Saturday, September 25, 2010

Hiram 6

Days rolled by…. (matapos ang mahigit tatlong buwan).

“Dumating ka na pala?” Ang pairap na bati ni Vince ng magkita kami sa hallway.

“Alam ko nagtatampo kayo sa akin. Hindi ko sinasadyang hindi ipaalam sa inyo ang pag-alis ko.

Mabilis ang naging takbo ng mga pangyayari. Sinubukan kong tawagan si Lee habang papunta ako sa airport pero wala, hindi ko siya ma-contact. Tapos eto pa ang nakakainis, tatawagan sana kita to let you know kung nasaan na ako pero may humablot sa cellphone ko.” “Natimang na ako, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko hanggang sa tuluyan na akong nakaalis.” “Siguro hindi ka naniniwala sa sinasabi ko?”

“Naniniwala naman ako sa’yo eh, pero hindi mo maaalis sa amin ang magtampo.”

“Sorry na nga eh. Promise babawi ako sa inyong dalawa ni Alexc.”

“Dapat lang noh kung ayaw mong panindigan namin ang tampo naming dalawa sa’yo.”

“O sige, tomorrow night (it’s a date), hindi kasi ako puwede ngayon eh… hindi ko pa kasi tapos ayusin ang mga gamit ko”

“By the way, may balita ka ba kay Lee and Dennis?”

“Honestly wala, hindi naman kami close diba..” “Pero alam mo ilang araw din nag pabalik-balik dito si Lee, nagbabakasakali na makita ka niya dito. Kinausap pa nga niya kaming dalawa ni Alexc eh, tinatanong ka niya sa amin. Wala naman kaming maisagot.”

“Wait eto pa, just in case you want to know, last week nga pala nakita namin silang dalawa ni Dennis na mag kasama sa isang restaurant sa Makati.” “Hindi ba kayo pa ni Lee nang umalis ka. Ibig kayang sabihin ng nakita namin ni Alexc na silang dalawa na ulit ni Dennis.”

“Kahit kalian intrigera ka talaga..” ang pabiro kong sagot kahit na may konting kirot akong naramdaman. Hindi naman imposible ang ganoong posibilidad na magkabalikan ulit sila.

“O siya sige, kita-kita na lang tayo bukas.”

---------

Maaga akong dumating sa tagpuan naming tatlo sa Harry’s Bar and Restaurant sa Mckinley. Nagpa-reserved na agad ako ng table for three.

Fifteen minutes na ang nakalipas. “Hello, saan na kayo? Andito na ako, nagpa-reserved na rin ako ng table”

“Pasensiya na sister, naipit kasi kami sa traffic eh, tapos eto nasiraan naman kami ngayon. Bad trip talaga.”

“Ganoon ba. Saan lugar kayo nasiraan?”

“Magallanes… Sorry talaga, subukan naming makarating diyan, pero kung after 30 minutes at wala pa kami, okay lang kung iwan mo na kami. Maiintindihan naman namin eh.”

“Sige ingat na lang kayo, maghihintay ako dito”

------

Lumipas ang halos tatlumpung minuto ay wala pa ang dalawa. Medyo naiinip na din ako kaya tumayo muna ako upang mag-retouch sa restroom.

Muli akong bumalik sa table na pina-reserved ko. I decided to wait for a few more minutes. Umorder na lang muna ako ng something to drink (nakakahiya na kasi dahil ang tagal ko nang naghihintay, hindi man lang ako umoorder).

“Sir Excuse po, kung pwede daw po ba kayong mainbitahan sa kabilang mesa” ang tanong ng isang crew sa restaurant.

“Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Si Lee at si Dennis ang nasa kabilang lamesa.” Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako makakilos, parang biglang namanhid ang aking mga kalamnan. Hindi ko inaasahan ang pagkakataong ito.

Bago pa man ako nakakilos ay nakalapit na sa akin si Dennis. Magiliw ang ginawa niyang pagbati. Walang bakas ng galit o poot.

“Kamusta ka na? Parang nakakita ka ng multo ah?”

“No, Hindi ko kasi inaasahan na nandito rin pala kayo ni Lee.” “So kamusta na kayong dalawa?”

“We’re good. Kung ano man ang nangyari sa amin dati ay tapos na iyon. Wala naman hindi nadadaan sa mabuting pag-uusap eh.”

“Honestly I’m happy for both of you.”

“May hinihintay ka ba? Can you join us for awhile, ang tagal din natin hindi nakapag-usap eh.”

“How I wish I could stay for a while or maybe longer, but I’m sorry, really I have to go.”

Pagkasabi ko ay binalikan na ni Dennis ang kasaman niyang si Lee. Ako naman ay walang lingon na lumabas ng restaurant.

“Bakit hindi mo siya nilapitan?” ang tanong ni Dennis kay Lee.

“Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksiyon ko kanina nang makita ko siya eh.”

“Pareho kayo nang naramdam ng makita ninyo ang isa’t isa. Nakita ko sa mga mata niya pagkabigla. Pero nararamdaman ko rin ang tuwa sa kanyang puso, ang pananabik na muli ka niyang makita. Sasayangin mo pa ba ang pagkakataong ito. Alam ko na mahal mo siya, na pinananabikan mo ang muli siyang makasama. Huwag mo akong alalahanin dahil matagal ko nang tanggap na isa na lang akong kaibigan diyan sa puso mo.. Sige na sundan mo na siya bago pa mahuli ang lahat.”

