Tuesday, February 8, 2011

SINCE BIRTH

Applicant:        Good Morning po! Dito po ba kumukuha ng form sa Iskolar?
Frontliner:        Taga-saan ka?
Applicant:        Taga-Carmona po.
Frontliner:        Matagal ka na ba naninirahan dito sa Carmona?
MGA ILANG TAON NA?

(the frontliner was expecting to hear: 15 to ++ years of residency or less than 15 years as an answer kasi nga naman ang tanong ay ilang taon na)

Applicant:        SINCE BIRTH po.

                        (Haler naman, as if the frontliner knows kung kailan siya ipinanganak.
May iba kasi na isinasagot ito dahil ito ang pinaka-safe na answer .

Pero common sense din naman dahil halos lahat ng applicants ay mga fouth-year high school students kaya pag sinabi nilang SINCE BIRTH, malamang nasa braket sila na 15-16 years)

**********

Hindi kasi maiwasan na may mga nanloloko para lang makakuha ng form. Gaya nito.

Frontliner:        Mga ilang taon na kayo dito naninirahan sa Carmona?
Applicant:        SINCE BIRTH po.
Frontliner:        Ilang taon nga?
Applicant:        Dito na po kasi siya nag kinder eh. (ang sagot ng magulang)
Frontliner:        Kaya nga po mga ilang taon na?
Applicant:        16 years old na po siya eh (ang sagot uli ng magulang)
Frontliner:        Dito po ba siya ipinangak?
Applicant:        Hindi po, pero iskolar na po yan ni mayor eh.
Frontliner:        Ilan taon na nga po?
Applicant:        Mga dalawang taon na po siya nang lumipat kami dito.
Frontliner:        So, ibig sabihin po nasa 14 years palang kayo dito naninirahan.
                   

                        (16 years less 2 years.... 
                          At balak pang umapila ng magulang ng applikante…
                         KAMUSTA NAMAN YON...)

...

1 comment:

LON said...

BAD CHEETAH ANG TAWAG DUN ;)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...