Sunday, April 11, 2010

Hot Summer Weekend

It was definitely the hottest summer weekend I experienced. Sobrang banas nang pakiramdam ko, konting galaw ko lang pinagpapawisan na ako, kahit nga yata nakaupo lang ako siguradong tatagaktak ang pawis ko.

Hay, Sarap magbabad sa tubig ang kaso kakatapos ko pa lang maligo mabanas na ulit ang pakiramdam ko. Ano bayan, Tatlong beses siguro akong nagkulong sa banyo para lang mag shower.

Ang sarap lumaklak ng malamig na tubig, halos maubos ko na yata ang lahat ng tubig sa loob ng ref namin dahil nga sa sobrang init. Hindi nga lang siguro tubig ang inubos ko pati yata dalawang litro ng softdrinks kulang sa uhaw na naramdam ko.

Katamad namang lumabas ng bahay, masarap sana tumambay sa Mall para hindi ko na alintana ang sobrang init ng panahon pero mas minabuti ko na lang na mamalagi sa bahay para makaiwas na rin sa gastos at pagod.

Gusto ko sanang mag halo-halo, ung may labing isang sangkap tapos super dami ng yelo with ice cream pa on top, sigurong sulit na ang araw ko non kahit pa parang iniihaw ang pakiramdam ko sa init ng panahon.

Bukas mag hahalo-halo talaga ako kung hindi man kahit ice cream man lang para masatisfied kahit konti ang cravings ko.

Shower nga muna ulit ako..

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...