Monday, February 15, 2010

Pagluha

Ilang beses na nga ba akong lumuha?
Isa..dalawa..tatlong beses.. hindi ko na mabilang.
Bakit nga ba? Para saan?

Luha para sa paglisan ng isang mahal sa buhay.
Para sa pagdadalamhati sa kanyang pagpanaw..

Luha para sa iyong pag-iisa at kalungkutan,
Habang naririnig mo ang iyong mga kasamang
masayang nagtatawanan..

Luha para sa mga kasawiang dulot ng mga
pagsubok na tanging sarili mo lang ang karamay,
habang ang iba ay sa’yo kumukuha ng lakas
para takasan ang kanilang mga problema.

Luha para sa tagumpay na iyong nakamit,
sa lahat ng iyong mga pagsusumikap at
pag pupunyagi, habang ang iba ay abala
sa kani-kanilang buhay..

Pero ano nga ba ang higit na mas masakit?
Ang pagluha sa mga ganitong pagkakataon
O ang pagluha dahil sa pag-ibig?

Ilang beses ba tayong paluluhain nito?
Isa… Dalawa... Tatlong beses.. o higit pa?
Mas masakit, dahil paulit-ulit…
Pilit mo mang pigilan, ito’y bumubukal

Sabihin mo mang hindi ka na luluha,
Wala kang magagawa, dahil pilit itong dadaloy
Ipikit mo man ang iyong mga mata
Sabayan mo pa ng iyong piping pag hikbi
Ikaw’y luluha….

Nang dahil sa isang taong hindi nag bigay sa’yo ng pagpapahala,
Nang dahil sa isang taong nag babalatkayo at patuloy kang pinaasa,
Nang dahil sa isang taong tanging sarili lang niya ang mahalaga,
Nang dahil sa isang taong pinaglaanan mo ng iyong pagkalinga,
Nang dahil sa isang taong iyong minahal..

..Nagmahal ka lang naman diba?
Bakit ka luluha?.... Bakit nga ba?

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...