Tuesday, June 22, 2010

Lamat


Minsan naitanong ko: Nasaan na nga ba ang Tropa ngayon? Masaya sanang isiping buo pa ito gaya ng dati. Alam kong nandiyan lang sila - nandiyan lang ang iba. Maaaring may sarili na rin silang mundo at mga bagong kasama, ang mahalaga nandito pa rin ang ilang nakakaunawa kasama ang mga bagong kaibigan.

Gaya nga ng isang Serye sa telebisyon, nagtapos na ang unang season ng tropa. Kung paano ito nabuo, naging isa at naging magkakasama. Kung baga dito pa lang ipinakilala ang grupo at ang pagkakaroon ng simpleng conflict na kahit paano ay nagagawan ng kasagutan at ngayon nga sa kanyang pansamantalang pagwawakas at sa pagbubukas muli ng panibagong season, panibagong grupo na ang lalabas. Ang dating ISA ay nahati sa DALAWA. Lumabas na ang mga tunay na ugali, lumabas na ang mga kontrabida, ang bida at mga hindi gaanong bida. Meron na ring mga bagong extra, este miyembro pala.

May mga intrimitidang eeksena, sa halip na makatulong ay nakakapagpalala pa ng mga sitwasyon.. Feeling concern, pero papapel lang naman.. Magsama-sama nga sila.. Diyan naman sila magaling eh...

-----

Saan nga ba ako kabilang?? Sa grupo ba ng mga, ano nga ba ang tawag sa kanila??  Ang samahan ng EWAN daw,  o sa kabilang grupo kung saan may pagka MASA ang dating (xempre dito ako) madali kasi silang pakisamahan, madaling mag-udjust sa ugali ng isat-isa, walang masyadong ere, simple lang kung baga at lalo't higit walang kasamang kalawang.. Maganda man ang samahan ng unang grupo kapag nandoon ang latak, wala, umay ang mangyayari.. ang lahat magmumukhang latak kahit sabihin pang tining ito.

Pero, xempre mas masaya kung mabubuo ulit ang dating tropa kasama ang mga bago nating mga kakilala. Pero, sa tingin ko malabo na itong mangyari. Bakit? Eh kasi nagkalamat na ang samahan. Nabihisan na ng pag-aalinlangan at nawala na rin ang tiwala at pagpapahalaga (nang ilan).

---------

Mabuo man ito, muli mang magkasama-sama, hindi na ito magiging tulad ng dati. Buo man ay may lamat pa rin.. mananati ang LAMAT  na nilikha ng hindi pagkakaunawaan at paninira. Marupok na, any moment bibigay ito at tuluyang mababasag…

Kaya’t mas mabuti pang hayaan na lang ganon. Pabayaan na lang at kalimutan ang mga nangyari..

Ang mahalaga masaya na ang bawat isa..
Ang mahalaga malinis ang iyong konsensiya…
Ang mahalaga wala kang tinatapakan at naaagrabiyado…
Ang mahalaga napatawad mo na sila (kung sino man ang nagkamali)
Ang mahalaga naka move-on kana…
Ang mahalaga may kasama kang bagong TROPA..



Monday, June 21, 2010

Lalaki sa Panaginip

Muli na naman akong dinalaw ng isang pamilyar na mukha sa aking panaginip. Matagal ko na siyang napapanaginipan, kung minsan ay halos gabi-gabi niya akong sinasamahan sa aking pagkakahimbing.

Sa dimensiyong iyon ng aking pagkakahimbing tila may isang damdamin ang namamagitan sa aming dalawa. Ewan ko, hindi ko rin sukat mawari dahil sa tuwing magbabalik ako sa katotohanan ay naiiwan ang kahit na anong mapagkakakilanlan sa kanya.

Hanggang ngayon ay nanatili siyang isang misteryo sa akin. Kahit ang pangalan niya ay hindi rumirehistro sa aking utak, although sa loob ng aking mga panaginip ay kilalang-kilala ko siya.

