Tuesday, July 13, 2010

Cool Off

Mas lalo yatang gumulo. Inakala kong makakaya ko ang kalimutan siya nang ganon na lang. Umalis man ako at nagkaroon ng panandalian kasiyahan sa piling ng iba, sa pagbabalik ko ay nandiyan pa rin siya. Hindi ko siya matatakasan, kailangan ko siyang harapin. Kailangan kong maging matatag sa magiging desisyon ko. Para sa akin ay tapos na ang lahat ng bagay na nag-uugnay sa amin. Ayoko na.

Kung paminsan-minsan ay kumokontra ang damdamin ko sa gusto kong mangyari, [sa dapat na mangyari] – ngayon ay paninindigan ko na ito. Masakit man sa damdamin, kilangan itong tanggapin.

Hindi ako bumibitiw sa relasyon namin dahil may minamahal na akong iba. Gusto kong bumitiw dahil, hindi na ako masaya sa piling niya.

Dumating sa point na nagsasawa na ako. Wala na ang dating spark na una kong naramdaman sa kanya -. Unti-unti na itong itong nanamlay.

--------

Sa akin ngang pagbabalik, ay muli siyang nagparamdam. Bago pa man ako umalis ay sinabi ko nang tapos na sa amin ang lahat. Na ayoko na sa kanya. Na ayaw ko na siyang makita.

Hindi niya pinanghawakan ang lahat nang iyon. Sa halip siya’y umasa na sa aking pagbabalik ay magkakaayos pa kami..

Ngayon nga ay nandiyan na naman siya at nangungulit..

Magkikita kami mamaya. Hindi ko na nga sana sasagutin ang mga tawag at text niya dahil iniiwasan ko ang pagkakataong muli kaming magkaharap. Subalit hindi ko rin siya natiis..

Pumayag akong makipagkita upang makapag-usapan nang maayos. Hindi upang makipag-balikan kundi upang magpaalam. Upang hingin ang kanyang pagsang-ayon..

Umaasa akong maiintindihan niya. Hindi naman ako lalayo, nandito lang naman ako kung sakaling kailanganin niya ang pagdamay ng isang kaibigan..

Nang isang KAIBIGAN… oo hanggang dito na lang [ngayon] muna ang kaya kong ibahagi sa buhay niya.

O sige na mga COOL OFF muna...

-----

Monday, July 12, 2010

SENTOSA 4 - Ang Pagwawakas


“One more thing, maghapon tayong magkasama pero never natin pinakilala ang isa’t isa” Ang weird no..”

“Feeling ko kasi matagal na tayong magkakilala eh.. anyways, I’m Dereck”

-------

Hindi ako dalawin ng antok, paulit-ulit na bumabalik sa aking pandinig ang pangalan niya…

I’m Dereck…

Bakit hindi niya agad sinabi? Para tuloy akong nanliliit. Hindi ko alam kung makakaharap pa ako sa kanya ng maaayos matapos kong malaman na siya pala iyon.. matapos ang nangyari sa amin the other night..

Sinadya kaya niya na hindi sabihin dahil naaalangan siyang pag-usapan ito? Maaari ngang ganon… Ayoko ng isipin pa.

--------

Gusto ko siyang muling makita at makausap upang makapag-paalam at makapagpasalamat. Kung ano man ang nangyari sa amin ay hindi na mahalaga. Mananatili na lang isang bahagi ng aking panaginip ang mga sandaling iyon..

Kakatok sana ako  nang biglang siyang nagbukas ang pintuan.

“Ikaw pala”

“May gusto sana akong sabihin sa’yo”

“Ahh.. ako rin ay may gustong sabihin sa’yo”

“Ganon ba.. baka gusto mong pag-usapan natin yan over a cup of coffee”

-------

Pinagpatuloy namin ang aming pag-uusap sa Coleman’s CafĂ©…

“Ano nga pala ‘yong sasabihin mo kanina”

“Wala naman, gusto lang sanang magpasalamat sa pagmamagandang loob mo sa akin the other night. I didn’t realized that it was you, kahapon ko lang nalaman”

“I thought you knew.” Kaya palagay na ang loob ko na hindi na muling banggitin ang tungkol dito” “Nahihiya nga rin ako sa’yo dahil sa ginawa ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko, may epekto na rin kasi ng alak ang sistema ko nang gabing yon.” “I am really sorry”. “Hindi ko na nga ini-expect na kakausapin mo pa ako after that, sorry talaga.”

“Kalimutan na natin yon."

-------

“Bukas na  mga pala ang alis ko, babalik na ako sa Manila. Wala na rin namang dahilan para magtagal ako dito.”

