I booked a week-long vacation in Camarines Sur (in Caramoan to be specific) para doon na rin makapag Holy Week.
Matagal ko nang gustong gawin ito, to escaped from the hassle and dazzle of my work place and I feel, I need a fresh air to breath. Higit sa lahat ang makapag-relax and somehow makapag-reflect..
*********
First time ko makarating sa lugar na ito and it is definitely one of the Philippines Secret Paradise. Sobrang nakaka-amazed and very inviting.. am sure I will enjoy my vacation
*********
Mag-aalas dos na ng hapon ng dumating ako sa isla. Excited na akong libutin ang kagandahan nito. Medyo nakakapagod nga lang ang byahe kaya’t minabuti kong magpahinga muna. Napasarap siguro ang tulog ko at hindi ko namalayan gabi na pala..
*******
Maliwanag ang paligid ng isla. Nakadagdag pa sa ganda ng ambiance ang maliwanag na sikat ng buwan. Naglakad-lakad ako sa buhanginan. Kay gandang pagmasdan ang alumanay na paghampas ng alon sa dalampasigan. Sadyang nakakarelax para bang ipinaghehele ako sa bawat pagbulong hangin..
********
I lay on the bed of smooth and fine sand. Masaya kong ninamnam ang pagyapos ng hangin sa aking katawan. Ang bawat paghampas ng alon ay mistulang musika sa aking pandinig habang nag-aawitan ang mga bituin sa malawak na kalangitan..
Saglit akong napapikit. Maya-maya pa’y naramdam kong parang may nagmamasid sa aking paanan. Nagmulat ako at-
“Hi! Naistorbo ba kita?” ang nakangiti niyang pagbati.
“Ako nga pala si Dein, napansin kong nag-iisa ka”
“Ako naman si Krizz”
“Sige, maiwan na kita..”
Bago pa man ako nakapagsalita ay nakalayo na siya..
*********
I was instantly attracted to him. He was stocky with wide shoulders and narrow hips. He had a curly hair and flawless skin. His eyes were deeply set under heavy brows. He could have posed for the perfect Greek Statue..
*********
Hindi pa rin maalis sa aking isipan ang wangis ni Dein. Parang may kung anong bulong ang kanyang presensiya na hinahap-hanap ko. Hay, kalian ko ulit kaya siya makikita?
Dumaan ako sa isang Cafeteria malapit sa tinutuluyan ko. Sa isang sulok ay natanawan akong isang pamilya na mukha. Hindi ako puwedeng mag kamali, si Dein nga ang nakikita ko.
Nagkasalubong ang aming mga tingin. Ilang saglit pa lang ay lumapit na siya sa aking kinaroroonan. Syempre hindi ako nag pahalata na kanina ko pa gustong lumapit sa kanya.
“Hi!.. remember me.. Dein”
“Yah..”
“Krizz? Right”
Tumango lang ako.
“Mag-isa ka yata? Can I join you”
“Sure. Be my guest”
“How’s your stay so far? Do you have plan this afternoon”?
“Okay naman.. I was just starting to appreciate the place”
“Kung wala kang gagawin, baka gusto mo akong samahan mag Jetski?”
“Well, I haven’t tried it..”
“Promise you’ll enjoy it.. ako bahala sa’yo”
********
As promised. Sobrang nag enjoy ako. I didn’t expect that it would be so much fun. Sarap niya kasama. Unti-unting nabubuhay ang aking pantasya sa bawat minutong magkasama kami.. Kung kaya ko lang sanang itigil panandalian ang takbo ng oras, gagawin mo huwag lamang matapos ang maghapong ito.
We did a great ocean adventures, nag kayak, snorkle and scuba dive and experience the diverse marine life. For just a short span of time we we’re also able to visit the enigmatic lagoon. Very romatic. Feeling ko kaming dalawa lang ang tao sa mundo at ang buong isla ang aming kaharian.
Before we call it a day, we had dinner at the Patio. We even dropped by a minute sa isang bar malapit sa hotel. Dami naming napagkuwentuhan. Feeling ko matagal ko na siyang kilala..
“Goodnight”
**********
I wake up early. Excited ako to see him again. But I suddenly feel so estranged. Bakit kaya?
My usual morning. Dumaan ako sa Cafeteria to have coffee. I was expecting to see Dein, pero wala siya. I stopped for a few more minutes baka sakaling mapadaan siya pero wala talaga..
Natapos ang buong maghapong hindi ko siya nakita, kahit ang anino niya ay hindi ko man lang nakurapdapan. Ano kaya ang nangyari sa kanya?
*********
This is supposed to be my last day. Bukas ay babalik na ako sa Cavite.
I am still hoping na magsanga ang landas naming ni Dein bago man lang ako umalis..
Hindi ko talaga makakalimutang dumaan sa Cafeteria at doon ay napansin ko ang isang grupo na nagkakatuwaan. Hindi ako pwedeng magkamali si Dein ang isa sa kanila.