“Salamat sa pag-unawa mo.”

Hindi na nga siya nag-aksaya pa ng panahon mabilis niyang sinundan Bjozh.

Pasakay na sana ako ng Taxi ng marining ko ang tawag ni Lee. Mabilis siyang lumapit at sa sobrang saya ay hindi na niya napigilan na yakapin ako ng mahigpit. Kasabay ang biglang pagbuhos ng ulan.

“Kay tagal kitang hinintay.”

“Paano si Dennis, bakit mo siya iniwan sa loob?”

“Gaya ng sabi mo sa akin dati kailangan kong maging tapat sa nararamdaman ko. Matagal na kaming wala ni Dennis. At matagal rin bago kami muling nagka-ayos bilang isang magkaibigan. Kaya hindi ko na palalampasin ang pagkakataong ito na mawalay ka muli sa akin.”

Muli silang nagyakap. Naglapat ang kanilang mga labi na kahit ang pag-ulan ay hindi makapipigil sa kanilang pananabik .....

(wakas)

Wednesday, September 22, 2010

Hiram 5

Tanghali na ng magising si Dennis. Hindi na niya nagisnan ang lalaking masaya niyang nakaulayaw kagabi. Napansin niya ang isang sulat na iniwan ni Lee.  Pinangunahan siya ng kaba, hindi niya alam kung babasahin ba niya ang nilalaman ng sulat.

Dahan-dahan niya itong binuklat at binasa –

Dennis,
I would always remember your goodness, consideration, thoughtfulness and the respect you have shown me throughout our time together. I think it is quite unfortunate that my feelings towards you have changed and the spark isn’t just there any more for continuing our relationship. My respect for you has not died and I would always be your well-wisher and a good friend. I do not think we are made to spend our life together.
Hindi ko pala kayang dayain pa ang aking nararamdaman.  Sinubukan kong labanan ang tawag ng aking damdamin , pero hindi ko kaya. Mahirap kalabanin ang puso. Batid kong alam mo na tunay ang pagmamahal na ibinahagi ko sa’yo at batid ko rin kung gaano mo ito tinumbasan ng higit na pagmamahal. Subalit, dumating ang pagkakataong kailangan ko nang isuko ang pagmamahal ko sa’yo. Kagabi, akala ko pwede pa, pero wala na ang init na dati ay naglalagablab. Wala na ang kiliti na dati ay anong tamis.. Wala na ang dating kilig.. 
I hope you would find a better person who could really match what you are looking for. It is tough for me to tell you this in person and hence, I thought I would express my sincere intentions in words.
Lee

Gumuhit ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya matanggap na wala na sila, na tuluyan na siyang iiwan ni Lee.

Hindi niya napigilan ang paghagulgol dahil sa kirot na kanyang nararamdaman.

---------

Maagang nagising si Lee. Kahit na medyo masakit pa ang kanyang ulo dahil sa hangover ay minabuti na niyang umalis. Hindi na niya nagawang gisingin pa si Dennis sa pagkakahimbing nito.  Mas minabuti  niyang mag-iwan na lang ng isang sulat sa tabi nito.

Sa halip na umuwi sa kanila ay sa tinutuluyan ni  Bjozh siya dumiretso. 

(Toktok---tok…)

“Sir, si Sir Bjozh po ba ang kailangan ninyo?” ang tanong ng isang babae mula sa katapat na unit.

“Oo”

“Eh sir wala na pong tao diyan, kagabi pa po umalis. Baka nga po matagalan bago ulit bumalik si Sir Bjozh. Pinagbilin nga po niya sa akin ang unit niya na tignan-tignan ko raw.”

“Bakit? saan daw siya pupunta?”

“Sir pasensiya na po, pero hindi ko po alam eh.”

“Sige, salamat.”

_____

Sa kabilang dako…

Nakapasa ako sa isang Scholarship training program for a 3-month Master of Italian Cuisine, Italian Institute for Advanced Culinary and Pastry Arts in Italy.

Nawala na sa isip ko ang tungkol dito. Hindi ko na kasi inaasahan na makakapasa ako dito. Kasama sa information letter na na-received ko ay ang ticket patungo sa italy.  Ang bilis ng mga pangyayari, in three-day time ay kailangan ko nang umalis.

Walang ibang nakakaalam ng tungkol dito. Kahit sila Vince and Alexc ay walang idea sa biglaan kong pag-alis.

Kinabukasan ay agad akong nag-file ng 3-month indefinite leave.

I left the night before magpunta si Lee sa unit ni Dennis upang kausapin ito.  Hindi ko na nagawang makapag-paalam pa ng personal kina Vince and Alexc lalong-lalo na kay Lee. Alam kong hindi niya magugustuhan ang ginawa ko. Kaya sinubukan kong tawagan siya habang bumibiyahe patungo sa airport.

(the number you have dialed is either unattended or outside the coverage area) Hindi ko ma-contact si Lee. Tatawagan ko sana si Vince nang biglang may humablot sa cellphone ko.

“Shit!!!”

Nakarating ako sa italy na hindi ko man lang nakausap si Lee.

--------

Dinamdam ni Dennis ang pag-iwan sa kanya ni Lee. Isang linggo siyang nagkulong sa kaniyang unit at nilunod ang sarili sa presensiya ng alak.