“Isa nga rin yan sa mga gusto kong sabihin sa’yo, bukas na rin ang balik ko sa Manila.  Tanggap kona na hindi na kami magkakabalikan pa ng girlfriend ko, kaya wala na rin halaga pa ang magtagal ako dito.” “Pero aaminin ko na naging masaya ako sa ilang araw na pananalagi ko dito sa Singapore… hindi ko man nakita ang pakay ko dito ay nakilala naman kita… dahil doon naging masaya na ako”

Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa mga tinuran niya… Hindi ko maamin na kahit paano ay naging masaya rin ang pananalagi ko sa Singapore nang dahil sa kanya. Ang isang buong araw na pinagsamahan namin ay katumbas ng hindi mabilang na araw.

-------

“Do you have plans tonight?”

“Bakit mo naitanong?”

“Wala, naisip ko lang na baka ito na ang huling araw na magkakasama tayo. Gusto ko sanang masulit ang nalalabi pa nating mga oras dito sa Singapore

“Anong binabalak mo gawin.”

“Let’s visit the park and watch the Dancing Fountain in Sentosa.”

-------

Bukas.. baka makalimot na tayo, pwedeng mag kanya-kanya..
na maaaring iyon na ang katapusan, kaya bago
pa mangyari ang lahat ng iyon gusto kong sabihin..
salamat.. binigyan kulay mo ang bakasyon ko..


-------

CHECK-OUT

DEPARTURE from Singapore Changi International Airport

------


ARRIVAL at Ninoy Aquino International Airport.

Bago kami tuluyang maghiwalay ay muli ko siyang pinasalamatan. Niyakap niya ako ng mahigpit na parang ayaw na niyang bumitaw.  

Nakadama ako ng biglang kalungkutan dahil alam kong maaring ito nga ang huli naming pakikita – ngunit sa kabila nito ako’y umaasa na sana ay ito palang ang simula…

“Ingat”

“Hanggang sa muli nating pagkikita”

------

-the end-



Sunday, July 11, 2010

SENTOSA 3 - Wishing Well

I only have two days left to stay in Singapore pero parang ngayon palang magsisimula ang bakasyon ko. The first two days was more of a bitterness moment -- hindi ko dapat sinasayang ang pagpunta ko dito.

-------

I woke up the following day at six in the morning. Took an early shower at habang dinadama ko ang mainit na pagdaloy ng tubig aking katawan ay parang nararamdaman ko ang mga halik ni Dereck sa aking mga labi. Hindi ko malimutan ang banayad ngunit puno ng pagnanasang halik ng isang estranghero.

Shit, hindi ako dapat nagkakaganito. Hindi ako dapat nagpapadala sa isang walang kasiguruhang pangyayari, maaring sa panaginip ko lang nabuo ang nararamdaman ko dahil ang totoo dala-dala ko pa rin ang ala-ala ng taong iniwan ko. Ang taong pinipilit kong kalimutan.

--------

I left the hotel and took a taxi to Resorts World Sentosa-Universal Studio.

I have my itinerary ready, in the morning I did the Shrek 4D Adventure and the Donkey Live at Far Far Away. I stopped at the wishing well, wala naman sigurong masama kung i-try kong mag wish. I have two wishes... one…two…

“Sana matupad ang mga hinihiling mo.”

Nilingon ko ang pinagmulan ng boses sa likod ko. Ang lalaking nakabangga at tumutuloy sa iisang hotel na tinutuluyan ko. Hindi ko na siya sinungitan this time. Mukha naman kasi siyang mabait at palakaibigan.

“Baka gusto mo rin mag wish?”

--------

“Ano nga palang ginawa mo dito sa Singapore?”

“Sinundan ko kasi ang girl friend ko dito eh, naalala mo ng mabangga kita sa airport, nagmamadali ako kasi, excited akong makita at makausap siya”

“Ganon ba, kamusta naman pagkikita nyo”

Biglang may lungkot na gumuhit sa mukha niya. “Actually, pinagpalit na niya ako sa iba. Bago pa man ako pumunta dito ay alam ko na. Gusto ko sanang kausapin siya para ipaliwanag kung bakit niya nagawa sa akin ‘yon, mahal na mahal ko kasi siya… pero na-realize ko na hindi na kailangan, wala nang saysay pa na magkita pa kami, kaya eto nag-iisa ako.”

“I am sorry to hear that”

“okay lang” “ikaw ba ano ginagawa mo dito sa Singapore?” Napansin ko kasi na parang malalim ang iniisip mo, parang may gumugulo sa ‘yo. Halata kasi sa mga mata mo na may dinaramdam ka”

“Halata ba? Pero tama ka, may tinatakasan kasi ako. Meron akong gustong kalimutan.” “Pero pasensiya ka na ha, ayoko na kasing pag-usapan pa ang tungkol dito.”

