Thursday, February 25, 2010

Handa Ka Na Ba?

Ang lahat ay may hangganan.. may patutunguhan.. may wakas… Ang bawat buhay ay may hantungan…

Darating ang panahong kailangan natin mag paalam upang lisanin ang mundong ating ginagalawan…Darating ang araw na iiwan natin ang ating mga mahal sa buhay..ang ating mga kaibigan.. ang lahat ng mga taong naging bahagi ng ating pamamalagi.

Handa ka na ba?.. Nagawa mo na ba ang lahat ng mga bagay na dapat sana ay ginawa mo?..Nasabi mo na ba ang dapat mong sabihin?..Pinagsisihan mo na ba ang lahat ng iyong pagkakasala?.. Humingi ka na ba ng paumanhin at pagpapatawad?.. Nakapagpatawad ka na ba sa mga nagkasala sayo?.. Kung hindi pa, kalian mo gagawin ang lahat ng ito?..

Hindi natin hawak ang ating bukas, kaya’t bawat araw ay dapat nating ipagpasalamat....bawat araw ay gawin nating makabuluhan hindi lamang para sa atin kundi para na rin sa mga taong mahalaga sa atin..

Kung ngayon man ang maging wakas ng sino man sa atin.. sana ay nakapagpatawad na tayo at nakapagsisi.. dahil hinihintay ka na niya sa kanyang kaharian!

Handa ka na ba????

Wednesday, February 24, 2010

Four Months

Apat na buwan na ang lumipas…Iniisip pa rin kita!
Apat na buwan na ang nagwakas...Mahal pa rin kita!
Apat na buwan na ang nagpaalam… Hanap pa rin kita!
Apat na buwan na ang lumimot…Ala-ala pa rin kita!

Apat na buwan pa lang, katumbas nang maraming taong pangungulila.
Nasaan ka na… tuluyan mo na ba akong nilisan?
Paano ngayon ang puso kong sa iyo’y naghhintay?
Puso kong ikaw lang ang laman…tanging ikaw..

Sinubok kong maging masaya sa kabila ng lungkot
Sinubok kong magmahal ng iba, para malimot ka,
Sinubok kong ngumiti sa pait ng pag-iisa,
Sinubok kong mabuhay nang wala ka…

Ano ba ang meron ka? Ano ba ang wala sila?
Bakit nakaya mo? Bakit madali lang sa’yo?
Apat na buwan lang..pero wala bang halaga sa’yo?
Marahil wala nga dahil bale wala lang sa’yo…

Hanggang kalian?
Ilang buwan pa ang bibilangin ko?
Paano? Ano ang gagawin ko?
Hindi ko magawa lalo pa’t nandito ka lang..

Apat na buwan na…

Tuesday, February 23, 2010

Sino nga ba ako???

Bata pa lang ako noon, hindi ko alintana ang mga tuksuhan… hindi ko binibigyan ng pansin ang mga bagay na kakaiba sa akin, para sa akin kasi isa akong normal na bata gaya ng karamihan, gaya ng aking mga kalaro, gaya ng aking mga kababata.. Wala naman kasi akong nakikitang pagkakaiba sa aming mga panlabas na kaanyuan… Maliban sa pagkakaiba ng babae at ng lalaki... Marahil ay manhid pa ang isip ko para maunawaan na sa kabila ng kaanyuan kong panlalaki ay nagkukubli ang ang puso ng isang babae..

Nagsimulang mabuksan ang aking kabatiran noong ako ay sampung taong gulang na... Marami akong tanong. Marami akong napapansing iba. Marami akong nararamdamang hindi normal na dapat maramdaman ng isang tunay na lalaki...

Si Oliver. Siya ang nagbukas ng manhid kong pang-unawa sa totoo kong nararamdaman. Sa totoo kong pagkatao. Sa kanya ko unang narinig ang salitang crush... Crush daw nya kasi ako..

