Friday, July 9, 2010

SENTOSA - Ang Paglimot

UMALIS akong hindi nagpapaalam sa aking mga kasambahay. Walang nakaka-alam kung saan ako pupunta. Sinadya kong ilihim ang biglaan kong pagbabakasyon upang panandaliang makalimot sa mga bagay na walang sawang gumugulo sa isip at damdamin ko. Walang sino man ang nakakaalam sa aking mga binabalak.

I turned my cell phone off – alam kong maya’t maya ay kukulitin ako ng mga text at tawag upang alamin ang kinaroroonan ko..

Walang katiyakan kung hanggang kailan ako mawawala..

-----

Calling all passengers for flight PR507 bound to Singapore, please proceed to Gate II... All passengers….

Palabas na ako ng Gate II at kasalukuyang naglalakad along the alleyway nang biglang may bumangga mula sa aking likuran, isang hindi kataasang lalaki na sa tantiya ko ay halos magkasing edad lang kami. Maputi at may maayos na pangangatawan. Nagmamadali siguro kung kaya’t hindi na siya nag-abala pang pansinin ako.

“Welcome aboard Philippine Air Sir, May I see your ticket?”

“You’re in seat 12B. This way to the left aisle sir”

“Thank You”

Muli ay nakita ko ang kanina ay nakabangga sa akin. He was sitting next to my assigned seat. Naupo ako nang hindi siya pinapansin.

“Excuse me. Sorry nga pala kanina.” Ang pagbasag niya sa katahimikang pumapagitan sa aming dalawa but I just give him a blank look, ayaw ko din naman makipag-usap dahil hanggang sa mga sandaling iyon ay magulo ang takbo ng aking pag-iisip.

Once we reached our cruising altitude I plugged into my iPod to signal na hindi ako interesadong makipagkuwentuhan sa kanya.. I could see him, alternating between reading Robert Langdon’s novel and trying to subtly size me out of the corner of his eye pero deadma lang talaga ako.

--------

“Bakit ngayon ka lang? Saan ka galing? Sino ang kasama mo?, Nakipaglandiaan ka na naman siguro.” Ang sunod-sunod niyang tanong pagbungad ko pa lang sa may tarangkahan.

Nawala kasi sa isip ko na may usapan nga pala kaming magkikita ngayon. Biglang nagyaya ang tropa na lumabas, minsan lang kasi kami magkasama-sama ng ganito. Hindi ko rin naman napansin na battery empty na pala ang cellphone ko.

Alas nueve pa lang ay naghihintay na siya sa akin. Nakailang missed calls at text na rin siya. Mahigit isang oras at kalahati na siyang naghihintay nang dumating ako.

“Saan ka galing?”

“Sorry, nakalimutan ko ang usapan natin”

“Kanina pa ako dito, ginagawa mo akong tanga, hindi ka man lang nag reply” ang halos pasigaw na sabi niya.

“Sorry talaga, low batt ako, hindi ko napansin.”

“Ang sabihin mo may kasama kang iba.” “Sige magpaloko ka sa kanya”

“Pwede ba pagod ako, at tigilan mo na rin yang mga pagdududa mo.” Sawang-sawa na ako, palagi nalang iyan ang sinasabi mo, ganyan ba talaga kababa ang tingin mo sa akin. Ayoko na, tapusin na natin ito, kalimutan na natin ang isa’t isa..

“Sige na umuwi ka na, at huwag kang mag eskandalo dito, bigyan mo naman ako ng kahihiyan" (sabay talikod at parang hindi ko naririnig ang kanyang pagsusumamo).

---------

"Ladies and Gentlemen, welcome to Singapore Changi International Airport. Please remain in your seats with your seatbelts fastened...."

Halos hindi ko napansin ang oras, lalapag na pala ang sinasakyan ko kung bakit kasi hindi mawaglit sa isip ko ang mga tagpong iyon.. ang huli na siguro naming pagkikita..

---------

After I cleared myself inside the arrival area ay dali-dali na akong lumabas ng terminal at agad nagpapara ng taxi. Hindi ko na rin napansin ang taong bumangga sa akin na siya ring katabi ko sa flight na ito.

Nagpahatid ako sa Peninsula.Excelsior Hotel where I made my early reservation.

“Hi, my name is Bjozh Palma and I have a reservation.”

“Let me check. OK, yes, a room for a 4-day/3-night stay.”

“That’s right.”

“You are in room 704.” ………

“Thank you.”

“The elevator is just around the corner. Do you need any help with your bags?”

“No thanks. I can manage myself.”

It’s already quarter before three and my stomach is starting to feel empty. I rushed to the elevator door and went straight to my room. I just throw my things and went back to the elevator to have something to eat at Coleman's CafĂ© located at the first level of the hotel. The door opened and to my surprised the same guy seated beside me in the plane stepped out.

“Oh, what a small world” we’re staying at the same hotel.

I selfishly nod and just give him the same look and go.

---------

(may karugtong)

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...