Samantalang si Lee ay halos hindi rin mapakali sa kakaisip kung bakit biglaan kong pag-alis. Karma ba ito? ang naitanong niya sa kanyang sarili.

Kinausap niya sina Vince ang Alexc upang alamin ang katotohanan.

“Alam ninyo ba kung saan siya pumunta?”

“Pasensiya ka na, kahit kami ay nagtatampo sa kanya dahil hindi man lang niya nagawang magsabi sa amin.”

“Pero may idea ba kayo kung nasaan siya?”

“Ang alam ko lang nag file siya ng 3-month indefinite leave sa office.”  Ang sabi ni Vince.

“Bakit naman?”

“Ang sabi sa office na approved daw ‘ung application niya for culinary scholarship sa Italy. Actually hindi na niya inaasahan yon eh, I think six months ago pa siya nag-apply doon.”

“Eh bakit hindi man lang niya sinabi sa akin or sa inyo? Bakit hindi man lang niya nagawang mag paalam?”

“Hindi rin namin alam. Kung ano man ang dahilan niya, alam naming sa ikakabuti iyong ng lahat.”

--------

Napansin ni Lee ang hindi pagpasok ni Dennis sa trabaho. Nabahala siya na baka kung ano na ang ginawa nito sa kanyang sarili matapos ang kanilang paghihiwalay.

Minabuti niyang bisitahin ito sa kanyang unit, hindi upang makipag-balikan. Buo ang kanyang pasya ng iwan ito. Ang tanging intensiyon niya ngayon ay kausapin at damayan ito bilang isang kaibigan.

Sa pagkakataon ito ay handa na si Dennis na tanggapin ang katayuan nila ni Lee. May bahid man ng sakit sa kanyang puso ay unti-unti niyang pinaghihilom ito.


Mahal pa rin niya si Lee. Mas masasaktan lang ang puso niya kung aasa pa siyang mamahalin ulit siya ni Lee kagaya ng dati.

Na-appreciate naman niya ang concern ni Lee ng bisitahin siya nito sa kanyang unit. But what he really needs right now is SPACE.


(tatapusin)
 

Thursday, September 16, 2010

Hiram 4

I didn't plan on falling in love with Lee, and I doubt that he planned on falling in love with me too. Nagkataong nagkatagpo ang aming mga puso. Pinaglapit kami kapwa ng tadhana sa maling panahon at pagkakataon. Hindi pa huli ang lahat upang itama ang sitwasyon. Isa sa amin ang dapat magparaya. Isa ang dapat na mag paubaya.

Dapat ko na nga ba siyang kalimutan? Gusto kong ipaglaban ang akikng pagmamahal, pero kung minsan kailangan natin gumawa ng isang desisyon kahit pa ito ay masakit sa ating kalooban. Ito ang alam kong makabubuti – ang mag paraya.

Nauunawaan ko ang sitwasyon ni Dennis. Alam kong mas higit siyang masasaktan sakaling iwan siya ni Lee. Malalim na ang pundasyon ng kanyang pagmamahal Subalit wala sa aming dalawa ni Dennis ang pagpapasya kung sino ang pipiliin ni Lee. Siya ba o Ako?

Kung siya ang pipiliin ni Lee, hindi ako maghahabol. Mauunawaan ko kung ano man ang kanyang magiging pasya.. Masakit man sa damdamin, tatanggapin ko. Sabi ko nga, kaya kong magparaya..

--------

I was surprised pagdating ko sa bahay. Naabutan ko si Lee, naghihintay.

“Ano ang ginagawa mo dito? Hindi ba sabi ko sa’yo kalimutan mo na ako.” “ Hindi ko kayang maging masaya lalo na kung may nasasaktang iba.” Huwag na nating dagdagan pa ang kasalanan natin kay Dennis.”

“I tried pero hindi ko talaga kaya. Sinubukan kong i-save ang relationship namin ni pero  sa tuwing kasama ko siya, ikaw ang nasa isip ko, ikaw ang laman ng  puso ko.”

“I think you should do this right” “Hindi maaaring basta mo na lang talikuran si Dennis. Hindi madali pero kailangan mong makipaghiwalay sa kanya nang maayos.kung iyon talaga ang nais mong mangyari”  “You owe it to him, ang ipaintindi sa kanya ang sitwasyon,” “Kailangan muna ninyong mag-usap.”

-------

Pinuntahan ni Lee ang condo unit ni Dennis dahil iyon ang gusto kong gawin niya. Mas makabubuti na kausapin niya si Dennis at ipagtapat dito ang tunay niyang nararamdam.

Hindi inaasahan na sa mismong espesyal na araw na pinakahihintay ni Dennis siya pupunta. Walang kaalam-alam si Lee sa sopresang sa kanya’y naghihintay.

(Ding..Dong… Ding..Dong)

Nakatatlong ulit na siyang kumakatok pero wala paring nagbubukas sa kanya. Paalis na sana siya nang subukan niyang pihitin ang knob ng pintuan. Nagtataka siya dahil hindi ito naka-lock. Binuksan niya ang pintuan at bahagyang pumasok. Bumungad sa kanya ang bahagyang liwanag na nagmumula sa mga nakasinding kandila sa loob ng silid.

Isang tinig ang bumasag sa kanyang katahimikan.

