Tuesday, February 9, 2010

Sa Aking Pagtulog

Mahimbing ang aking pagtulog. Nananaginip ako ng magandang bagay nang bigla nalang may naramdaman akong mabigat na bagay na nakadantay sa saking katawan. Hindi ako makakilos, sobrang bigat. Pilit akong gumagalaw ngunit hindi ko talaga magawa.. Pilit niya akong niyayakap, hindi ako makahinga.. Ang hirap, hindi ko maimulat ang aking mga mata.. pakiramdam ko gising na ako, pero naiiwan ang katawan ko.. At ang lahat ng nasa paligid ko ay nakabaligtad, umiikot.. Muli kong ipipikit ang mga mata, upang sa muling pag mulat ko ay ganon parin ang makikita….Sumisigaw ako…, waring walang nakakarinig.. Bingi ang buong paligid.. Patuloy parin sa pag bigat ang mistulang aninong yumayapos sa akin….pabigat ng pabigat.... gusto ko ng sumuko..gusto ko ng magising…

Nagsimula akong magdasal habang nilalabanan ang puwersang bumabalot sa akin.. Ilang ulit…paulilt-ulit akong umuusal ng panalangin, hanggang sa tuluyan kong maitaboy ang aninong nakaakap sa akin..Subalit sa muli kong pag-idlip muli siyang bumabalik. Paulit-ulit…

Hindi minsan lang nangyari ito, gaya ng sinabi ko muli siyang bumabalik... Paano kung sa muli kong pag-idlip, at sa muling pagdalaw ng aninong gumagapos sa aking pagkakahimbing ay hindi na ako magising….

Huwag naman sana.. sa aking pagtulog...

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...