Saturday, April 10, 2010

Bakit?

Bakit?... ang palagi na'y tanong nitong aking isip
sa mabilis na kabog nitong yaring dibdib.

Ewan ko nga ba kung anong sanhi nito
ito kaya'y dulot ng paghanga sa iyo.

Rumehistro na sa isip ang wangis mo
tumatatak na sa dibdib ko ang pangalan mo.

Ngayo'y naghahanap ng kasagutan mandin
kung ang nadarama kaya'y tutugunin din.

At kung mangyari man ito'y iyong mapansin
huwag sanang balewalain pagkat ang puso'y maninimdim.

Ramdam at batid ko na ako'y kaibigan lang
pagkat puso mong taglay ay may iba nang laman.

Dadapwat ako'y patuloy na aasa
dahil ang makapiling ka'y ligaya ko sinta
kahit hiram na sandali'y ipagkaloob mo na
hindi maghahangad ng higit pa.

Ang tanging nais ko lang ay maipakita
at lalong higit maipadama
itong damdamin ngayo'y batid ko na.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...