Friday, April 16, 2010

Bintang

Naranasan mo na bang mapagbintangan sa isang kasalanang hindi mo naman ginagawa? Sa isang pagkakasalang hindi mo aakalaing sa iyo ay ipupukol?

Lumaki kang puno nang magagandang prinsipyo sa buhay. Isang huwaran at may takot sa Diyos. Pinahahalagahan mo ang tiwalang ipinagkakaloob sayo ng iyong mga kaibigan, kapatid, mga magulang at higit sa lahat ang tiwalang ibinibigay sa’yo nang lahat ng taong iyong mga nakakasalamuha sa araw-araw.

Ngunit sa isang iglap ikaw ay pagduduhan… bubusisiin, tatanungin, pipiliting paaminin sa isang pagkakamaling hindi naman ikaw ang gumawa. Maayos at busilak mong naitaas ang iyong dignidad at sa pagkakataong ito ay dudungisan nalang nila nang walang pag-aadya.

Hindi man nila napatunayang ikaw nga ang may sala, ang dungis nang panghuhusga ay babahid na parang mantsa sa iyong ala-ala at sa iyong pagkatao.

Muli mong iaangat ang iyong sarili. Hindi ka man dapat mag paapekto sa Bintang nila sa’yo pakiramdam mo nabawasan ang mga taong nagtitiwala sa’yo.

Ngunit sa kabila ng ganitong sitwasyon, karamay mo kaming lubos na nakakakila sa’yo kaysa sa mga taong nanghuhusga sa’yo.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...