Friday, February 18, 2011

Panaginip o Bangungot?


Ito na siguro ang isa sa mahimbing kong pagtulog matapos ang halos isang linggong pakikipagbuno sa gabi-gabing pag-atake ng sinus con allergic rhinitis na kinakatakutan kong maging isang sintomas ng astma (huwag naman sana). 

Sa labis kong pagkakahimbing, nagising ako na nagmamadaling tinutungo ang liwasang bayan malapit na kasing magsimula ang isang programa na gusto kong masaksihan. Nagsisimula na ito ng marating ko ang liwasan. Nagpalinga-linga ako upang maghanap ng kakilala, sa bandang unahan ay may napansin akong pamilyar na mukha, Ah si Ervic.. Sa kanyang gawing likuran ay may bakanteng upuan. Nilapitan ko siya at binati pero taliwas sa aking inaasahan ako’y kanyang sinimangutan.  “Bahala ka sa buhay mo”, ang nasabi ko na lang sa isip ko.


Lumipas pa ang ilang saglit habang halos nasa kalagitnaan pa lang ang palatuntunan ay unti-unti na ring nag sisialisan ang mga manonood. Samantalang ang ilan ay nakatulog na sa kanilang kinauupuan. Pati ang nag susupladong si Ervic ay naidlip na rin. 

Wala na akong balak pang tapusin ang palabas, gusto ko na rin umalis pero bago pa ako nakatayo ay nilingon ako ni Ervic at may kung anong ibinubulong. Bulong na kahit na sinong matalas ang pandinig ay hindi maiintindihan. Bulong na pawang hangin at daing lang ang lumalabas.


Hindi ko siya pinansin at sa halip ay tumayo ako upang tuluyan nang umalis. Subalit mabilis na nakawakan niya ang aking kamay upang ako’y pigilan na naging sanhi ng pagkawalang balanse ng aking katawan.  Pahiga siyang natumba na kapwa magkadikit ang aming mga katawan.

Gusto kong tumayo pero parang naubos ang lahat ng aking lakas sa bigat ng pagbagsak niya sa akin. Noon ko lang naamo’y  ang alak sa kanyang hininga. Itinutulak ko siyang patayo pero mabigat talaga siya.

Nagulat nalang ako sa sunod niyang ginawa. Walang pasubaling hinalikan niya ang aking mga labi. Isang bagay na kahit na minsan ay hindi ko inisip na mangyayari. Napatingin ako sa aming paligid, may manaka-naka pa rin mga manonood sa palatuntunan, subalit parang hindi nila kami napapansin.

Mabilis ang sumunod na pangyayari. Wala na ang suot niyang guhitang polo shirt. Ang kanyang suot na khaki short ay bukas na rin. May isang matigas na bagay na pilit niyang ikinikiskis sa ibabang bahagi ng aking katawan.

Hindi ko siya magawang pigilan. Naganap ang ninanais niyang mangyari…

Ipinikit ko ang aking mga mata upang magtago sa kahihiyan.  Hindi ko alam kung paano ako tatayo ng hindi pagtitinginan ng mga taong naroon…

Ah, bahala na ang tangi kong nasabi. Minulat ko ang aking mga mata at ako’y binabangungot lang pala sa aking panaginip.. 


1 comment:

Anonymous said...

kailangan mag-check:)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...