CRUSH, ano ba iyon?? Hindi ko pa halos maintindihan ang katagang iyon. Para sa akin kasi, naiinis ako sa tuwing sasabihin niya yon, habang sinasabayan niya ng pagbibiro, halos araw-araw, sa tuwing kami ay magkikita. Masaya ako sa bawat araw na yon, hindi ko maikakaila sa akin sarili na gusto ko ang nararamdaman ko.. Kapag hindi ko siya nakikita, hinahanap ko siya.. CRUSH ko na rin siguro siya..

Sa kabila ng aking realidad na ako ay ako, nanatili akong tahimik. Iniisip ko pa rin na Lalaki siya at maaaring nagbibiro lang siya sa tuwing sasabihin niyang crush niya ako.. Kahit bata pa ako noon, alam ko na masasaktan lang ako kapag pinairal ko ang nagkukubli kong damdamin..

Maraming taon pa ang lumipas…

I was already working ng sundin ko ang dikta ng puso ko… binura ko ang katahimikan matagal na nag susumigaw.. Pinalaya ko na ang tunay na ako… Marami mang humahamak sa dalisay naming pagkatao, kakaiba man ang aming paniniwala. Lalaki ka man o babae, lahat tayo ay pantay-pantay - iisa lang ang mundong ating pinagsaasaluhan..

Sino nga ba ako?? Lahat tayo ay nilalang ng Dakilang Lumikha. Lahat tayo ay pinagpala.. lahat ay may sariling katauhan, lahat ay may angking kasarian… AKO ay AKO…ikaw kilala mo ba ang sarili mo????

Monday, February 15, 2010

Pagluha

Ilang beses na nga ba akong lumuha?
Isa..dalawa..tatlong beses.. hindi ko na mabilang.
Bakit nga ba? Para saan?

Luha para sa paglisan ng isang mahal sa buhay.
Para sa pagdadalamhati sa kanyang pagpanaw..

Luha para sa iyong pag-iisa at kalungkutan,
Habang naririnig mo ang iyong mga kasamang
masayang nagtatawanan..

Luha para sa mga kasawiang dulot ng mga
pagsubok na tanging sarili mo lang ang karamay,
habang ang iba ay sa’yo kumukuha ng lakas
para takasan ang kanilang mga problema.

Luha para sa tagumpay na iyong nakamit,
sa lahat ng iyong mga pagsusumikap at
pag pupunyagi, habang ang iba ay abala
sa kani-kanilang buhay..

Pero ano nga ba ang higit na mas masakit?
Ang pagluha sa mga ganitong pagkakataon
O ang pagluha dahil sa pag-ibig?

Ilang beses ba tayong paluluhain nito?
Isa… Dalawa... Tatlong beses.. o higit pa?
Mas masakit, dahil paulit-ulit…
Pilit mo mang pigilan, ito’y bumubukal

Sabihin mo mang hindi ka na luluha,
Wala kang magagawa, dahil pilit itong dadaloy
Ipikit mo man ang iyong mga mata
Sabayan mo pa ng iyong piping pag hikbi
Ikaw’y luluha….

Nang dahil sa isang taong hindi nag bigay sa’yo ng pagpapahala,
Nang dahil sa isang taong nag babalatkayo at patuloy kang pinaasa,
Nang dahil sa isang taong tanging sarili lang niya ang mahalaga,
Nang dahil sa isang taong pinaglaanan mo ng iyong pagkalinga,
Nang dahil sa isang taong iyong minahal..

..Nagmahal ka lang naman diba?
Bakit ka luluha?.... Bakit nga ba?

Si Jake

Miyerkules ng umaga, limang minuto nalang bago mag alas-otso ng umaga, malapit na ako ma-late sa pagpasok kayat nag mamadali ako, mabilis kong tinungo ang biometric para maka pag-in. Hay, salamat, sakto sa paglipat ng kamay ng orasan – alas-otso na...

Marami na rin mga kliyente ang nag iintay sa may lobby ng aking pinapasukan, doon ko napansin si Jake (hindi ko pa syempre alam ang pangalan niya, at that moment).. Tumigil muna ako ng ilang sandali sa may information desk para lang mapagmasdan ko siya. Maputi, Matangos ang ilong, hindi gaanong kalakihan sa tindig na 5”6, Medyo chubby ang pangangatawan.. at higit sa lahat cute siya sa malinis tignan sa suot niyang pang nursing..