Gusto na sana niyang sabihin kay Dennis ang tunay niyang pakay sa pagpunta niya nang bigla siyang yakapin nito

“Alam kong darating ka,” “I know you’ll never forget this very special day.” “Happy Monthsary!” ang masayang pagsalubong ni Dennis.

Hindi siguro ito ang tamang oras upang sabihin sa kanya na hindi na niya ito mahal. Hindi  naman ganoon kasama ang ugali niya upang pasakitan ang taong minsan niyang minahal na hanggang ngayon ay patuloy na nagmamahal sa kanya. Nagpatangay na lamang muna siya sa laro ng tadhana.

------

Marami na ang kanilang nainom. Pareho na silang may tama ng espitu ng alcohol. Nagpatianod sila sa bugso ng kanilang mga damdamin.

Pinagmasdan niyang mabuti ang kabuuan ni Lee. Hindi siya makapaniwala na muli niyang kapiling  ito. Hindi na sana siya umaasa na matutuloy pa ang matagal niyang pinaghandaan. Hindi na niya natimpi ang pananabik na ito ay tikman bilang pagtiyak na siya ay totoo at hindi panaginip lamang.

Dumampi ang kanyang mga labi sa makisig na katawan ni Lee. Humagod ang kanyang dila sa bawat definition ng kanyang katawan. Saglit siyang humimpil sa pusod nito. Napapaigtad si Lee sabay sa pagpakawala ng impit na ungol.

Habang nilalaro ng kanyang dila ang bahaging iyon ay dahan-dahan niyang tinatanggal ang shorts at brief ni Lee. Humalimuyak ang  pagkalalaki ni Lee na higit na nagparubdob sa kanyang pagnanasa. Hindi na siya nag-aksaya pa ng sandali. Kaagad niyang sinimsim ang sentro nitong nag-uumigting. Napahawak si Lee nang mahigpit habang napapaliyad at napapabiling-biling. Halos hindi siya makagalaw habang sinasabayan ni Lee ang kanyang bawat paghagod.

Hinila siya ni Lee paakyat at muling naglapat ang nag-aalab nilang mga labi. Hinagod ni Lee ang arko ng kanyang spine mula leeg hanggang kuyukot. Nilamas-lamas nito ang kanyang butt at minasa-masahe. Hinubad ni Lee ang natitira saplot ni Dennis. Patuloy ang kanyang mga palad sa paghimas sa kanyang likod. Hanggang sa gumawi ito sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Naramdaman niya ang kanyang pagbundol. May kung anong matigas na bagay ang nais niyang ibaon sa likuran ni Dennis.  Napapikit na lamang siya at nagpaubaya. May pangamba man, ipinagpasiya niyang ipagkaloob nang buo ang kanyang sarili. Malapit na sa sukdulan ang kaligayahan nilang dalawa. Pabilis nang pabilis ang pagbayo ni Lee. Ramdam ni Dennis ang papalapit na pagsabog ng kaligayahan ni Lee. Kapwa pawisan ang lupaypay nilang katawan. Naganap ang isang pulo’t gata.

“Ayan na, ahhhh.. Bjozh” ang malakas na bulong ni Lee.

Parang pinagsakluban ng langit ang damdamin ni Dennis sa kanyang narinig.  Matapos ang matamis na pagniniig, buong akala niya ay siya ang nasa puso at isipan ni Lee habang pinagsasaluhan nila ang kanilang kamunduhan.

Nagdurugo ang kanyang puso. Hindi niya sukat akalain na ang taong pinagkakatiwalaan niya – ang kayang kaibigan ang siya pang aahas sa kanya.

Nagpupuyos sa galit ang kanyang laman. Parang gusto niyang pumatay subalit hindi niya makuhang saktan ang kanyang minamahal.  

Hindi niya kaya..


(itutuloy)

-------

Careless Whisper (instrumental) - George Michael Mp3

Sunday, September 12, 2010

Hiram 3


Of all the places I didn’t expect na sila ang makikita ko dito. Was it just a plain coincidence? Kung sinasadya man ng pagkakataon, hindi ako magpapa-apekto dito.. I managed to keep myself composed kahit na bahagyang may pagkagulat sa reaksiyon ko ng makita ko silang dalawa, lola na ng magsalubong ang mga tingin naming ni Lee. Hindi rin maitatanggi ang kanyang pagkagulat.

“Oh what a small world, nandito rin pala kayo” ang bati ni Dennis.

“Yah. It’s nice to meet you here. Biruin mo dito pa pala ulit tayo magkikita.”

Matapos ang maikling pagbati ay pumuwesto na kami ng aking mga kasama sa aming table na nasa gawing likuran lang ng table nila Lee.

“Excuse me guys I think I need to go to the powder room. Kayo na ang bahalang pumili ng kakainin natin.”

Sinundan ako ni Lee. “Sorry kung pinaghintay kita sa wala, sorry kung hindi ko agad nasabi sa’yo. I was trying to call you pero naka-off na ang cellphone mo.” “Biglaan kasi ang pag invite sa akin ni Dennis na samahan siyang lumabas, hindi na ako nakatanggi.”

“Maiintindihan ko naman kung magsasabi ka sa akin ng totoo eh.. Ngayon ko lang itatanong sa’yo ito and I want you tell me the truth. Is there something going on between you and Dennis?  

“Bakit mo naman naitanong yan?”

