Tuesday, July 13, 2010

Cool Off

Mas lalo yatang gumulo. Inakala kong makakaya ko ang kalimutan siya nang ganon na lang. Umalis man ako at nagkaroon ng panandalian kasiyahan sa piling ng iba, sa pagbabalik ko ay nandiyan pa rin siya. Hindi ko siya matatakasan, kailangan ko siyang harapin. Kailangan kong maging matatag sa magiging desisyon ko. Para sa akin ay tapos na ang lahat ng bagay na nag-uugnay sa amin. Ayoko na.

Kung paminsan-minsan ay kumokontra ang damdamin ko sa gusto kong mangyari, [sa dapat na mangyari] – ngayon ay paninindigan ko na ito. Masakit man sa damdamin, kilangan itong tanggapin.

Hindi ako bumibitiw sa relasyon namin dahil may minamahal na akong iba. Gusto kong bumitiw dahil, hindi na ako masaya sa piling niya.

Dumating sa point na nagsasawa na ako. Wala na ang dating spark na una kong naramdaman sa kanya -. Unti-unti na itong itong nanamlay.

--------

Sa akin ngang pagbabalik, ay muli siyang nagparamdam. Bago pa man ako umalis ay sinabi ko nang tapos na sa amin ang lahat. Na ayoko na sa kanya. Na ayaw ko na siyang makita.

Hindi niya pinanghawakan ang lahat nang iyon. Sa halip siya’y umasa na sa aking pagbabalik ay magkakaayos pa kami..

Ngayon nga ay nandiyan na naman siya at nangungulit..

Magkikita kami mamaya. Hindi ko na nga sana sasagutin ang mga tawag at text niya dahil iniiwasan ko ang pagkakataong muli kaming magkaharap. Subalit hindi ko rin siya natiis..

Pumayag akong makipagkita upang makapag-usapan nang maayos. Hindi upang makipag-balikan kundi upang magpaalam. Upang hingin ang kanyang pagsang-ayon..

Umaasa akong maiintindihan niya. Hindi naman ako lalayo, nandito lang naman ako kung sakaling kailanganin niya ang pagdamay ng isang kaibigan..

Nang isang KAIBIGAN… oo hanggang dito na lang [ngayon] muna ang kaya kong ibahagi sa buhay niya.

O sige na mga COOL OFF muna...

-----

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...