Umaakyat na ako sa opisina. Hindi pa rin mawaglit ang rumihistro niyang ka-cute-an sa aking isipan… Sabi ko, marahil isa siyang applikante.. kaya’t makalipas siguro ang mga ilang oras ay pinuntahan ko ang opisina ng public employment para alamin kung doon nga ang sadya niya. Hindi naman ako nagkamali. Agad akong humingi ng kopya ng kangyang resume sa front liner ng opisina at hindi naman ako nabigo.

Simula din ng araw na iyon ay nag text ako sa kanya.. Sumagot naman siya ng ‘HU U?’ Ewan ko ba, hindi ko nagawang mag sinungaling sa kanya. Usually kasi pag may tinetext ako at tinanong kung sino ako, hindi ko sinasabi ang tunay kong pangalan. Palagi akong gumagamit ng screen name.. Hindi ko na rin naikaila ang preference ko... Okay lang naman daw sa kanya, hindi naman daw siya namimili ng magiging kaibigan..

Naging madalas ang aming pagpapalitan ng mga mensahe sa text.. Hanggang sa aming pagkikita.. Hindi tulad ng iba kong nakilala, naramdaman ko na totoo ang ipinakita niyang pagtanggap sa akin.

May ilang beses din kaming lumabas. Friendly date lang naman. Masaya siya kasama at medyo may kakulitan. Halos alam ko na ang lahat tungkol sa buhay niya.. Ang mga problema niya, ang kanyang pamilya. Humingi pa nga siya ng picture ko minsan, sabi niya pinagmamalaki daw niya ako sa kanyang mga kaibigan at kasamahan sa trabaho. Gusto daw niya ako ipakilala sa mga ito. Siyempre touch naman ako..

Bumibisita din siya sa bahay paminsan-minsan... Higit sa lahat maalalahanin siya, hindi siya nakakakalimot sa mga okasyong importante sa’yo. Palagi siyang may munting bagay na ibinibigay para batiin ka sa mga okasyon iyon.. Simple pero, pinaglaanan ng kanyang oras.

Lumipas pa ang mga araw… Isang taon..Dalawang taon.. hanggang sa ngayon.. hindi siya nagbabago...

Hanggang sa huli naming pagkikita… Hanggang sa kanyang paglayo…

Thursday, February 11, 2010

Villa Jon-She Private Resorts

Looking for a Special Weekend Getaway? Want a cool and relaxing Family Vacation? Searching for a Barkada Gimmick or office venue?
CHECK OUT THIS PRIVATE VACATION RESORT IN BRGY. POOC 2, SILANG, CAVITE!!!

*** Near Barangay Pooc 2 Water Tank; 200 meters away from San Antonio ng Padua***


- VILLA JON-SHE PRIVATE RESORT -

DAY TIME RATE: Php 8,000.00 (7:00 AM – 5:00 PM – 10 hrs)
NIGHT TIME RATE: Php 9,000.00 (6:00 PM – 6:00 AM – 12 hrs)
OVERNIGHT RATE: Php 16,000.00 (6:00 AM – 6:00 AM – 24 hrs)

ADULT - Php 100.00
CHILD - Php 50.00

**Package are maximum of 30 persons only
**Additional charge in excess of  30 persons

FACILITIES: (Package Covered)
- Mini Stage
- Kitchen
- Nipa House with 2 Bedrooms
- Nipa House with long table
- Billiard table
- Videoke
- Picnic table with torch
- 2 Swimming Pools
- 2 Air-conditiioned Rooms with CR



 

 FOR RESERVATION AND INQUIRIES
(Please contact)

