Tuesday, March 30, 2010

It's all the same

You walked into my life unexpectedly…
You warmth my heart that has been frozen for a long time…
You melted my piercing sorrow, and gave me reasons to love again...
You’re the ocean in my river of tears, the tide that hugs the shore…
You’re the wind beneath my wings, the wind that helps me soar…
You’re the runway to my flight, the avenue towards my dreams…
You’re the songs my heart wants to sing, the lyrics my soul recites..
You’re everything I ever wanted, everything my hearts desired…

But just the same…


You broke my heart and tear it apart…
You cut the scars that you once healed…
You pushed me to the edged of nothing…
You make believe that you’ll forever stay…
You left me with no goodbyes, and leave me to the abyss of loneliness…
You’re near yet we’re so far apart…
You built the walls that separate us…
Your presence is a torture that slowly dragged to me death..

Why don’t you just leave and buried my heart..
So I won’t feel no pain.

I don’t want to love again, if loving will put me in vein…
I am sick and tired of playing the old game…

It’s all the same…

Sunday, March 28, 2010

To the Concert

“Sis, prepare na tayo.”

“kanina pa ako ready”

“Hehe.. wait lang”

“Sis, am ready let’s go.”

We’re already at the meeting place quarter before call time. We’re early not because of the excitement to see the concert but because we don’t want to be waited. Problem was we waited for our two buddies for more than an hour. How inconsiderate.. Palagi na lang ganon. Ano naman kaya ang idadahilan nila this time. Hndi pa naman ako kumain nang kahit ano since lunch, medyo nagrereklamo na rin ang sikmura ko.

While still waiting, I decided to order burger value meal 1. On my way to the next counter, I bumped into this cutie tattooed guy. Such a hunk, guess he’s my consolation for waiting too long. Hindi na nga sana ako oorder. Anyway he’s my reward dahil hindi lang panandaliang napawi ang gutom ko nabusog pa ang mga mata.

Bad trip lang.. Akala ko mag isa lang siya. Naghihintay din pala siya sa girlfriend niya na dumating bago pa man naubos ang inorder niyang burger… …NAMAN!!

Sa wakas dumating ding ang mga hinihintay namin…

******

It took us almost an hour going to the Mall of Asia. Kalokerz lang ang seats naming, sa pinakadulo ng bus which is sobrang nakakaliyo..

Before we proceed to the concert ground we had our dinner first at Sbarro. We ate two bake ziti (haft) in tomato and cheesy white sauce, a big slice of Chicago Deep Dish Pizza and a heavy stuffed Angus cheese Steak pizza and a super large drink… Whooohh.. This kinda heavy in the stomach.. Super Sarapsa Delicioso..

Burff… (excuse me po!)

******

We walked our way to the concert ground. The gates opened as early as 7pm and we are one of the few who comes early kaya naman nakakuha kami ng magandang puwesto, almost right in front of the big screen. A little bit later ay halos hindi na mahulugang karayom ang buong ground.

The concert was about to start…

Everyone chills and grooves with the music as Timbaland performs some cuts from his Shock Value II Album..

Another kalokerz moment happened when the projector technically turned off just before Jojo’s performance. Mabuti na lang at nagawan ng paraan. But Jojo’s performance was such a teaser, sobrang bitin.. Temperature rising when Justin Timberlake joined Timbaland on stage. He was definitely the icing on the cake..KILIG!

The concert signed off at exactly midnight…

We even crossed some of the celebrities along our way to the terminal..

*******

GOING HOME…

Ang hirap sumakay, dami ba naman mga pasaherong nag uunahan sa pagsakay.. Halos inabot din kami ng hagit isang oras bago nakasakay..
Pagdating sa buendia ay wala na kaming inabutang biyahe pabalik.. Pero sabi ng isang barker doon sa terminal ay may darating daw na FX..

“Magkano po ba ang pamasahe”

“Saan ba kayo”

“Carmona Exit lang po”

“P80”

“Sige po”

Ang tagal halos kinse minutos na kaming naghihintay ay wala pa ang sinasabing FX. Maya-maya pa ay eto na..

