“One more thing, maghapon tayong magkasama pero never natin pinakilala ang isa’t isa” Ang weird no..”
“Feeling ko kasi matagal na tayong magkakilala eh.. anyways, I’m Dereck”
-------
Hindi ako dalawin ng antok, paulit-ulit na bumabalik sa aking pandinig ang pangalan niya…
I’m Dereck…
Bakit hindi niya agad sinabi? Para tuloy akong nanliliit. Hindi ko alam kung makakaharap pa ako sa kanya ng maaayos matapos kong malaman na siya pala iyon.. matapos ang nangyari sa amin the other night..
Sinadya kaya niya na hindi sabihin dahil naaalangan siyang pag-usapan ito? Maaari ngang ganon… Ayoko ng isipin pa.
--------
Gusto ko siyang muling makita at makausap upang makapag-paalam at makapagpasalamat. Kung ano man ang nangyari sa amin ay hindi na mahalaga. Mananatili na lang isang bahagi ng aking panaginip ang mga sandaling iyon..
Kakatok sana ako nang biglang siyang nagbukas ang pintuan.
“Ikaw pala”
“May gusto sana akong sabihin sa’yo”
“Ahh.. ako rin ay may gustong sabihin sa’yo”
“Ganon ba.. baka gusto mong pag-usapan natin yan over a cup of coffee”
-------
Pinagpatuloy namin ang aming pag-uusap sa Coleman’s Café…
“Ano nga pala ‘yong sasabihin mo kanina”
“Wala naman, gusto lang sanang magpasalamat sa pagmamagandang loob mo sa akin the other night. I didn’t realized that it was you, kahapon ko lang nalaman”
“I thought you knew.” Kaya palagay na ang loob ko na hindi na muling banggitin ang tungkol dito” “Nahihiya nga rin ako sa’yo dahil sa ginawa ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko, may epekto na rin kasi ng alak ang sistema ko nang gabing yon.” “I am really sorry”. “Hindi ko na nga ini-expect na kakausapin mo pa ako after that, sorry talaga.”
“Kalimutan na natin yon."
-------
“Bukas na mga pala ang alis ko, babalik na ako sa Manila . Wala na rin namang dahilan para magtagal ako dito.”
“Isa nga rin yan sa mga gusto kong sabihin sa’yo, bukas na rin ang balik ko sa Manila . Tanggap kona na hindi na kami magkakabalikan pa ng girlfriend ko, kaya wala na rin halaga pa ang magtagal ako dito.” “Pero aaminin ko na naging masaya ako sa ilang araw na pananalagi ko dito sa Singapore … hindi ko man nakita ang pakay ko dito ay nakilala naman kita… dahil doon naging masaya na ako”
Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa mga tinuran niya… Hindi ko maamin na kahit paano ay naging masaya rin ang pananalagi ko sa Singapore nang dahil sa kanya. Ang isang buong araw na pinagsamahan namin ay katumbas ng hindi mabilang na araw.
-------
“Do you have plans tonight?”
“Bakit mo naitanong?”
“Wala, naisip ko lang na baka ito na ang huling araw na magkakasama tayo. Gusto ko sanang masulit ang nalalabi pa nating mga oras dito sa Singapore ”
“Anong binabalak mo gawin.”
“Let’s visit the park and watch the Dancing Fountain in Sentosa.”
-------
Bukas.. baka makalimot na tayo, pwedeng mag kanya-kanya..
na maaaring iyon na ang katapusan, kaya bago
pa mangyari ang lahat ng iyon gusto kong sabihin..
salamat.. binigyan kulay mo ang bakasyon ko..
na maaaring iyon na ang katapusan, kaya bago
pa mangyari ang lahat ng iyon gusto kong sabihin..
salamat.. binigyan kulay mo ang bakasyon ko..
-------
CHECK-OUT
DEPARTURE from Singapore Changi International Airport
------
ARRIVAL at Ninoy Aquino International Airport .
Bago kami tuluyang maghiwalay ay muli ko siyang pinasalamatan. Niyakap niya ako ng mahigpit na parang ayaw na niyang bumitaw.
Nakadama ako ng biglang kalungkutan dahil alam kong maaring ito nga ang huli naming pakikita – ngunit sa kabila nito ako’y umaasa na sana ay ito palang ang simula…
“Ingat”
“Hanggang sa muli nating pagkikita”
------
-the end-
No comments:
Post a Comment