“Matagal ko na kasing napapansin eh, I was trying to ignore it pero habang tumatagal hindi ko maiwasang mag-isip. Una, ayaw mong malaman ni Dennis na nag-uusap tayo. Pangalawa, natatakot kang malaman niya that we’re dating, na tayong dalawa na. Dennis is my friend, kaya if there is something I need to know, you better tell me now.”

“Siguro nga kailangan mo ng malaman – may relasyon kami ni Dennis….”

Hindi ko na hinintay na mapakinggan pa ang mga sasabihin niya, mabilis akong tumalikod at lumabas ng powder room. Para akong sinampal sa narinig ko. Bakit hindi ko agad inalam. Ang tanga-tanga ko.

Si Lee… ang lalaking tinutukoy ni Dennis na lalaking pinakamamahal niya. Ang lalaking pinaghahandaan niya ng sopresa para sa kanilang monthsary.

Wala akong mukhang ihaharap kay Dennis oras na malaman niya ang tungkol sa aming dalawa ni Lee. Isa lang ang alam kong tamang gawin - ang kalimutan si Lee.

--------

Dalawang linggo ang lumipas simula ng gabing mabunyag sa akin ang katotohanan, hindi ko na muling kinausap pa Lee. Mahirap, lalo pa’t panay ang tawag niya, maya’t maya ang text niya. Nagsusumamo na kausapin ko daw siya, bigyan ko daw siya ng pagkakataong makapagpaliwanag ng maayos.. mahirap, nahihirapan ang puso ko, pero kailangan ko itong gawin.

Hindi siya tumigil hangga’t hindi niya ako nakakusap. Maghapon niyang binantayan ang paglabas ko sa trabaho.

“Friend hindi ba si Lee ‘yon? Ikaw yata ang hinihintay.”

“Bjozh please kausapin mo naman ako. Huwag mo naman akong iwasan please.”

“Lasing ka, mas mabuti kung umuwi ka na lang.”

“Nakainom oo, pero hindi ako lasing at lalong hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ako kinakausap.”

“Wala naman tayong dapat pag-usapan pa, malinaw ang gusto kong mangyari – kalimutan mo na ako, ayaw ko ng iskandado... Mas makakabuti kung hahayaan mo nalang ako.”

“Please, ikaw ang mahal ko.”

“Naririnig mo ba ang sarili mo.”

“Mahal kita….’

----------

(Tweet…tweet…tweet) text message from Dennis.

“Busy ka ba? puwede ba tayong mag usap?”

Bigla akong kinabahan ng mabasa ko ang nilalaman ng text ni Dennis. Bakit kaya? Siguro ay alam na niya na niloloko siya ni Lee. Nalaman na niya na may relasyon kaming dalawa ng taong pinakamamahal niya.

“What about?”

“I just need someone to talk too. Pwede mo ba akong samahan mamaya?”

--------

‘Remember the last time we’ve met.. About two weeks ago. Kilala mo naman siguro si Lee, ‘di ba? He is the one I’m telling you. Siya ang boyfriend ko at alam mo rin naman na we are celebrating our monthsary this Saturday. Alam mo yan hindi ba, dahil I asked for your help kung ano ang dapat kong gawin to surprise him.”

“Bakit may problema ba?” Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin ng mga oras na iyon. Nangangapa ako. May alam ba siya?

“Ayaw kong isiping meron nga, pero iyon ang nararamdaman ko. Malakas ang kutob ko na may inililihim siya sa akin. You know what?, before kami magpunta sa Venice Piazza may nag text sa kanya asking kung tuloy ba daw sila. Sa inis ko binura ko agad iyon text message. I was about to confront him pero kinimkim ko lang muna, maybe it wasn’t the right time para usisain ko siya about it.”

“kilala mo ba kung kanino galing ‘yon text message?”

“No. initial lang kasi ang nag registered sa inbox eh.”

“Anong initial?” ang patay malisya kong tanong.

“B”

“Ano ba ang dapat kong gawin? Since then hindi na kami nakapag-usap ng matino, palagi na lang siyang parang wala sa sarili. What should I do? Matagal ko na dapat siyang tinanong about this pero pinapangunahan ako ng takot – takot sa maari kong malaman, takot na marining ang hindi ko gustong marinig.”

“Maybe he’s not yet ready to talk about the issue either or maybe he was just waiting for you to ask him.”

“Paano kung totoo ang kutob ko na ayaw na niya sa akin, na meron na siyang ibang napupusuan?” Hindi ba masakit tanggapin yon?”

“Hindi mabibigyang kasagutan ang mga kutob mo kung hindi ninyo pag-uusapan ang tungkol sa estado ng relasyon ninyong dalawa.” “ Kung sakaling sabihin niyang ayaw na niya sa’yo, matatanggap mo ba?’”

“Hindi ko alam… hindi ko alam kung kakayanin ko."

(itutuloy)




Thursday, September 9, 2010

Hiram 2


Naging malimit ang pagtetext namin ni Lee. Kung minsan ay lumalabas din kaming dalawa. Nagtataka lang ako dahil sa tuwing lalabas kami ay hindi niya kasama si Dennis. Nagkakataon lang ba o sadyang pinaplano niya na kaming dalawa lang magkasama. Partner sila sa trabaho kaya’t imposibleng hindi malaman ni Dennis ang madalas naming pagkikita.

