Friday, February 18, 2011

MAHRLA


Hindi madaling sabihin paalam
Lalo pa at gusto mong manatili mag pakailanman
Kaya kung kailangan mong lumisan,
Mahal, ikaw’y hindi pipigilan
Dahil batid ng puso kong ikaw’y muling magbabalik
At muli kang yayakapin ng mahigpit sa aking mga bisig..

Gaya ng mga bituin ay nagniningning
Isang araw ay makikita mo ako muli
Isa sa mga gabing ito,
Muli kong marinig ang malamyos mong tinig
At sasabing kung gaano mo ako naulila…

-mahrla-

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...