Hindi ko rin mailarawan ang kanyang wangis. Alam kong nagtataglay siya ng isang maamong mukha at magandang pangangatawan. Alam kong isa siyang mabuting tao.

Parang ngang mga tagpo sa isang pelikula ang bawat naming pagkikita. May blockings na sinusunod. Kalimitan ay nakatalikod siya sa aking diwa, kung minsan naman ay kalahati lang ng kanyang mukha ang nakarehistro. Magkaganon pa man, alam ko ang kanyang kabuuan.

Isang bagay lang ang hindi ko nalilimutan . Ang suot niyang singsing na may itim na bato. Palagi kasi niya itong suot sa tuwing kami ay magkikita. Isang bagay na hindi ko pa nakikita sa kahit saan o sa kahit na sino pa man. Tanging siya lang ang nagmamay-ari nito.

Hay!sino kaya siya sa labas ng aking panaginip. Kailan ko kaya siya makikilala?  Isa lamang ba siyang kathang isip? Mananatili na lamang ba siyang isang panaginip?

Paano kung piliin ko na lang na huwag magising, kung doon lang ang tanging lugar kung saan ko siya makakasama magpakailan man.

Pero, pero… mas maganda kung sa realidad ko siya makikilala..

Kaya gising na... hanggang sa muli na lang nating pagkikita…

Friday, June 18, 2010

Ikaw (?)

Ikaw.. Oo ikaw nga.. Kilala mo ba sarili mo? Nasubukan mo na bang humarap sa salamin? Kung oo, nakilala mo ba ang nasa harap mo? Maaring sasabihin mo ay “OO” subalit nagkakamali ka.. hindi mo kilala ang sarili mo, dahil nakikita mo lang ang nais makita at paniwalaan ng mga mata at isip mo.. Hindi ka perpekto kaya huwag kang umasta na akala mo kung sino… Huwag kang mag malinis dahil may bahid ka rin ng dungis.. hindi mo ba nakikita balatay na sa pagmumukha mo ang marka ng iyong pagkatao…

Aaminin ko, wala ako sa lugar para husgahan ka… lalo't higit wala ka rin sa lugar para husgahan ako at ang kahit na sino pa man…

Lahat naman tayo ay may pagkakamali.. lahat tayo ay nagkakamali…

Kung hindi mo gusto ang nakikita mo, kung hindi mo gusto ang mga taong nakakasalamuha mo, manahimik ka na lang, hindi dahil sa ayaw mo sa kanila, sisiraan mo na sila, gagawan ng kuwento at sasabihin sa ibang iwasan sila.. mali ka naman doon..

Bakit hindi mo na lang kasi problemahin ang sarili mo.

Dahil hindi mo kaya..
Dahil kahit ang sarili mo hindi ka gusto..
Dahil hindi lang ang ugali mo ang problema sa’yo

Alam mo ba kung ano????

Dahil malaking problema din ang pagmumukha mo.. Iniisip ko nga bihira ka lang humarap sa salamin..

Dahil pag nakita mo ang sarili mo, kakamuhian mo rin ito. Baka nga basagin mo  pa ang salamin sa harapan mo... 

Nakakaawa naman ang salamin... 

Payo ko sa'yo burahin mo na lang ang mukha mo...

OO ikaw nga...
(Chaka)

Wednesday, June 16, 2010

Paghihintay


Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ikaw ay aking makapiling. At ngayong nandito ka na tila ba may kulang pa…

Hinintay ko nang kay tagal ang isang katulad mo. Ang taong makakaunawa sa akin, ang taong mag bibigay respeto at pagmamahal na hindi masusukat sa mga bagay na materyal

Akala ko ay ikaw na nga iyon..

Naging masaya ako sa iyong pagdating. Hindi maikukubli ang tuwang pumapaimbulog sa aking puso. Binigyan mo nang kulay ang mundo kong mapanglaw. Nilagyan mo ng himig ang matamlay kong  ginagalawan. Pinaramdam mo sa akin na kahalagahan nang aking pagkatao – dahil diyan minahal kita nang higit kanino pa man..

