Wednesday, June 16, 2010

Paghihintay


Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ikaw ay aking makapiling. At ngayong nandito ka na tila ba may kulang pa…

Hinintay ko nang kay tagal ang isang katulad mo. Ang taong makakaunawa sa akin, ang taong mag bibigay respeto at pagmamahal na hindi masusukat sa mga bagay na materyal

Akala ko ay ikaw na nga iyon..

Naging masaya ako sa iyong pagdating. Hindi maikukubli ang tuwang pumapaimbulog sa aking puso. Binigyan mo nang kulay ang mundo kong mapanglaw. Nilagyan mo ng himig ang matamlay kong  ginagalawan. Pinaramdam mo sa akin na kahalagahan nang aking pagkatao – dahil diyan minahal kita nang higit kanino pa man..

Nalunod ako sa atensiyong ibinahagi mo sa buhay ko…

Ako ang nakalimot… Nagdaan ang maraming mga araw, ang mahabang sandali na tayo ay magkapiling.. Nabulag ako sa mga pangako mo, sa mga paglalambing mo.. Hanggang sa dumating ang araw na inaabuso mo na ang kabaitan ko. Binaliwala ko lang lahat nang ito..

Habang tumatagal unti-unting nawawala ang respeto. Sumibol ang mga pagdududa mo.. Nasasakal na ako.. Noong una, kinakaya ko.. pero sinasagad mo ako, hindi na ako makahinga, ikamamatay ko.

They say - some good things never last.. hindi ako umasang itoy magwawakas..

Ngayo’y handang isuko ang lahat nang mga pinagsamahan, ayokong lumuha nang dahil sa’yo.. hindi ako naghintay upang masaktan nang ganito.. sabi ko nga, hindi ko kakayanin kaya’t ngayon palang kalimutan mo na ako.. burahin mo na ako sa mga ala-ala mo dahil sa pagkakataong ito hindi na kita muling hihintayin..

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...