JONAR R. ENCARNACION
Telephone No. (046) 484-6069
Mobile No. 0920-2212851

Tuesday, February 9, 2010

Sa Aking Pagtulog

Mahimbing ang aking pagtulog. Nananaginip ako ng magandang bagay nang bigla nalang may naramdaman akong mabigat na bagay na nakadantay sa saking katawan. Hindi ako makakilos, sobrang bigat. Pilit akong gumagalaw ngunit hindi ko talaga magawa.. Pilit niya akong niyayakap, hindi ako makahinga.. Ang hirap, hindi ko maimulat ang aking mga mata.. pakiramdam ko gising na ako, pero naiiwan ang katawan ko.. At ang lahat ng nasa paligid ko ay nakabaligtad, umiikot.. Muli kong ipipikit ang mga mata, upang sa muling pag mulat ko ay ganon parin ang makikita….Sumisigaw ako…, waring walang nakakarinig.. Bingi ang buong paligid.. Patuloy parin sa pag bigat ang mistulang aninong yumayapos sa akin….pabigat ng pabigat.... gusto ko ng sumuko..gusto ko ng magising…

Nagsimula akong magdasal habang nilalabanan ang puwersang bumabalot sa akin.. Ilang ulit…paulilt-ulit akong umuusal ng panalangin, hanggang sa tuluyan kong maitaboy ang aninong nakaakap sa akin..Subalit sa muli kong pag-idlip muli siyang bumabalik. Paulit-ulit…

Hindi minsan lang nangyari ito, gaya ng sinabi ko muli siyang bumabalik... Paano kung sa muli kong pag-idlip, at sa muling pagdalaw ng aninong gumagapos sa aking pagkakahimbing ay hindi na ako magising….

Huwag naman sana.. sa aking pagtulog...

Comfort Room

Marami na akong naririnig na mga kuwentong kalye patungkol sa mga kalaswaang nagaganap sa mga comfort room ng mga lalaki sa loob ng mga mall. Deadma ko lang ang mga ganoon kuwentuhan, kung minsan kasi exaggerated lang... Hindi rin naman ako sanay umihi sa mga urinals na nakahanay sa loob ng CR. I prefer using the cubicles, ewan ko ba mas comfortable kasi ang pakiramdam ko..

Isang araw habang nasa mall ako, somewhere sa South.. habang nag stroll kasama ng tropa, kinailangan ko mag CR. Nag paalam ako sa tropa.. it’s a regular mall day, wala gaano tao.. on my way to the comfort room hindi ko alam may kasunod pala ako. Since wala naman tao sa loob ng CR sa urinal ako umuhi. May katagalan ako umihi kahit pakiramdam ko tutulo na, hindi pa pala.. Napansin ko na lang may tumabi sa akin, deadma lang.. Napansin ko na lang na parang sumisilip siya..deadma pa rin ako, concentrate lang ako sa kailangan kong gawin..maya-maya pa dala siguro ng kalibugan ng lalaki sa tabi ko lumapit siya at itinutok ang kanyang galit na pagkalalaki. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga sandaling iyon.. Natakot ako, kahit hindi pa ako tapos ay minabuti ko nang lumabas... Hindi ko na nagawang tignan kung sino ang lalaking iyon, wala akong idea hanggang ngayon kung ano ang hitsura niya.. ang tanging nakita ko lang ang malaki niyang alaga…

Simula noon, hindi na ako gumagmit ng urinals… kahit ihing-ihi na ako, iniintay ko matapos kung sino man ang nasa loob ng cubicle… ayoko kasing mabastos muli...

Monday, February 8, 2010

Sa pagtatapos ng taon (karugtong)

Bumalik ako sa loob.. matutulog na daw siya, hindi pa daw ba ako uuwi.. Sabi ko sige magpahinga ka na lang muna, okay lang ako dito sa baba…Sige na umuwi ka na, ang muli niyang sambit… Lumabas ako muli, pero sa pagkakataong ito pinagsaraduahn na niya ako ng pintuan..wala na ako nagawa pa. Naghintay ako sa terrace, nag babakasaling muli niya akong papasukin. Lumipas ang ilang minuto… wala parin. May mensahe sa Cellphone ko, nag text pala siya…”Andiyan ka pa umuwi ka na”.. Nahabag ako sa sarili ko ng mga sandaling iyon.. Naalala ko ang aking mga kapatid na dapat ay kasama kong nagdiriwang, subalit ipinagpalit ko ganitong sitwasyon…

Kapiling ko ang mga gutom na mga lamok habang naghihintay ng oras.. habang kasalo ko ang mga malulungkot na awiting nag mumula sa aking cellpone… Hayz, isang oras na pala ang nakalipas, halos busog na ang mga lamok na kanina pa nag pipiyesta sa aking katawan..