Nalunod ako sa atensiyong ibinahagi mo sa buhay ko…

Ako ang nakalimot… Nagdaan ang maraming mga araw, ang mahabang sandali na tayo ay magkapiling.. Nabulag ako sa mga pangako mo, sa mga paglalambing mo.. Hanggang sa dumating ang araw na inaabuso mo na ang kabaitan ko. Binaliwala ko lang lahat nang ito..

Habang tumatagal unti-unting nawawala ang respeto. Sumibol ang mga pagdududa mo.. Nasasakal na ako.. Noong una, kinakaya ko.. pero sinasagad mo ako, hindi na ako makahinga, ikamamatay ko.

They say - some good things never last.. hindi ako umasang itoy magwawakas..

Ngayo’y handang isuko ang lahat nang mga pinagsamahan, ayokong lumuha nang dahil sa’yo.. hindi ako naghintay upang masaktan nang ganito.. sabi ko nga, hindi ko kakayanin kaya’t ngayon palang kalimutan mo na ako.. burahin mo na ako sa mga ala-ala mo dahil sa pagkakataong ito hindi na kita muling hihintayin..

Kwentong-Tagay Lang

Pare bakit ganon? Nagulat ako sa mga sinasabi ni Jose tungkol sa’yo. Hindi ba tropa tayo? Bakit ganoon nalang kung siraan ka sa harap namin?

Hindi ko rin nga alam kung ano ang nagawa ko sa kanya. Simula nang malaman ko rin ang tungkol dyan ay umiwas na ako sa kanya. Hindi ko kayang makipag-plastikan sa kanya. Alam mo pare sa lahat siya ang tinuring kong kasangga, pero siya pa pala ang tatapak sa akin.

Bakit nga ba? Saan ba nagsimula yan? Alam mo kung concern siya sa’yo, kung may napapansin man siyang hindi maganda sa mga ginagawa mo, sana ay kinausap ka niya upang ikaw ay mapayuhan – sa halip ay ikinatutuwa pa niya ang kasiraaan mo.

Oo nga eh. Hindi ko rin lubos na maisip kung bakit siya ganon. Kaya nga hindi na ako sumasama sa tropa kung kasama siya.. Ipinaalam ko rin naman ito sa tropa na madalas niyang nakakasama.

Maraming beses na niyang ginagawa sa akin ‘yan na kadalasan ay itinatanggi niya. Binibigyan ko pa rin ng puwang ang pagiging mag kumpare namin kahit kaya kong isampal sa mukha niya ang katotohanan nang pinaggagawa niya sa akin..

Para sa akin isa siyang kalawang na sisira sa kahit anong samahan…

---------------

Nakakaiinis na yang Best Friend mo. Sa tuwing magkikita kami ay wala nang ibang ginawa kung ‘di ang manumbat. Okay lang sana kung isa o dalawang beses niya ginawa eh, kahit pa nga ulitin pa niya sa ikatlong pagkakataon, mapapalampas ko, pero nakakaumay na siya eh. Nasagad na ang pag-unawa ko sa sitwasyon. Sasabayan pa ni Jose nang panggagatong. Sadya talaga yatang buhay na niya ang maging isang kalawang.

Ay naku Lola, sagad na rin ang pasensiya ko sa kanya. Sinubukan kong unawain siya, kung anu man ang hinaing niya kung bakit siya ganon. Pero wala pa rin.. Ganoon talaga sila kasiyahan na nila ang mang-umay nang tao.

Hindi naman daw pala siya galit sa inyo, ang sabi niya nang minsan kaming nagkausap kayo daw ang umiiwas sa kanya. Sabi pa: Oo nga, sumama nga ang loob ko sa inyo, sa palagay niyo ba i-tetext niya kayo para imbitahan sa isang pagdiriwang kung may sama siya ng loob sa inyo.

