Saturday, April 3, 2010

Pintig

Here's another one from my old folder...

*****

Puso ko'y umibig, 'di miminsan lang
Ang bawat tibok nito'y
pagsintang walang hanggan...

Buong buhay man'y handang ilaan
Iaalay ang kahit ano pa man
sa isang nililigay na handang paglingkuran...

Pintig ng puso'y tulad ng isang awit
Himig nito'y tanikalang kakapit
upang dalawang puso'y di mawaglit...

At gaya nga ng isang awit
Tono nito'y minsa'y nalilihis
gayundin sa pag-ibig may nagkakagalit...

Subalit ano pa man maging kahulugan
saan man makarating
ang pag ligay ko'y sa iyo parin...

Dumating man panahong puso'y manimdim
asahan mong ikaw lang
ang sa puso ko'y pintig...

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...