Saturday, August 28, 2010

Truth or Consequence?


Nagmamadali akong bumaba ng sinasakyan kong Jeep. Ayokong ma-late sa first class namin lalo pa’t may pagkastrikto ang professor namin sa araw na ‘yon. Paisa-isa ang pasok ng mga nagsisidatingan mga studyante ang iba ay mas inuuna pa ang pagtambay sa harapan ng gate ng school.

Pagpasok ko pa lang ay may napansin na akong kakaiba. Parang may nagmamatyag sa aking pagdating. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang mga matang nakamasid sa aking paglalakad palapit sa kinaroroonan ng aking mga classmate na parang walang balak na umattend  sa aming klase sa Advertising.

Sinalubong ako ng isa kong kaklase – si Dee, isa siya sa mga tinitilian ng mga kababaihan at kahit ng mga kabadingan sa campus. Guwapo si Dee, maputi, matangos ang ilong, may mapupulang mga labi. Campus hunk kung baga, at higit sa lahat matalino. Isa ako sa mga naunang naging kakilala niya at eventually isa sa mga naging malapit sa kanya simula nang mag-transfer siya dito.

Sinalubong niya ako, subalit blanko ang kanyang  mukha, lampas ang mga tingin na parang hindi niya ako nakikita. Although napapansin kong habang papalapit siya na sinusulyapan niya ako. Nang makalapit siya ay mabilis niya akong hinalikan, nahagip ng kanyang malambot na labi ang tagiliran ng labi ko. Bahagya akong natigilan para kasing may malakas na boltaheng dumaloy sa aking kamalayan, samantalang matapos niyang gawin iyon ay  patay malisyang tumalikod at bumalik sa kinaroroonan niya kanina. Sabay tawanan at kantiyawan. Ako naman ay saglit na natigilan sa aking kinatatayuan, dahil sa pagtataka at pagkagulat. Nang makarecover ako sa aking pagkabigla ay parang wala lang na nagpatuloy ako sa aking paglalakad hindi ko na sila pinansin at dumiretso na agad ako sa aming silid-aralan kung saan naghihintay ang iba pa naming mga classmate sa pagdating ng masungit naming professor.

Nagpasukan na rin ang tropa ni Dee sa loob ng class and he sits beside me. “okay ka lang? Huwag mo seryosohin ‘yong kanina ha. Naglalaro kasi kami kanina ng truth or consequence eh. Gago yung tropa, sabi halikan ko daw kung sino ang unang papasok sa gate ng school. Noong una ayoko pumayag pero nang makita kitang pumasok natuwa narin ako, kasi hindi naman nila ako titigilan hangga’t hindi ko ginagawa ang consequence ko. Buti na lang at nauna kang pumasok kung hindi baka ung kasunod mong guy ang nahalikan ko. Malamang nasapak ako noon.” Ang may halong kakukitang pagpapaliwanag sa akin ni Dee.

“Pero alam mo ba kung ano ang totoo.”

“Ang totoo, gusto kita matagal na. Hindi ko lang pinapansin kasi hindi dapat , para kasing hindi tama. Pero what I realized kanina, hindi ko pala ito matatakasan.”

“Alam mo rin ba kung ano ang totoo, gusto rin kita.”

--------

That’s the truth at sana walang mga consequences…

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...