Wednesday, June 16, 2010

Kwentong-Tagay Lang

Pare bakit ganon? Nagulat ako sa mga sinasabi ni Jose tungkol sa’yo. Hindi ba tropa tayo? Bakit ganoon nalang kung siraan ka sa harap namin?

Hindi ko rin nga alam kung ano ang nagawa ko sa kanya. Simula nang malaman ko rin ang tungkol dyan ay umiwas na ako sa kanya. Hindi ko kayang makipag-plastikan sa kanya. Alam mo pare sa lahat siya ang tinuring kong kasangga, pero siya pa pala ang tatapak sa akin.

Bakit nga ba? Saan ba nagsimula yan? Alam mo kung concern siya sa’yo, kung may napapansin man siyang hindi maganda sa mga ginagawa mo, sana ay kinausap ka niya upang ikaw ay mapayuhan – sa halip ay ikinatutuwa pa niya ang kasiraaan mo.

Oo nga eh. Hindi ko rin lubos na maisip kung bakit siya ganon. Kaya nga hindi na ako sumasama sa tropa kung kasama siya.. Ipinaalam ko rin naman ito sa tropa na madalas niyang nakakasama.

Maraming beses na niyang ginagawa sa akin ‘yan na kadalasan ay itinatanggi niya. Binibigyan ko pa rin ng puwang ang pagiging mag kumpare namin kahit kaya kong isampal sa mukha niya ang katotohanan nang pinaggagawa niya sa akin..

Para sa akin isa siyang kalawang na sisira sa kahit anong samahan…

---------------

Nakakaiinis na yang Best Friend mo. Sa tuwing magkikita kami ay wala nang ibang ginawa kung ‘di ang manumbat. Okay lang sana kung isa o dalawang beses niya ginawa eh, kahit pa nga ulitin pa niya sa ikatlong pagkakataon, mapapalampas ko, pero nakakaumay na siya eh. Nasagad na ang pag-unawa ko sa sitwasyon. Sasabayan pa ni Jose nang panggagatong. Sadya talaga yatang buhay na niya ang maging isang kalawang.

Ay naku Lola, sagad na rin ang pasensiya ko sa kanya. Sinubukan kong unawain siya, kung anu man ang hinaing niya kung bakit siya ganon. Pero wala pa rin.. Ganoon talaga sila kasiyahan na nila ang mang-umay nang tao.

Hindi naman daw pala siya galit sa inyo, ang sabi niya nang minsan kaming nagkausap kayo daw ang umiiwas sa kanya. Sabi pa: Oo nga, sumama nga ang loob ko sa inyo, sa palagay niyo ba i-tetext niya kayo para imbitahan sa isang pagdiriwang kung may sama siya ng loob sa inyo.

The point is, papansinin ba naman niya kami kung pupunta kami. Sa pakiramdam ko hindi. Una, siya ang hindi namamansin sa amin tapos parang wala lang na mag-iimbita siya.. Plastikan lang ang mangyayari kaya mas mabuti na hindi na lang kami pumunta. Given na nag text siya sa lahat ng tropa - for the benefit of the doubt ginawa niya ‘yon para lang walang masabi..

--------------

Wala na ang tropa ngayon eh noh, kanya-kanya na?!?

Parang ganon na nga.

Wala na ang tropa. (may halong diin ang pag kakasambit niya ng mga salitang ito). Ano ba ang ipinakisama naming sa inyo na hindi maganda ha? Hindi ko inaasahan na mangyayari ito, gumagawa kayo ng ibang tropa hindi niyo man lang kami na abisuhan ha. Nakakasama kayo ng loob.

Iyang si lola namumuro na sa akin yan. Sa lahat, hindi ko inaasahan na siya ang gagawa nito – ang manguna sa pagiwan sa tropa.

Gumagawa kayo ng sarili ninyong mga lakad, siya pa ang promotor. Lahat nakakainis pa lahat niyaya niya samantalang andoon ang asawa ko hindi man lang niya nasabihan.. Kayo-kayo na lang ba..

May pasulat-sulat pa siya sa iyo. Ano ayaw niyang iparinig ang pinaplano niyo. Ilang beses na niyang ginawa ito. Sa pagkakataong ito napuno na talaga ako.

Isa pa yang sister mo, namumuro na rin yan sa akin…

Una.. Nag Splash kayo..
Pangalawa nalaman kong may regular session kayo.
Pangatlo lumakad kayo sa Baguio. May usapan tayo diba tapos malalaman ko may sarili na kayong lakad. Nagawan pa niya ng paraan si Mrln sumama..

Sige iyan pala ang gusto niyo eh.. mag kanya-kanya na lang tayo..

---------------------

Pati nga ako nadadamay eh. Wala naman akong ginagawa sa kanila. Napaka awkward nga ng pakiramdam sa opisina. Lalo na pag andoon silang lahat, ginagawa nilang tambayan ang opisina – kuwentuhan, kung minsan may halong pagpaparinig pa. Hindi ko na nga lang pinapansin.

Ako naman ang hindi ko nagugustuhan sa kanila, although hindi naman masama ang loob ko sa kanila ay yung mga banat nilang – Bakit andito yan? Bakit kasama si **? Simpleng biro na pwede namang palampasin pero kung uulit-ulitin na parang ipinaparamdam sa iyo na hindi ka welcome – iyon na ang nakaka-offend.

Ganoon talaga ang mga ugali nila, kaya kung hindi mo kayang sakyan, sorry ka na lang..
----------

Gusto mo bang uminit ang ulo mo? Ang sister nag post na naman sa FB.

Sumosobra na talaga yang eh.. pati si ano inaaway sa FB. Akala mo naman BF niya si ano.. Nahihibang na talaga, sala na sa hulog.

Eh nabasa mo ba yung latest nyang status? Nag-comment nga ang lola eh.. parang punapalabas na kayo daw ang nagkukuwento sa iba nang hindi pagkakaunawan ng tropa.

At kami pa ang may problema? Kami pa ba ang lalapit sa kanila para magpaliwanag?

Toink!! May nag text: Sabihan niyo yang sister niyo na tigilan na ang pagpo-post ng status sa FB.

Bakit ba? Hindi naman para sa kanila ang status ko ah. Wala siyang karapatang pigilan ako sa ginagawa ko. Lalo pa’t ito lang ang outlet ko para mailabas ang mga sama ng loob ko, sa mga issues ko sa ibang tao na wala naman silang kaugnayan. Sorry nalang kung nakakarelate sila, meaning: guilty sila somehow..

----------

Tantanan na nga natin sila.. Wag na lang muna natin silang pag-usapan. Sumasakit ang ulo sa kanila.

O siya sige na nga…

Tagay muna.. Ubos na ba? Gusto ko pa.. Hik.. hik..

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...