Tuesday, June 22, 2010

Lamat


Minsan naitanong ko: Nasaan na nga ba ang Tropa ngayon? Masaya sanang isiping buo pa ito gaya ng dati. Alam kong nandiyan lang sila - nandiyan lang ang iba. Maaaring may sarili na rin silang mundo at mga bagong kasama, ang mahalaga nandito pa rin ang ilang nakakaunawa kasama ang mga bagong kaibigan.

Gaya nga ng isang Serye sa telebisyon, nagtapos na ang unang season ng tropa. Kung paano ito nabuo, naging isa at naging magkakasama. Kung baga dito pa lang ipinakilala ang grupo at ang pagkakaroon ng simpleng conflict na kahit paano ay nagagawan ng kasagutan at ngayon nga sa kanyang pansamantalang pagwawakas at sa pagbubukas muli ng panibagong season, panibagong grupo na ang lalabas. Ang dating ISA ay nahati sa DALAWA. Lumabas na ang mga tunay na ugali, lumabas na ang mga kontrabida, ang bida at mga hindi gaanong bida. Meron na ring mga bagong extra, este miyembro pala.

May mga intrimitidang eeksena, sa halip na makatulong ay nakakapagpalala pa ng mga sitwasyon.. Feeling concern, pero papapel lang naman.. Magsama-sama nga sila.. Diyan naman sila magaling eh...

-----

Saan nga ba ako kabilang?? Sa grupo ba ng mga, ano nga ba ang tawag sa kanila??  Ang samahan ng EWAN daw,  o sa kabilang grupo kung saan may pagka MASA ang dating (xempre dito ako) madali kasi silang pakisamahan, madaling mag-udjust sa ugali ng isat-isa, walang masyadong ere, simple lang kung baga at lalo't higit walang kasamang kalawang.. Maganda man ang samahan ng unang grupo kapag nandoon ang latak, wala, umay ang mangyayari.. ang lahat magmumukhang latak kahit sabihin pang tining ito.

Pero, xempre mas masaya kung mabubuo ulit ang dating tropa kasama ang mga bago nating mga kakilala. Pero, sa tingin ko malabo na itong mangyari. Bakit? Eh kasi nagkalamat na ang samahan. Nabihisan na ng pag-aalinlangan at nawala na rin ang tiwala at pagpapahalaga (nang ilan).

---------

Mabuo man ito, muli mang magkasama-sama, hindi na ito magiging tulad ng dati. Buo man ay may lamat pa rin.. mananati ang LAMAT  na nilikha ng hindi pagkakaunawaan at paninira. Marupok na, any moment bibigay ito at tuluyang mababasag…

Kaya’t mas mabuti pang hayaan na lang ganon. Pabayaan na lang at kalimutan ang mga nangyari..

Ang mahalaga masaya na ang bawat isa..
Ang mahalaga malinis ang iyong konsensiya…
Ang mahalaga wala kang tinatapakan at naaagrabiyado…
Ang mahalaga napatawad mo na sila (kung sino man ang nagkamali)
Ang mahalaga naka move-on kana…
Ang mahalaga may kasama kang bagong TROPA..



No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...