“Ano nga pala ang plano mong gawin ngayon”

“Bahala na… bahala na kung saan ako dalhin ng aking mga paa.” “Sige maiwan na kita and thanks for the small talk.”

“Wait, puwede ba kitang samahan”

“Ikaw ang bahala”

---------

We watched the Water World stunts show at the Lost World. After the stunts show it was already 1 pm, so we had our lunch at the Discovery Food Court.

Later, it started raining. We walked to Ancient Egypt site, we did the Revenge of the Mummy, an indoor roller coaster, then walked to Hollywood, and we stayed indoor watching a monster rock-n-roll musical performance in the Pantages Hollywood Theater.

After that, it was almost 6:30 pm.

We left the park and had our dinner at Marina Square before going back to the hotel.

--------

“Thanks for the company”

“Salamat din sa pagsama mo sa akin” “By the way, familiar kasi ang scent ng perfume mo eh, nahiya naman akong itanong sa’yo kanina, is that Black Code?”

“Yap, ayaw mo ba nang amoy?”

“No, may naalala lang ako”

“One more thing, maghapon tayong magkasama pero never natin pinakilala ang isa’t isa” Ang weird no..”

“Feeling ko kasi matagal na tayong magkakilala eh.. anyways, I’m Dereck”

“I’m Bjozh”

(Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Siya ang taong naghatid sa akin kagabi, pero bakit hindi niya sinabi sa akin)

‘Hey, are you ok”

“I’m sorry, napagod lang siguro ako’

“Sige Goodnight”

-------

(may karugtong)


Friday, July 9, 2010

SENTOSA 2 - Black Code

I spend the whole night at the Backstage Bar drinking Jack Daniel and Captain Morgan Double Tall. Gusto kong lunurin ang sarili ko sa presensiya ng alcohol. Gusto kong malimot ang aking kabaliwan, gusto ko siyang kalimutan..

“one more shots of Jack Daniel please.”

Nagsisimula nang umikot ang aking paningin. Halos hindi ko na mabilang kung nakalilang shots na ako. Pakiramdam ko’y malapit na akong bumigay.

I stay for a few more minutes  before I decided to leave. I get a little lost on the way to the hotel, I almost passed out,

“Can I help you?” said a voice behind him.

Hindi na niya hinintay ang tugon ko at agad niya akong inalalayan na para bang alam na alam niya kung saan ako dadalhin. Pinagkatiwala ko ang sarili ko sa isang estranghero dahil wala na akong choice - I was so fucking drunk.

--------

He took my arms over his shoulders and held me close to his body with his strong hands. The feeling of his body on mine sent waves through my whole body, para akong nahihimasmasan.

Dinala niya ako sa kuwarto hanggang sa maihatid niya ako sa kama. Hindi na niya nagawang magbukas pa ang ilaw dahil sa pagkakabitbit niya sa akin. Pabagsak akong nahiga sa kama, he was still holding me, nawalan siya ng balance kaya’t sabay kaming natumba.

Nagtama ang aming mga mata and he grace my lips with a gentle kiss. Masarap siyang humalik, kahit may tama ng espiritu ng alak ang sistema ko ay dama ko ang kanyang pagnanasa. Napapikit na lang ako at…

--------

I woke up the next day in my own bed, wala na siya. Ang buong akala ko ay kung saan kuwarto niya ako dinala.

It was already ten in the morning. Napasarap ang tulog ko dahil sa dami ng naimon ko last night. I still feel a little dizzy and my head is aching. Napansin ko ang isang note on my side table katabi ng isang glass of banana milkshake sweetened with honey and a cup of chicken soup.

8:00 AM; Good Morning, masarap ang tulog mo kaya hindi na kita ginising. Nag paakyat nga pala ako ng banana milkshare and chicken soup para mabawasan ang hangover mo.

Ingat,
Dereck

-------

Sino kaya siya, Bakit alam niya kung saan ako tumutuloy?

I don’t remember exactly what happened last night but I know I did something stupid, I was so fucking drunk, I loose control.

And I don’t even remember his damn face… I can only remember his scent, his familiar scent .

Oh no, his wearing Black Code by Giorgio Armani..

---------

(may karugtong)


SENTOSA - Ang Paglimot

UMALIS akong hindi nagpapaalam sa aking mga kasambahay. Walang nakaka-alam kung saan ako pupunta. Sinadya kong ilihim ang biglaan kong pagbabakasyon upang panandaliang makalimot sa mga bagay na walang sawang gumugulo sa isip at damdamin ko. Walang sino man ang nakakaalam sa aking mga binabalak.

I turned my cell phone off – alam kong maya’t maya ay kukulitin ako ng mga text at tawag upang alamin ang kinaroroonan ko..

Walang katiyakan kung hanggang kailan ako mawawala..