Nagdalawang isip ako bigla kung lalapit ba ako o hindi na. Papalayo na sana ako nang isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin.
“Krizz, hey is that you?”
Hindi na ako nakasagot.
“I would like you to meet my new friends – Clotty, Rein and Fonzo”
“There’s a party at the Patio tonight, would like to join us?”
“No thanks, I still have to pack my things, I’ll be leaving early tomorrow”
**********
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Mabigat.. Nangungulila ako sa atensiyon ni Dein. Bakit ganon? Sinadya ba niyang mapalapit ang loob ko upang pagkatapos ay ipagpapalit niya sa iba.
Mabuti na rin siguro ang nangyari. I don’t need to carry an excess baggage going home.. But I still wanted to see him kahit sa huling pagkakataon. Pero he’s very much preoccupied and enjoying himself so much with the company of his new found friends. I guess, that’s life all about..
*********
Shit, Bad trip talaga the travel agency who arranged my vacation through CamSur Tourism Office just called to inform me na nagkaroon ng konting delay sa transport transfers.
Kaya I have to stay one more day.. wala naman akong choice. Might as well savor the day..
**********
Back to the Cafeteria. I was surprised nang lapitan ako ni clotty.
“Can we talk”
“What about”
‘Honestly, I don’t like you.” “hindi ko kasi nagustuhan yung mga tingin mo sa amin the last time na pinakilala kami sa’yo ni Dein”
“Sorry! If that’s what you think it is, wala akong magagawa.” “Anyway, I don’t like you either”
“Ayoko sana nang gulo, kaya please lang.”
“Bakit sino ba ang nanggugulo? May issue ba?”
“Oo ikaw?”
“Whatever! I guess we have no more business to talk about, ayoko rin naman ng gulo ang besides I’ll be leaving this island tomorrow.”
**********
After that short confrontation with Clotty, I headed backed to the hotel, wala na naman kasi kami dapat pang pag-usapan pa lalo’ pa at tungkol ito kay Dein.
I don’t owned Dein and he is free to do whatever he wishes, kung masaya na siya sa company nang kanyang mga bagong kaibigan.. so be it. Besides, He is just one of my chance encounter na maiiwan ko dito sa isla.
*******
At the hotel room, hindi ako mapakali, nababalisa ang pakiramdam ko, kinakati ang mga paa ko para bang may sariling isip na sunod-sunuran ako kung saan ako dadalhin nito. Malayo-layo na rin ang aking nalalakad nasa Patio na pala ako.
Puno nang mga bakasyonista ang lugar. Ang lahat ay hindi magkamayaw sa kasiyahan habang umiindak sa saliw ng mga mahaharot na tugtugin. Nilinga-linga ko ang aking paningin nagbabakasaling may makita akong mga pamilyar na mukha.
Laking gulat ko nang sa hindi kalayuan, sa may madilim na sulok ay mamataan ko ang dalawang pamilyar na pagmumukha. Hindi ako nagkakamali si Dein at Clotty. Nababanag sa kanilang mga kilos ang epekto ng alcohol na nainom nila. Kapwa sila walang pakialam sa sasabihin ng mga taong makakakita sa kanila.
Sa gawing kabila naman ay nandoon sila Rein at Fonso na masayang nakikipag harutan sa ilang mga dayuhang nandoon.
Gusto ko na sanang umalis at iwan ang mga tagpong nakikita ko, subalit may kung anong pumipigil sa akin.
Muli kong pinagtuunan ng pansin ang kinaroroonan nila Dein at Clotty. Parang dinudurog ang puso ko nang makita kong naglapat ang kanilang mga labi. Matagal, halos mapatid ang kanilang mga hininga nang maglayo ang kanilang mga labi.
Huli na nang mapansin ni Dein na nandoon ako, na nasaksihan ko ang kanilang paglalampungan. Daig ko pa ang sibat sa bilis ng aking paglisan. Hahabulin sana niya ako pero pinigilan siya ni Clotty.
Para saan pa? Para magpaliwanag? Malinaw na sa akin ang lahat. Nalimutan niya ang presensiya ko dahil inahas siya nang isang mapagpanggap na kaibigan. Isang kaibigang nagtatago sa likod nang pagkukunwari.
********
I have to move on. There’s no reason for me to waste my tears to someone I don’t deserved. Magsama-sama silang mga mapagbalatkayo.
*******
Hindi ko na babaunin pa sa pagbabalik ko ang lahat nang ito. Hahayaan ko nang tangayin ito ng pag hampas ng alon sa dalampasigan.
Magbabalik akong walang dalang sama nang loob. Ang lahat nang mga pagdududa ay iiwan kong lahat sa kanila.
Magbabalik akong may bagong pananaw sa mundo…
********
Tapos na ang aking bakasyon.. nakauwi ako nang maayos at ngayon ay nasa piling ng mga tunay na kaibigang nakakaunawa sa akin..
********
God Blessed!! Happy Easter to all!!