Kung sabagay, sa tuwing magkatext naman kami ni Dennis ay hindi namin napag-uusapan ang tungkol kay Lee. Pinakiusapan din naman ako ni Lee na huwag kong mababanggit kay Dennis ang tungkol sa paglabas-labas namin.. 

Minsan hindi ko natiis na ungkatin ko kay Lee ang tungkol dito.

“Bakit nga pala ayaw mong malaman ni Dennis na nagkikita tayong dalawa?”

“Basta. Nahihiya kasi ako na malaman niya na lumalabas tayo. Hindi kasi ako handa kapag inusisa niya ang tungkol dito. Baka mailang ako… and I want to make our relationship private, iyong tayong dalawa lang muna ang nakakaalam, walang ibang nagtatanong, walang ibang nakikialam” Kaya sana ilihim na lang muna natin ito.”


--------

Masaya si Dennis. Bakas ko sa kanyang mukha ang pagiging inspired. Simula nang magkita ulit kami ay hindi maitatago ang kanyang kasiyahan.


Minsan ay naikuwento niya sa akin kung gaano siya  nagpapasalamat at natagpuan na niya ang taong hindi lang niya mamahalin. Ang taong tanggap siya sa kabila ng kaniyang pagkatao.


Naalala ko pa noong magkasama pa kami sa High School. Maaga siyang nagmahal at umibig, maaga din siyang nasaktan. Nagmahal siya subalit hindi naman siya nakatanggap ng sukling pagmamahal. He was taken for granted.. ginamit lang siya at nagpagamit dahil sa lintek na pagmamahal na yan..  


Kahit kung minsan ay masaya ka na sa bawat hiram na sandali sa piling ng taong minamahal mo ay iba pa rin ang kaligayahang matatamasa mo kung siya’y totoong para sa iyo..


Kaya naman natutuwa ako at finally may isang taong tumanggap sa kanya at nagmamahal sa kanya. Isang relasyong kanya-kanya at hindi niya kailangang manghiram ng sandali para lang lumigaya siya..

--------


Dennis and I seldom talked about our lovelife lalo pa’t ngayon lang ulit kami nagkakausap, maliban nalang kung may kailangang humingi ng payo tungkol dito..  o magsabi nang sama ng loob na dulot nito… masaya na kaming nagkakamustahan at nagbabalitaan ng tungkol sa kahit anong bagay na nangyayari sa araw-araw naming buhay..


At ngayon nga ay masaya niyang ibinalita na malapit na ang kanilang ika-anim na monthsary.


“I’m so happy for you. Wish ko lang na sana humaba pa ang relasyon ninyong dalawa”


“Thanks.”


“Can you help me?” Gusto ko kasi siyang i-surprise eh, alam kong magaling ka sa mga bagay na ganyan… I need your expertise,.. matutulungan mo ba ako?”


“Ikaw pa.. basta ba para sa ikasasaya ng pagsasama ninyong dalawa.” Kaya lang andaya mo, sino ba yang prince charming mo na iyan, hanggang ngayon hindi mo pa pinakilala sa akin?.”


“Makikilala mo rin siya, (actually kilala mo na nga yata siya eh).. Ayaw kasi niyang ipaalam at ipagyabang sa iba na may relasyon kami”


“Ha? Sino?”


“Basta ipapaklilala ko siya sa’yo one of this day. Siguro bago ang monthsary namin..”


---------


“Are you free Friday night?” and text sa akin ni Lee.


“Wala pa naman akong na o-oohan, Why?”

“Can I invite you out for coffee?”


“Coffee lang talaga?”

“Bakit ano ba ang gusto mo?”


“Wala… sige Friday night. See You”


---------


“Lee let’s go out this Friday, na miss ko na ang paglabas-labas nating dalawa eh.” Ang paglalambing ni Dennis kay Lee


“Himala, wala ka bang overtime or tatapusing trabaho sa opisina?”


“Wala, kaya nga I’m inviting you out eh, I want to make-up for those time na busy ako.. Pakiramdam ko kasi lumalayo kana sa akin eh..”


“Ganoon ba, sige.” Nakalimutan ni Vince na may usapan din pala kami.


--------


Friday..


I was waiting for Lee’s text or call para malaman ko kung tuloy ba kaming lumabas tonight, pero wala.

Malapit ng mag-uwian pero wala pa rin.. Ayoko namang ako ang maunang mag text.. I waited for a few more minutes, pero wala pa rin kaya ako na ang nag text sa kanya.


“Kamusta na? tuloy ba tayo? Please reply”

Kasalukuyang palang magkasama sina Dennis at Lee ng mga oras na iyon. Umalis saglit si lee upang mag upang pumunta sa restroom. Naiwan niya sa ibabaw ng kanyang table ang kanyang Cellphone ng mag text ako sa kanya.


Dala siguro ng curiosidad ni Dennis ay pinakialaman ni Dennis ang cellphone ni Lee. Binuksan niya ang Inbox. Habang binabasa niya ang mensahe ay hindi maiwasang sumibol ang kutob sa dibdib niya. Bigla siyang nagduda.  Agad niya itong binura at saka ibinalik ang cellphone ni Lee. Hindi niya hahayaan na masira ang lakad nilang dalawa. Sa ngayon, ay isina-isang tabi lang muna niya ang pagdududa. Hindi ito ang tamang oras para tanungin siya.


Pagpabalik ni Lee ay agad nitong tsinek ang cellphone niya..


