Friday, June 18, 2010

Ikaw (?)

Ikaw.. Oo ikaw nga.. Kilala mo ba sarili mo? Nasubukan mo na bang humarap sa salamin? Kung oo, nakilala mo ba ang nasa harap mo? Maaring sasabihin mo ay “OO” subalit nagkakamali ka.. hindi mo kilala ang sarili mo, dahil nakikita mo lang ang nais makita at paniwalaan ng mga mata at isip mo.. Hindi ka perpekto kaya huwag kang umasta na akala mo kung sino… Huwag kang mag malinis dahil may bahid ka rin ng dungis.. hindi mo ba nakikita balatay na sa pagmumukha mo ang marka ng iyong pagkatao…

Aaminin ko, wala ako sa lugar para husgahan ka… lalo't higit wala ka rin sa lugar para husgahan ako at ang kahit na sino pa man…

Lahat naman tayo ay may pagkakamali.. lahat tayo ay nagkakamali…

Kung hindi mo gusto ang nakikita mo, kung hindi mo gusto ang mga taong nakakasalamuha mo, manahimik ka na lang, hindi dahil sa ayaw mo sa kanila, sisiraan mo na sila, gagawan ng kuwento at sasabihin sa ibang iwasan sila.. mali ka naman doon..

Bakit hindi mo na lang kasi problemahin ang sarili mo.

Dahil hindi mo kaya..
Dahil kahit ang sarili mo hindi ka gusto..
Dahil hindi lang ang ugali mo ang problema sa’yo

Alam mo ba kung ano????

Dahil malaking problema din ang pagmumukha mo.. Iniisip ko nga bihira ka lang humarap sa salamin..

Dahil pag nakita mo ang sarili mo, kakamuhian mo rin ito. Baka nga basagin mo  pa ang salamin sa harapan mo... 

Nakakaawa naman ang salamin... 

Payo ko sa'yo burahin mo na lang ang mukha mo...

OO ikaw nga...
(Chaka)

2 comments:

Anonymous said...

bjozh - hehe tumpak yan sa maraming tao. masyado mapanghusga at akala mo kung sino. akala mo perpekto sila pero may mga dungis din naman at may sariling mga problema. ayaw na lang sarili nila pakialaman nila at intindihin nila hehehehe. +1 ako sa bjozh

Anonymous said...

Tama ka dyan.. Kaya bago mo punahin ang mali ng iba, punahin mo muna ang sarili mo, dahil maaring ang nakikita mo sa iba ay nakikita rin nila sa'yo..

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...