Nasa kolehiyo pa lang ako at malapit ng matapos sa kursong kinakarera ko ay crush ko na ang kababata kong si Yhell. Ewan ko ba kung ano ang nagustuhan ko sa kanya. Hindi naman kasi siya angat sa ibang mga lalaking nakikilala ko. He is so ordinary. May mga nanliligaw din naman sa akin pero hindi ko sila pinapansin. Mababa lang talaga siguro ang standard ko sa pagpili ng lalaking mamahalin ko. Anyways crush lang naman eh.. maaring magbago pa ang nararamdan ko para sa kanya.
--------
Si Yhell ay graduate ng Associate in Computer Technology kung kaya’t nauna siyang nakatapos sa akin ng pag-aaral at sa kabutihang palad ay natanggap sa kompanyang kanya rin pinag OJT-han ng siya ay nag-aaral pa.
Matangkad, Manipis na pangangatawan, nakadilat na mga mata, buhok na inunat… iyan ang una mong mapapansin sa kanya. Subalit sa kabila ng mga katangiang ito ay ang masayahin niyang personalidad, magalang, mahiyain at tahimik kung minsan.
**********
Ako nga pala si Encar at hindi sa pagmamalaki ay may angkin din namang kagandahan, hindi nga lang siguro pansinin pero malakas ang kumpiyansa ko dahil iyan ang sabi ng lola at nanay ko na sobra ko naman pinaniniwalaan.. (wala nang aangal…nyahaha)..
**********
At sa wakas ay nagbunga na ang aking pagsusunog ng kilay. Natapos ko ang aking pag-aaral na may mataas na karangalan (am so proud of myself)..
Handa ko na bang tahakin ang panibagong hamon sa aking buhay. Kaya ko ito, ako pa, malakas kaya ang loob at fighting spirit ko. Ako ang babaeng hindi susuko sa kahit anu mang pagsubok..
**********
Wala sa plano ko ang makapagtrabaho sa kumpanyang pinapasukan ng Yhell pero talagang sadyang mapanukso ang tadhana. Kung sabay pabor naman sa akin dahil palagi ko siya makikita at ang pagkakataong makilala ko pa siya ng mabuti.
**********
Hindi alam ni Yhell na may lihim akong paghanga sa taglay niyang kakaiba. Isang araw ay nasira ang computer na ginagamit ko. Kaagad akong tumawag sa IT Office upang ipaayos ang ginagamit kong computer.
Dalawa silang technician sa IT. Hindi ko na naman inaasahan na siya ang pupunta sa aming opisina upang ayusin ang nasirang computer. Habang inaayos niya ay nagkaroon kami ng pagkakataong mag-usap at hindi naglaon ay nagbibiruan na rin kami.
Madali kaming nag kapalagayan ng loob. Marahil sa sandaling panahon ay naramdaman na niya na may lihim akong paghanga sa kanya.
Sa bawat paglipas ng araw ay pakiramdam ko ay lalong nahuhulog ang aking loob sa kanya. Ang simpleng paghanga ay unti-unting nauuwi sa mas malalim na kahulugan ng pag tibok ng aking puso.
**********
Hindi ko na idedetalye pa. Sa medaling salita ay naging kaming dalawa. Masaya ang bawat oras ang bawat araw. Daig pa naming ang arnibal sa tamis ng aming pagsasama..
Lumipas ang isang buwan, halos walang nagbago, bagkus pakiramdam ko ay lalong tumitibay ang aming pagmamahalan…
Hanggang sa sumapit ang aming ikalawang anibersaryo.. Dito ko napansin na parang tumatamlay ang pakikitungo niya sa akin.. Madalang na rin niya akong kamustahin, bisitahin sa bahay at kahit sa mga text ay hindi na niya ginagawa.
Sinubukan ko siyang kausapin pero umiiwas siya. Wala naman akong matandang hindi namin pinagkasunduan.. Hanggang ngayon ay hindi nagbabago ang pagmamahal ko sa kanya. Samantalang siya pala ay unit-unti nang lumilimot…
**********
Tuluyan nang nagwakas ang aming relasyon. Subalit umaasa parin ako na maaayos pa namin ang kung anumang gusot sa aming dalawa..
**********
Kaya naman pala, may iba na siya. Ipagpapalit lang naman ako ay sa hindi pa maganda.. Ginamit lang niya ang pagkakataong mahal ko siya. Pinaglaruan lang niya ang aking damdamin. Sana ay hindi na lang niya ako pinakitaan na mahal din niya ako..
Siya ang first love ko. Sana ay hindi na lang niya ako minahal kung hindi rin pala niya kayang panindigan. Mas masakit pa nang itanggi niyang minsan ay naging kami. Na minsan ay minahal niya ako..
**********
Matagal man bago ako nakaget-over sa naging relationship namin, matagal man bago ako naka-move on, isa lang ang natutunan ko…
That I deserved someone better, someone who is man enough to take a serious relationship at hindi siya un…
**********
No comments:
Post a Comment