Saturday, February 19, 2011

Monay


Nakakaramdam na ako ng hilo.
Ikaw ba naman ang hindi kumain ng almusal
Magtatanghalian na ay wala paring laman ang tiyan
Mabuti nalang may mabuting puso
Inalok ako ng dala niyang monay

Hindi naman ako maselan gaya ng iba
na hindi kumakain ng monay ng walang palaman
basta ba may lasa at hindi parang papel na hindi mangata
at kinakailangan mo pang uminom ng tubig malunok lang.

Sabi niya matamis daw
Kaya go, kumuha ako ng isa
Kaagad kong kinagat at nginuya

Sabi ko nga hindi ako maselan
Pero hindi ko napigilan, agad kong iniluwa
Ewan ko ba, iba siguro ang hinahanap ng panlasa ko




Mag kaganon man
Salamat sa MONAY.





....

1 comment:

LON said...

MONAY YOUR FACE ;)

SELAN DION?

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...