“Are you expecting a text from someone?”


“Bakit may nagtext ba kanina habang wala ako?”


“Wala naman, naitanong ko lang. Para kasing balisa ka eh, kanina ko pa napapansin. Why? is there something bothering you? Do we have a problem?”


“I’m okay, let’s just enjoy the night”

--------


Hindi na nga ako ni-reply ni Lee. He did not even bother to call me... What the hell happened to him..


(Toot tooott toott… Gosh, battery empty)


Sigh..


“O bakit mukhang bad trip ka?” Si Vince kasama si Alexc na mukhang may pinaplanong Friday escapades. “May umaway ba sa’yo? Sabihin mo, makakatikim talaga siya a amin ni Vince”


“Don’t be such a war freak, I’m okay napagod lang ako sa dami ng trabaho kanina”

“Tse, lokohin mo lelong mo, kilala ka namin, siguro hindi ka sinipot ng prince charming mo, noh”

“Stop interrogating me okay, ang mabuti pa lumabas na lang tayong tatlo.”
 
“Tama.. may alam akong bagong tambayan sa Venice Piazza” 

Hindi kami magkasundo kung saan kami mag di-dinner tatlo but since pareho silang mahilig sa Italian food – sa Harry’s Bar...

 
Sa entrance pa lang ng Harry’s Bar ay may kakaiba na agad akong naramdamang kakaiba. Para akong nanghihina, parang biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Gutom lang siguro hindi kasi ako ng break kanina (siguro nga).

 
“Table for three please”

 
Habang papalapit kami sa bakanteng table na itinuto ng crew ay biglang nagkaroon ng kasagutan kung bakit ganito ang nararamdaman ko.


Sa kabilang mesa ay nakaupo ang dalawang pamilyar na mukha.. Sina Dennis at Lee..

(itutuloy)

Monday, September 6, 2010

Hiram

While Alexc, Vince and I are enjoying a sip of our Starbucks Skinny Cinnamon Dolce Latte and Mocha Light Frappucino with Non-Fat Milk (Tall

“Yes?” ang patanong kong sagot.

“By the way I’m Lee, my friend ask me if we could invite you over our table
at the back, kung okay lang sa’yo”  Sabay turo sa table nila.

Nilingon ko ang direksiyong tinuturo niya. Andoon nga ang sinasabi niyang friend niya na nakaupo patalikod sa amin. Tinawag niya ito at lumingon sa amin na nakangiti.

OMG, Si Dennis, my old buddy from way back in high school, my long lost friend. Agad akong tumayo at nagpaalam saglit sa mga kasama ko.

“Hi, Kamusta. Akala ko kung sino. So, how’s life been?” ang sunod-sunod kong tanong sa kanya.

“I’m good. Ikaw, Kamusta ka na? It’s been such a long time. So, ano?” banaag sa kanyang mukha ang excitement sa muli naming pagkikita

“Yah, it’s been such a long time. Akala ko hindi na ulit tayo magkikita after kasi na masunog ang inuupahan mong unit ay hindi na tayo ulit nagkita. Wala na akong nabalitaan sa’yo, until now.”

“Ang dami kasing nangyari noon eh. Anyways, I’m now working in a sale and marketing company based in Makati, si Lee, nagkakilala na kayo kanina diba? Partner ko siya sa work” So, Ikaw ba anong pinagkakaabalahan mo ngayon, mukhang mayaman ka na ah.?

“Hindi naman, ganon pa rin, I still have my old job (alam mo na).”

“Baka gusto mo mag-apply sa pinapasukan namin. Our company is in need of additional staff. Baka gusto mo mag try”.

“Uhmm pag-iisipan ko.  Saan company ka nga ba?

“DotCom International Marketing, Inc. We develop marketing services thru Internet marketing.” Ano, try mo, wala namang mawawala sa’yo. Kung interesado ka, here is my calling card, tawag ka lang or kahit mag text ka lang.”

Hindi na rin ako gaanong nagtagal, may mga kasama kasi ako at mukhang naiinip na sila sa akin.  Nagpaalam na ako kay Dennis at sa kasama niyang si Lee na halos hindi inaalis ang pagkakatingin sa akin mula pa kanina

Sayang lang at hindi sa amin ang mga oras ng mga sandaling iyon. Marami pa sana kaming napagkuwentuhan..

----------

Friendship ikaw ha nakalimutan mo na kami. Hindi mo man lang kami nakuhang ipinakilala sa cutesness na kausapan mo kanina.

Paumanhin mga friends, na excite kasi ako eh. Biruin mo kasi, it’s been a long
time since huli kaming nagkausap. Buddy-buddy kasi kami dati.

Loka we’re not referring to your old friend. Interesado kami sa kasama niya. Ano nga pangalan, LEE ba? Hayzt, He’s an angel sent from above.

Kayo talaga, mga hitad… sorry na lang kayo dahil hindi naman kami close. Sana pinagsawaan na lang ninyo ng tingin kanina, baka hindi na natin ulit siya makita..

Whatever friend, basta ang alam ko, iba ang pakiramdam ko ha, this isn’t the last time na makikita natin or makikita mo ang LEE na ‘yon… Bakit? Because I sense something kanina while you’re busy talking to your old friend, he was looking at you… take note friend there is something in his look (I can tell)

Umandar na naman ang pagka-intrigera mo.

