Tuesday, April 20, 2010

Si Adan sa piling ng mga Nilalang

Marami pa akong hindi alam sa mga tunay na kaganapan sa buhay ni Adan but let me share this story based partially on what I’m aware of –

--------

Dumating siya sa mundo ng mga tao mga anim na buwan na ang nakalilipas. Mabilis naman siya nakapag-adjust at madali niyang napakisamahan ng maayos ang mga nilalang dito kabilang na dito ang nag iisang Dyosa.. Agad naman silang nagkapalagayan ng loob.

Si Adan ang kauna-unahang lalaki na nakapagpagising sa matagal nang natutulog na puso ng Dyosa. Hindi naman nagpalipas ng pagkakataon ang Dyosa at siya na mismo ang nagpahayag kay Adam ng niloloob dito. Buo ang kanyang paninindigan na mapapasakanya si Adam.

Hindi inaasahan ni Adan ang ganitong tagpo. Hindi niya alam ang kanyang itutugon dahil sariwa pa sa kanyang mga ala-ala ang paghihiwalay nila ni Eva. Sa hindi maapuhap na sandali ay naitugon niya na “Gusto kong magka-anak”. Isang bagay na hindi kalian man maipagkakaloob ng Dyosa. “Pakikipag kaibigan lang ang kaya kong ibigay” pahabol na sabi ni Adan na maluwag namang tinanggap ng Dyosa.

Sa paglipas nang mga araw lalong naging maganda ang samahan nilang dalawa. Higit na naging malalim ang kanilang pagkakaibigan.. Masaya na rin ang Dyosa dahil kahit sa ganoong paraan ay kapiling niya ang kanyang Adan.

Subalit manaka-naka paring sumasaling sa isipan ni Adan ang babaeng kanyang minahal – si Eva.. Buo ang kanyang isip na kalimutan na sana ito. Salamat sa Dyosa na kahit na ang katotohanang pamasak butas lang siya sa puso ni Adan.

------

Sa gitna ng kanilang masayang relasyon ay may isang magandang Diwata ang bumaba sa lupa. Nabihag naman niya ang puso ni Adan. Muli ay nagngingit-ngit ang kalooban ng Dyosa ng malaman niya ito, subalit wala siyang magawa. Sinubok niyang lansihin ang Diwata pero sadyang malakas ang karisma nito na parang gayumang dumadampi sa puso ni Adan.

Dalawang buwan din halos mabaliw ang Dyosa sa katotohanang naagaw na sa kanya si Adan. Pero sadya yatang umaayon sa kanya ang pahanon, dahil kinailangan nang umalis ang Diwata.

Magulo ang isip ni Adan. Nagugulumihanan ang kanyang damdamin. Nagtatalo ang kanyang emosyon. Panakip butas lang din pala ang hatol niya sa Diwata, subalit sa gilid ng kanyang puso ay mahal na rin niya ito. Nagkamali siyang ginamit lang pala niya ito upang tuluyang malimutan si Eva.

---------

Muli ay sa piling ng Dyosa…

Nagsisikip ang Dibdib ng Dyosa. “Letse, wala na bang ibang laman ang puso mo kung hindi ang punyetang Eva na ‘yan. Ibaon mo na siya sa limot. Pwede ba?. At tigilan mo na ang paggamit sa damdamin nang iba para lang sa sarili mong kapakanan.”

Dahil sa nabitiwang mga pananalita ng Dyosa ay unti-unting tumimo sa isip ni Adan ang mga bagay-bagay. Tama na hindi siya mabuhay sa nakaraan sa halip ay salubungin niya ang ngayon at ang bukas.

--------

Naging maayos na nasa ang lahat nang sa isang pagkakataon ay may nakilalang mga bagong nilalang si Adan. Binalewale na naman niya ang damdamin ng Dyosa.

Lingid sa kaalaman nang Dyosa ay nakipag mabutihan si Adan sa isang Halimaw sa Banga, naging sila (iyon ang ipinahihiwatig ng Halimaw). Samahan pa ng isang umaali-aligid na kampon ni Golem na lumalandi kay Adan.

Dahil dito, naging kumplikado ang kanilang mga relasyon, ang kanilang pakikipagkaibigan. Nagkaroon ng mga issues, selosan iringan at intriga.

Para kanino nga ba si Adan?

---------

Sa ngayon ay iniiwasa na ni Adan ang Halimaw sa Banga. Itinatanggi niya ngayon na naging sila. Pinalaki daw kasi siyang marangal ng kanyang mga magulang kaya’t hinding-hindi siya papatol sa mga ganong uri ng nilalang.. kadiri.. ewwh”

Ayon naman sa Halimaw: mas mabuting ganoon na nga lamang sila – Civil ang status ng kanilang ralasyon.. (me ganon levellling)..

-------

Medyo nasaling ang kalooban ni Dyosa nang marining ang mga nasabing pahayag. Ibig bang sabihin ay pinandidirihan din siya ni Adan dahil kakaiba din siyang nilalang. Bakit hindi ganoon ang naging tugon ni Adan nang misang tanungin siya ni Dyosa…

Sa isang pag-uusap naming ay inamin ni Adan na mahal niya ang nag-iisang Dyosa. At kung papipiliin siya between Halimaw sa Banga ay ang Dyosa ang kanyang pipiliin..

Sa anong motibo at siya ang kanyang pipiliin?

---------

Ano naman ba itong nabalitaan ko na super clossness naman sila ng alagad ni Golem at ngayon ay may umeeksena pang Maligno.

Sino ang malignong ito? Panibabong makikiapid ba ito sa buhay ni Adan?

Ingat ka Adan..habulin ka kasi ng mga kakaibang nilalang..

---------

(to be continued)

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...