Isang oras pa muli ang matiyaga kong pinalipas… sa pagkakataong ito minabuti ko nang umalis… nag bakasakaling mayroon na akong masasakyang pauwi…subalit wala ni isa man akong makita sa daan.. tahimik…nakabibingi…tanging malamig na simoy lang ng hangin ang siyang matiyagang dumamay sa aking paglalakad…Tanging mga bakas ng isang masayang pagdiriwang ang siya na lamang nagkalat sa daan….

Habang nilalakbay ko ang daan pabalik sa amin, naalala ko ang sinabi niya…”ikaw lang ang tanging pinapunta ko dito sa bahay, ikaw lang gusto ko makasama ngayong gabi. Sabay nating sasalubungin ang bagong taon”… Hayz, ang saya sana… Nang dahil lang sa mga text messages na kangyang nabasa, nag bago ang lahat…

Kasalanan ko ba? Marahil nga… Naging open naman ako sa kanya. Ang problema hindi niya kayang sabihin ang tunay niyang nararamdam sa akin…..

Maliwanag ang dahilan..nagselos siya….

Hanggang Kailan Ka Dapat Magmahal?

Mahal mo siya subalit may mahal na syang iba..
May mahal na siyang iba pero nag papakita sya ng motibo sa’yo..
Umasa ka, pinaasa ka naman niya.
Akala mo kayo na hindi pa pala.
Sinasabi niya mahal ka niya, pero nararamdaman mo ba?

Malambing siya kapag nag tetext kayo
Pero pag magkasama kayo parang may iba siyang mundo.
Sinusuyo ka niya, pag may kailangan siya
Kinikilig ka naman, inuuto ka lang pala.

Tanga ka ba, o sadyang mahal mo lang siya?
Hanggang kalian mo siya mamahalin?
Hanggang may luha ka pang mailuluha?
Hindi ka ba napapagod…hindi ka ba nasasaktan?

Tunay ka bang maligaya?
Masaya ka lang sa mga sandaling andiyan siya.
At kung sakaling malingat ka,
Iba na ang kanyang kasama.
Mahal ka ba niyang talaga?

Hanggang kalian ka dapat mag mahal?
Gumising ka…
Kalimutan mo na siya…
Walang namang mawawala sa ‘yo,
Pag nag patuloy ka ikaw ang talo...

Huwag mo sayangin ang pagmamahal na kaya mong ibigay.
Magtira ka..Ilaan mo sa iba na tunay na nagpapahalaga..
Mahalin mo ang sarili mo..
Sa ganitong punto..ikaw muna bago sila…

Dapat matuto ka na..
Dapat alam mo na…
Pag nagmal ka, kailangan kayong dalawa..
Hindi ikaw lang...
Kailangan mahal ka rin nya…

Sa araw ng mga puso - Isang pagluluksa

Tuwing ika-14 ng Pebrero ito. Ipinakikita natin sa ating mga mahal sa buhay kung gaano natin sila inaalala. Ipinakikita rin natin ang kahalagahan nila. Marami tayong ginagawang paraan upang ipakita ang ating pagmamahal. Nagkakaisa tayo sa pagdaraos ng pagdiriwang na ito. Nagbibigay tayo ng kard o anumang alaala sa araw na ito…

Subalit sa araw na ito, paano ko pa maipadadama ang aking pagmamahal sa isang taong sa aki’y nagbigay buhay.. Huli na para masabi ko sa kanya na mahal ko siya, huli na para ipadama ang pagpapahalaga na dapat ay noon ko pa naipakita sa kanya..