Hanggang sa magkahiwa-hiwalay kami ay hindi pa rin tumigil sa pagka-intregera ang mga hitad kong kaibigan lalo na si Alexc na sadyang makulit..

---------

Tatlong araw ang lumipas. Nakakabagot na ang paulit-ulit kong ginagawa, nakakasawa na. Sabay-sabay ang mga reports na kailangan kong gawin. Sunod-sunod ang mga deadlines na kailangan tapusin.

“Tweet..Tweet”. May nag text.

“Friend, may gagawin ka ba after office? Kung libre ka pwede mo ba akong samahan sa bookstore.”

“Bakit sa akin ka nag papasama, wala ba si Alexc?

“Friendship, may lakad daw siya eh. May date yata, alam mo naman ang lola pag may kinakarir”

“Ganon ba. Sige daanan mo na lang ako dito sa office bago ka umuwi.”

Wala pang alas singko ay nasa opisina na si Vince..

“Ang aga mo naman, excited ka yata gumala”

“Wala na kasi akong gagawin eh,”

“Ano bang gagawin mo sa bookstore?”

“Birthday kasi ng boss ko tomorrow eh, ako ang na-assign sa office na bumili ng gift for him. papatulong sana akong mag hanap ng paborito niyang novels sa bookstore. Matagal na kasi  niyang gustong magkaroon ng copy noon eh.”

“O sige basta ba treat mo ako ha”

Hindi naman kami nahirapang maghanap ng kailangan niyang bilhin sa bookstore. After ay niyaya niya akong mag dinner.

“Saan mo ba gustong kumain?”

“Ikaw na bahala, basta ba treat mo eh”

Vince has a big appetite for Italian foods, kaya hindi na ako nagtaka ng sa Sbarro niya ako dinala. He order: one bake ziti (haft) in tomato and cheesy white sauce, a big slice of Chicago Deep Dish Pizza and a heavy stuffed Angus cheese Steak pizza and a super large drink
… Whooohh.. halos malunod ako sa dami ng inorder niya.

“Friend, kaya ba nating ubusin lahat ng inorder mo? Galing ka ba sa hunger strike?

“Ano ka ba, kaya natin yan…”

Infairness naman, halos naubos niyang lahat ng inorder niya at mukhang kulang pa
yata. Samantalang ako ay halos hindi matunawan sa bigat ng kinain namin.

“Vince, kung hindi ka nagmamadali parang gusto kong mag starbucks muna tayo, gusto kong matunawan,,, Sagot ko friend”

“Sige friend”

After getting our coffee we sat outside as there were no available seats inside. Within minutes Vince saw a familiar face looking at me.

“Friend, Hindi ba siya yung kasama ng friend mo, si LEE”

“Bago pa ako nasakagot ay nakalapit na sa amin ang tinutukoy niya”

“Hi! Can I join you” asked Lee.

“Sure, be our guest. Mag isa ka lang ba, Hindi mo yata kasama ang partner mo?”

“Yap, if you’re wondering where Dennis is. He’s still at work, workaholic kasi yon eh, actually may tinatapos siyang report.”

“Friend, sorry but I think I need go.. Please excuse me.” Sabay tayo at mabilis na umalis. 

“O bakit biglang umalis ang kasama mo?”

“Nagmamadali kasi siya. Kailangan na niyang makauwi dahil may importanteng tao daw na naghihintay sa kanya”. Ang pagsisinungalin ko kay Lee


“Friend sorry talaga, hindi ko na kasi kaya, parang biglang sumakit ang tiyan ko dahil siguro sa dami ng kinain ko kanina. Wrong timing nga dahil gusto ko pa sanang makilala si Lee. Pero huwag ka mag-alala friend dahil sense ko naman na feel ka ni Vince kaya goodluck na lang sa inyong dalawa.” 

"Loka-luka ka.. sige ingat sa pag-uwi.”

Hindi ko namalayan ang oras. Halos kaming dalawa na lang ang laman ng coffee shop. Masarap pa lang kausap si Lee. Medyo nga lang may pagkaseryoso pero nandoon pa rin ang sense of humor niya (kung baga balanse lang).. Madami kaming napag-usapan simula sa kung ano-anong bagay hanggang sa medyo personal na.

He even asked me, if I’m in a relationship right now..

“Wala” ang mabilis kong tugon.

“Bakit naman? Hindi ka naman siguro mahirap magustuhan at mahalin. May hitsura ka naman para walang mag kagusto sa’yo.”

“Is that a compliment or a proposal? Ang pabiro kong sagot. “Alam mo ang totoo I have been in a relationship and it’s been almost a couple of months now since we part ways.” “It’s my choice, my decision na; tapusin na, dahil hindi na ako masaya. Pakiramdam ko unti-unti na akong nasasakal ng relasyon namin.. Sobra na akong nasaktan sa mga nangyari.”

“Bakit, ano ba ang nangyari?”

“It’s over now.. naka-pag move-on na ako at para sa akin tapos na ang kabanatang iyon kaya’t huwag na lang nating pag-usapan.”

Hinawakan niya ang aking kamay. Dama ko ang sincerity sa mga sinabi niya. “You deserved someone better. I know nandiyan lang siya malapit sa’yo. Sana makita mo siya..”

Bago kami naghiwalay ay pinaki-usapan niya ako na huwag ko na raw mababanggit kay Dennis na nagkita kami…

(Itutuloy)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...