The point is, papansinin ba naman niya kami kung pupunta kami. Sa pakiramdam ko hindi. Una, siya ang hindi namamansin sa amin tapos parang wala lang na mag-iimbita siya.. Plastikan lang ang mangyayari kaya mas mabuti na hindi na lang kami pumunta. Given na nag text siya sa lahat ng tropa - for the benefit of the doubt ginawa niya ‘yon para lang walang masabi..

--------------

Wala na ang tropa ngayon eh noh, kanya-kanya na?!?

Parang ganon na nga.

Wala na ang tropa. (may halong diin ang pag kakasambit niya ng mga salitang ito). Ano ba ang ipinakisama naming sa inyo na hindi maganda ha? Hindi ko inaasahan na mangyayari ito, gumagawa kayo ng ibang tropa hindi niyo man lang kami na abisuhan ha. Nakakasama kayo ng loob.

Iyang si lola namumuro na sa akin yan. Sa lahat, hindi ko inaasahan na siya ang gagawa nito – ang manguna sa pagiwan sa tropa.

Gumagawa kayo ng sarili ninyong mga lakad, siya pa ang promotor. Lahat nakakainis pa lahat niyaya niya samantalang andoon ang asawa ko hindi man lang niya nasabihan.. Kayo-kayo na lang ba..

May pasulat-sulat pa siya sa iyo. Ano ayaw niyang iparinig ang pinaplano niyo. Ilang beses na niyang ginawa ito. Sa pagkakataong ito napuno na talaga ako.

Isa pa yang sister mo, namumuro na rin yan sa akin…

Una.. Nag Splash kayo..
Pangalawa nalaman kong may regular session kayo.
Pangatlo lumakad kayo sa Baguio. May usapan tayo diba tapos malalaman ko may sarili na kayong lakad. Nagawan pa niya ng paraan si Mrln sumama..

Sige iyan pala ang gusto niyo eh.. mag kanya-kanya na lang tayo..

---------------------

Pati nga ako nadadamay eh. Wala naman akong ginagawa sa kanila. Napaka awkward nga ng pakiramdam sa opisina. Lalo na pag andoon silang lahat, ginagawa nilang tambayan ang opisina – kuwentuhan, kung minsan may halong pagpaparinig pa. Hindi ko na nga lang pinapansin.

Ako naman ang hindi ko nagugustuhan sa kanila, although hindi naman masama ang loob ko sa kanila ay yung mga banat nilang – Bakit andito yan? Bakit kasama si **? Simpleng biro na pwede namang palampasin pero kung uulit-ulitin na parang ipinaparamdam sa iyo na hindi ka welcome – iyon na ang nakaka-offend.

Ganoon talaga ang mga ugali nila, kaya kung hindi mo kayang sakyan, sorry ka na lang..
----------

Gusto mo bang uminit ang ulo mo? Ang sister nag post na naman sa FB.

Sumosobra na talaga yang eh.. pati si ano inaaway sa FB. Akala mo naman BF niya si ano.. Nahihibang na talaga, sala na sa hulog.

Eh nabasa mo ba yung latest nyang status? Nag-comment nga ang lola eh.. parang punapalabas na kayo daw ang nagkukuwento sa iba nang hindi pagkakaunawan ng tropa.

At kami pa ang may problema? Kami pa ba ang lalapit sa kanila para magpaliwanag?

Toink!! May nag text: Sabihan niyo yang sister niyo na tigilan na ang pagpo-post ng status sa FB.

Bakit ba? Hindi naman para sa kanila ang status ko ah. Wala siyang karapatang pigilan ako sa ginagawa ko. Lalo pa’t ito lang ang outlet ko para mailabas ang mga sama ng loob ko, sa mga issues ko sa ibang tao na wala naman silang kaugnayan. Sorry nalang kung nakakarelate sila, meaning: guilty sila somehow..

----------

Tantanan na nga natin sila.. Wag na lang muna natin silang pag-usapan. Sumasakit ang ulo sa kanila.

O siya sige na nga…

Tagay muna.. Ubos na ba? Gusto ko pa.. Hik.. hik..
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...