mga luhang nagbabadya ng panibagong taktika. Wala sa dugo ng Halimaw ang pagsuko. Magbabalik siya at kukunin ang matagal na niyang pinagnanasahan… “Humanda ka Adan sa muli nating paghaharap”, ang banta ng Halimaw.


---------


Sa ginawang pag-iwas ni Adan ay napalapit naman siya sa isa pang nilalang – ang Maligno. Lingid sa kanyang kabatiran ang unit-unti niyang pagkagat sa bitag ng maligno.


(abangan)

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...