Miyerkules ng umaga, limang minuto nalang bago mag alas-otso ng umaga, malapit na ako ma-late sa pagpasok kayat nag mamadali ako, mabilis kong tinungo ang biometric para maka pag-in. Hay, salamat, sakto sa paglipat ng kamay ng orasan – alas-otso na...
Marami na rin mga kliyente ang nag iintay sa may lobby ng aking pinapasukan, doon ko napansin si Jake (hindi ko pa syempre alam ang pangalan niya, at that moment).. Tumigil muna ako ng ilang sandali sa may information desk para lang mapagmasdan ko siya. Maputi, Matangos ang ilong, hindi gaanong kalakihan sa tindig na 5”6, Medyo chubby ang pangangatawan.. at higit sa lahat cute siya sa malinis tignan sa suot niyang pang nursing..
Umaakyat na ako sa opisina. Hindi pa rin mawaglit ang rumihistro niyang ka-cute-an sa aking isipan… Sabi ko, marahil isa siyang applikante.. kaya’t makalipas siguro ang mga ilang oras ay pinuntahan ko ang opisina ng public employment para alamin kung doon nga ang sadya niya. Hindi naman ako nagkamali. Agad akong humingi ng kopya ng kangyang resume sa front liner ng opisina at hindi naman ako nabigo.
Simula din ng araw na iyon ay nag text ako sa kanya.. Sumagot naman siya ng ‘HU U?’ Ewan ko ba, hindi ko nagawang mag sinungaling sa kanya. Usually kasi pag may tinetext ako at tinanong kung sino ako, hindi ko sinasabi ang tunay kong pangalan. Palagi akong gumagamit ng screen name.. Hindi ko na rin naikaila ang preference ko... Okay lang naman daw sa kanya, hindi naman daw siya namimili ng magiging kaibigan..
Naging madalas ang aming pagpapalitan ng mga mensahe sa text.. Hanggang sa aming pagkikita.. Hindi tulad ng iba kong nakilala, naramdaman ko na totoo ang ipinakita niyang pagtanggap sa akin.
May ilang beses din kaming lumabas. Friendly date lang naman. Masaya siya kasama at medyo may kakulitan. Halos alam ko na ang lahat tungkol sa buhay niya.. Ang mga problema niya, ang kanyang pamilya. Humingi pa nga siya ng picture ko minsan, sabi niya pinagmamalaki daw niya ako sa kanyang mga kaibigan at kasamahan sa trabaho. Gusto daw niya ako ipakilala sa mga ito. Siyempre touch naman ako..
Bumibisita din siya sa bahay paminsan-minsan... Higit sa lahat maalalahanin siya, hindi siya nakakakalimot sa mga okasyong importante sa’yo. Palagi siyang may munting bagay na ibinibigay para batiin ka sa mga okasyon iyon.. Simple pero, pinaglaanan ng kanyang oras.
Lumipas pa ang mga araw… Isang taon..Dalawang taon.. hanggang sa ngayon.. hindi siya nagbabago...
Hanggang sa huli naming pagkikita… Hanggang sa kanyang paglayo…
No comments:
Post a Comment