Wednesday, April 14, 2010

Ang Sa Akin Lang...

Ang sa akin lang…

Oo minahal ka niya at hindi niya itinatanggi na kahit sa magpahanggang ngayon ay may puwang ka pa rin sa puso niya, pero hindi naman ito dahilan upang paluhain mo siya at paglaruan ang kanyang damdaming nanahimik na sana – lalong higit hindi ito dahilan para pagkatuwaan ninyo at pagtawanan.

Ang sa akin lang…


Babae lang siya na nagmahal sa’yo at alam kong kahit sa maikling panahon ay naging kayo, itanggi mo man ito.. ngayon kung hindi mo kayang pahalagahan man lang ang naibahagi niyang pagmamahal sa’yo, sana man lang igalang mo ang kanyang pagkatao – bilang tao, bilang isang babae..

Ang sa akin lang…

Kung talagang hindi siya importante sa’yo, sana tantanan mo nalang... may balik ang lahat ng ginagawa mo kung hindi man ngayon, maaring bukas o sa ibang panahon.. kung hindi man sa’yo maaring sa kapatid mo o sa ibang malapit sa’yo..

Ang sa akin lang…

Sana alam mo ang salitang KARMA…

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...