“Sakay na kayo”

“Bayad niyo, P100 bawat isa”

“Ano diba kanina P80 exit lang naman kami eh”

“P100 talaga”

“hindi na po kami sasakay”

Punyetang driver ‘yan mapagsamantala. Sadyang pinaghintay kami ng matagal dahil habang lumalalim ang gabi ay mahihirapan kaming sumakay, nang sa ganon ay mapilitan kaming tanggapin ang offer niya.. Gago talaga, Manigas sila sa katarantaduhan nila.. Karma na lang nila na sa halip may pasahero pa sila ay nagbabaan din ang lahat ng sakay niya.. Ganid kasi!!!

Umiba kami ng ruta and thank God naka uwi din kami ng maayos at ligtas..

Saturday, March 27, 2010

Toasted German Frank!!

Actor: Yaya and Lola; introducing Mr. German Frank

Setting: Boarding House

Genre: Sexy Comedy

Synopsis:

Yaya board in a 3-door boarding house for boyz and gurlz..

Naiihi na siya kaya't nagmamadali niyang tinungo ang bathroom. its a common bathroom. Binuksan niya ang pinto at laking gulat niya ng mabungaran niya ang isang boarder doing his deed in the wee hour of the night. to be specific he caught his co-tenant sitting in the bowl in all its nakedness, both legs stretched, silently moaning while massaging his toasted German Frank.

Sandali siyang natigilan at nang mahimasmasan ay kaagad siyang tumalikod at muling isinara ang pintuan at dali-daling bumalik sa kanyang silid, habang si Mr. German Frank ay patay malisyang ipinagpatuloy ang kanyang muntik nang naunsiyaming pagpaparaos.

-----

What a scene!!!...

Ilang minuto din niyang pinigilan ang kanyang pantog sa napipinto nitong pagsabog. Nilibang na lang niya panandali ang kanyang sarili sa pakikipag chat kay Lola.

Siyempre pa ang topic ng kanilang usapan ay.... Ano pa, eh di... un na nga...

-----
Only this afternoon ko lang nalaman ang bagay na ito, while we were having dinner at Cobei's nang mabanggit nila sa akin ang topic nila kagabi.

I was asking Yaya kung kilala niya yung boarder na nahuli niya sa bathroom. Ang sabi niya hindi daw. The only thing she clearly remember was ---

The Toasted German Frank!!!

Thursday, March 25, 2010

Tatsulok!!!

TATSULOK - ang hugis ng daigdig ko. Hindi tulad nang mundo mo na patuloy na umiinog, ang sa akin ay tila nakagapos sa tatlong sulok ng SAKIT, PAGIISA at KALUNGKUTAN… Bigkis ng tanikalang mahigpit na yumayapos sa sentro nang aking pagkatao.

Unti-unti akong nanghihina. Dahan-dahang nawawalan ng lakas at pag-asa. Ako’y mistulang isang kandilang unti-unting nauupos hanggang sa taglay kong liwanag ay tuluyang nang maglaho at hindi na mapansin.

----

Nasaan na ang mga pangako? Tinangay na rin ba ng hangin kasama ang sumpang hindi mo ako iiwan. Bakit sa kabila ng aking pagpaparaya ay ako parin ang lumalabas na masama? Pilit kitang inunawa dahil iyon ang alam kong tama - dahil mahal kita kahit na alam kong lubos akong masasaktan.

Hindi ako bumitaw sa iyong mga pangako.

-----

Minabuti mong lumayo kasama siya… Hindi kita pinigilan dahil alam kong babalik ka. Subalit tila yata nalimot mo na, iniwan mo akong nag-iisa sa gitna ng pangungulila at pagdurusa. Tuluyan nang nilamon ng kalungkutan ang aking sistema. Hanggang ngayo’y ikaw ang nais kong makasama.

Batid kong wala ka na, subalit binahiran mo ng mantsa ang aking puso at ang aking pagkatao. Mahirap mang burahin, mahirap mang iwaski kailangan ko itong kayanin..

----

Sino ang magpupuno sa aking kalungkutan? Upang ang sakit at pag-iisa ay tuluyan nang malimutan..