Hindi man ako lumaki kasama niya,..matagal man bago kami ay muling nagkasama..Wala man akong mga ala-ala na kami ay magkasama – meron man ay hindi ko talaga maalala...

Alam ko na ipinagmamalaki niya ako.. Hindi ko masusuklian ang mga bagay na ito.. Alam ko naging uliran siyang AMA. Marami rin siyang isinakripisyo para sa amin...Karapat-dapat lang na suklian ng mas higit na pagkalinga at pagmamahal…

Sa mga huling taon na kani ay nagkasama..pinagsisihan ko ang maraming sandali na hindi ko nasabi na mahal ko siya… na lubos akong nagpapasalamat dahil malaking bahagi siya kung ano man ako ngayon…

Huli na, dahil ngayon araw na ito…ako ay nagluluksa…nagluluksa ako sa kanyang pagpanaw…

Mahal kong AMA, saan ka man naroron ngayon, alam ko masaya ka…

HAPPY VALENTINE’s DAY….

Saturday, February 6, 2010

Sa pagtatapos ng taon

Isang taon na naman ang mabilis na nagpaalam. Isang taong puno ng mga ala-ala, mga karanasang magsisilbing aral... Inakala ko na matatapos ang taon sa isang masayang pagdiriwang,.. Dalawang araw bago sumapit ang bagong taon, dumalaw siya sa bahay (ipapakilala ko sya sa susunod kong kwento) ginagawa niya ito but not in a regular basis.. Tinanong niya ako kung saan daw ako mag celebrate ng New Year. Sabi ko sa bahay lang kasama ang isa kong kapatid na babae or baka sa bahay ng isa ko kapatid kasama ang kaniyang pamilya.. Sabi niya baka daw gusto ko mag celebrate kasama niya, mag isa lang daw kasi siya sa New Year, ang mga magulang at kapatid niya ay sa isang kamag-anak mag babagong taon, pakiusap niya.. Agad naman niya ako napapayag, sa madaling salita, hindi na ako nag isip pa, pinili ko makasama siya...


Eto na, disperas ng bagong taon, all is set, nagluto ako ng carbonara at fried chicken para pagsaluhan namin sa kanila, hindi naman ako masyado excited.. Ika-siyam na ng gabi, oras na para umalis ng bahay, hindi ko kabisado ang kanila, first ko kasi pumunta doon.. pagdating sa tapat ng gate andoon siya nag hihintay..


Habang hinihintay namin ang papalapit na paghihiwalay ng taon, habang pinapanood ang New Years countdown sa TV, hiniram niya ang cellphone ko..ipinahiram ko naman dahil may tiwala naman ako sa kanya..Balak ko sana burahin ang ilan sa mga mensahe nasa aking inbox, pero hindi ko na nagawa..nabasa niya lahat ng mga lagay doon..wala ko alam na sumama na pala ang loob niya dahil sa mga nabasa niya para sa akin kasi wala lang ang mga iyon...


Tinanong niya ako kung sino daw si Jake (hindi tunay na pangalan) sa cellphone ko, saan ko ito nakilala, matagal na ba daw kmi nag ttext, and sunod sunod niyang tanong sa akin...tinanong pa niya kung may nangyari na daw ba sa amin.. anong klaseng taong ito?.. nagseselos ba siya....

Three..Two..One..Happy New Year...malakas ang putukan sa labas, maingay, ang lahat halos nag kakaayahan..subalit sa loob ng bahay pawang katahimikan..nakakabinging katahimikan... matapos ang pagtatanong hindi na niya ako kinausap.. hndi nga namin nagawang batiin ang isa't isa ng Maligayang Bagong Taon...Hays, ano ba ito, hindi ba dapat masaya kami, dahil mag kasama kami..

Matapos ang ingay at putukan sa labas...matutulog na daw siya, umuwi kana ang sabi niya sa akin...tama ba ang narining ko, pinauuwi niya ako sa ganong oras...matutulog na daw siya...lumabas ako saglit upang masdan ang bakas ng kasiyahan sa labas..

Sa paglabas ko, hindi ko inakala na pagsasaraduhan niya ako ng pintuan....

(itutuloy)
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...