Wednesday, March 24, 2010

Matador

Ordinary day in the office, wala masyadong client kaya’t naisipan ko muna lumabas at maglakad-lakad nang hindi sa kalayuan ay nasumpungan ng aking tanaw ang isang nilalang na nakikipag-usap sa isa ring empleyado na naka-assigned sa ibang namang departamento. Nang magawi ang aking direksiyon sa kanilang kinatatayuan ay binati niya ako.

“Bjozh, musta?”

“Okay lang”
ang aking tugon kasabay ng isang simpleng ngiti habang hindi maiwasang mapatingin ako sa kanyang kausap.

“Si Christian nga pala tropa ko”

“Hi”
iyon lang ang nasabi ko. Iniabot niya ang kanyang kamay tanda ng kanyang pagtugon.

“Sige, nice meeting you, babalik na ako sa opisina baka may cliente nang naghihintay sa akin doon”

“Maya na, usap muna kayo, may kukunin lang ako saglit. Ikaw muna ang bahala sa kanya” “Pare iwan muna kita kay Bjozh”.

Huli na para tumanggi pa ako dahil pagkasabi niya ay agad na siyang tumalikod. Ano bang pag uusapan namin, nangangapa ako. He’s a complete stranger, don’t know where to start the conversation.

“Gusto mo doon na lang natin siya intayin sa opis?”

“Okay lang”


Pagbalik naming sa opisina siya namang labas ng kasama ko kaya’t naiwan kaming dalawa. Biglang binalot ng katahimikan ang apat na sulok ng aming tanggapan. After a few glances ay siya na ang bumasag aming katahimikan. Saka ko pa lang lubos na napagmasdan ang kanyang taglay na kaguwapuhan.

Bago pa man nakabalik ang kanyang kumpare ay nagkapalitan na kami ng aming mga cellphone number.

“Sige, salamat.” Ang kanyang pamamaalam.

---------

Kinabukasan...

“Musta?”

Sender: Xtian

Hindi ko inaasahan ang text niya. Ba naman para sa akin kuwentuhan lang lahat ang naganap.

“I’m good! Musta? Ang reply ko.

“okay lang. thanks nga pala kahapon.”

“Para saan?

“for your time, sarap mo kausap eh.”

“Me ganon”

“Umiinom ka ba?

“Pag may okasyon lang, why?”

“Tambay ka minsan sa bahay, kwentuhan tayo .“ “Umiinom ka ba nag matador?”

“Kahiya naman” “okay lang”

“Ok lang un, basta inform me kung kalian ka punta?”

“Sige next time!”

---------

Sabado. Lalabas sana kaming magkakapatid, balak ko sana silang itreat kumain sa labas malapit na kasi ang kaarawan ko pero hindi sila pwede dahil may kanya kanya na silang mga lakad. Anyway, next weekend pa naman talaga ang plano naming mag salo-salo.

I decided to go out alone. Pumunta ako sa Festival Mall, window shopping ang drama ng lola. I ate Mc Chicken Sandwich (Burger Meal) Double Go large.. Bought yellow shirt (Bench) and cologne at Mossimo.

Kakapagod. Maaga pa pero tinatamad pa ako umuwi kaya’t naisipan kong manood muna kaya ng movie, pero halos kanina pa nag simula ang screening gagabihin naman ako kung maghihintay ako nang susunod na schedule kaya’t naglakad-lakad na lang ako.
Naisip ko pag uwi ko ng bahay mag-isa lang ako naalala ko tuloy ang text sa akin ni Xtian. Agad kong kinuha ang cellphone phone at tinext siya –

“Gudpm! Musta? Pwede ba akong dumalaw sa inyo?”

“Cige ano oras ka pupunta? Wala pa kasi ako sa bahay eh”

“ganon ba.. Ano oras ba uwi mo?”

“Mga 7pm pa siguro”

“okay, wala pa rin naman ako sa bahay eh”

“Ano, okay lang ba?”

“Sige, txt mo ako pag punta ka na”

“K. txt you later.”

“Ingat”

--------

“Tao po” ang bungad ko sa harapan ng bahay nila. Lumabas ang isang hindi katandaang babae kasama ng isang tatlong taong gulang na batang lalake.

“Sino ang kailangan mo”

“Dito po ba nakatira si Xtian?”

“Dito nga. Sino ka?’


“Bjozh po” ang magalang kong sagot.

Agad naman akong pinapasok. “Tawagin mo papa mo, sabihin mo may naghahanap sa kanya.” Tama ba ang narining ko. Anak ba niya itong batang kanina ay nasa harapan ko. Nagkamali lang siguro ako ng pandinig. Maya-maya pa ay lumabas na siya kasama ang batang lalaki.

“Pasensiya ka na sa bahay naming, medjo magulo pa.”

“Mama ko nga pala”

“Magandang gabi po”

“Anak ko… Bless ka”


Tama nga ang narining ko kanina. Hindi sumagi sa hinagap ko na may anak na pala siya. Tinawag din niya ang kanyang asawa upang ipakilala sa akin.

“Misis ko si Gwen,.”

Maganda ang misis niya. Maputi, makinis. Kung hindi ako nagkakamali kahawig siya ni Jennnelyn Mercado. Kung sabagay artistahin din naman ang dating ni xtian..
Sa tingin ko ay halos limang buwan nang buntis ang misis niya. Muli siyang bumalik sa kwarto matapos maipakilala sa akin. Mahiyain daw ayon sa kanya.
Iniabot ko ang dala kong pagkain. Buffalo Wings at Carbonara na inorder ko sa Don Henricos. Kumain ka na ba ang tanong ng mama niya. Tamang-tama ngayon palang kami mag hahapunan. Sumabay ka na sa amin.

Hindi ko alam kung ano ang magiging pakiramdam ko. Kasalo ko sa kanilang hapag ang kanyang pamilya. Pinagsisilbihan. Nahiya naman akong bigla. Dumating din ang kaniyang kapatid na babae galing sa school.

Pagkatapos ng hapunan ay inalok ako ng kanyang ina at ama na mag inuman daw kami. Hindi na ako nakahindi sa kanila. Nakakahiya naman kung mag iinarte pa ako.
Matador ang malimit nilang iniinom. Matapos ang ilang shots ay iniwan na kami ng kanyang mga magulang, magpapahinga na daw sila kaya’t kaming dalawa nalang ang naiwan sa kusina habang ang kanyang kapatid ay nanonood sa sala samantalang ang kanyang dyowa ay pumasok na sa kanilang kwarto upang makapag pahinga na rin.
Sinilip muna niya ang kanyang mag-ina, pagbalik niya ay naka short na lang siya. Maganda ang hubog ng kanyang pangangatawan. Naiilang tuloy akong tumigin sa kanya. Napansin siguro niya ang manaka-naka kong pagsulyap sa kanyang katawan.

Hindi ko namalayan malalim na pala ang gabi.

“Dito ka na matulog, gusto mo tabi tayong tatlo ng misis ko”

“Gabi na, kailangan ko na siguro umuwi”

“Maya na dito ka na nga matulog, bakante naman yung isang kuwarto” “Samahan kita”.


Humaba pa nga ang aming kuwentuhan. Halos na ikuwento na niya lahat tungkol sa magulang niya, sa kapatid niya at ang tungkol sa maaga niyang pag-aasawa.
Nag paalam siya. Maliligo daw muna siya para presko pag tulog. Ibinilin muna niya ako sa kapatid niya na kasalukuyang nanonod.

Hindi ko na mapigilan ang aking antok, dala na rin siguro ng aking nainom.

------

Naalimpungatan ako, umaga na pala. Pagmulat ng mga mata ko ay wala ako sa aking sariling silid. Muli kong ipinikit ang aking mga mata at saka muling iminulat, nagulat ako na katabi ko pala siyang natulog. Wala siyang saplot bukod sa putting underwear na tumatakip sa kanyang kaselanan..

Wala akong maalala… napasobra siguro ang pag kainom ko kagabi…
Pinagmasdan ko siya, mahimbing parin ang kanyang pag kakaidlip. Hindi ko na siya ginising pa. Lumabas ako ng silid. Nag hahanda na ng almusal ang kaniyang ina. Ang kanyang asawa ay mahimbing parin sigurong natutulog sa kanilang silid kasama ang kanilang anak na lalake.

-------
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...