-----

Calling all passengers for flight PR507 bound to Singapore, please proceed to Gate II... All passengers….

Palabas na ako ng Gate II at kasalukuyang naglalakad along the alleyway nang biglang may bumangga mula sa aking likuran, isang hindi kataasang lalaki na sa tantiya ko ay halos magkasing edad lang kami. Maputi at may maayos na pangangatawan. Nagmamadali siguro kung kaya’t hindi na siya nag-abala pang pansinin ako.

“Welcome aboard Philippine Air Sir, May I see your ticket?”

“You’re in seat 12B. This way to the left aisle sir”

“Thank You”

Muli ay nakita ko ang kanina ay nakabangga sa akin. He was sitting next to my assigned seat. Naupo ako nang hindi siya pinapansin.

“Excuse me. Sorry nga pala kanina.” Ang pagbasag niya sa katahimikang pumapagitan sa aming dalawa but I just give him a blank look, ayaw ko din naman makipag-usap dahil hanggang sa mga sandaling iyon ay magulo ang takbo ng aking pag-iisip.

Once we reached our cruising altitude I plugged into my iPod to signal na hindi ako interesadong makipagkuwentuhan sa kanya.. I could see him, alternating between reading Robert Langdon’s novel and trying to subtly size me out of the corner of his eye pero deadma lang talaga ako.

--------

“Bakit ngayon ka lang? Saan ka galing? Sino ang kasama mo?, Nakipaglandiaan ka na naman siguro.” Ang sunod-sunod niyang tanong pagbungad ko pa lang sa may tarangkahan.

Nawala kasi sa isip ko na may usapan nga pala kaming magkikita ngayon. Biglang nagyaya ang tropa na lumabas, minsan lang kasi kami magkasama-sama ng ganito. Hindi ko rin naman napansin na battery empty na pala ang cellphone ko.

Alas nueve pa lang ay naghihintay na siya sa akin. Nakailang missed calls at text na rin siya. Mahigit isang oras at kalahati na siyang naghihintay nang dumating ako.

“Saan ka galing?”

“Sorry, nakalimutan ko ang usapan natin”

“Kanina pa ako dito, ginagawa mo akong tanga, hindi ka man lang nag reply” ang halos pasigaw na sabi niya.

“Sorry talaga, low batt ako, hindi ko napansin.”

“Ang sabihin mo may kasama kang iba.” “Sige magpaloko ka sa kanya”

“Pwede ba pagod ako, at tigilan mo na rin yang mga pagdududa mo.” Sawang-sawa na ako, palagi nalang iyan ang sinasabi mo, ganyan ba talaga kababa ang tingin mo sa akin. Ayoko na, tapusin na natin ito, kalimutan na natin ang isa’t isa..

“Sige na umuwi ka na, at huwag kang mag eskandalo dito, bigyan mo naman ako ng kahihiyan" (sabay talikod at parang hindi ko naririnig ang kanyang pagsusumamo).

---------

"Ladies and Gentlemen, welcome to Singapore Changi International Airport. Please remain in your seats with your seatbelts fastened...."

Halos hindi ko napansin ang oras, lalapag na pala ang sinasakyan ko kung bakit kasi hindi mawaglit sa isip ko ang mga tagpong iyon.. ang huli na siguro naming pagkikita..

---------

After I cleared myself inside the arrival area ay dali-dali na akong lumabas ng terminal at agad nagpapara ng taxi. Hindi ko na rin napansin ang taong bumangga sa akin na siya ring katabi ko sa flight na ito.

Nagpahatid ako sa Peninsula.Excelsior Hotel where I made my early reservation.

“Hi, my name is Bjozh Palma and I have a reservation.”

“Let me check. OK, yes, a room for a 4-day/3-night stay.”

“That’s right.”

“You are in room 704.” ………

“Thank you.”

“The elevator is just around the corner. Do you need any help with your bags?”

“No thanks. I can manage myself.”

It’s already quarter before three and my stomach is starting to feel empty. I rushed to the elevator door and went straight to my room. I just throw my things and went back to the elevator to have something to eat at Coleman's CafĂ© located at the first level of the hotel. The door opened and to my surprised the same guy seated beside me in the plane stepped out.

“Oh, what a small world” we’re staying at the same hotel.

I selfishly nod and just give him the same look and go.

---------

(may karugtong)

Tuesday, July 6, 2010

Broken Hea[R]te[D] Me


“bakit ganun, apektado ng IISANG TAO ang buhay ko. parang kalahati ng bawat galaw ko nakadepende sa kanya. hindi kumpleto ang SAYA ko, kung wala siya. at halos hindi ako masaya kung malungkot naman ang sitwasyon naming dalawa. Hay, sana lang ganito rin nararamdaman nya para walang problema...”

 

“tapos sasabihin nyang malay daw nya saken? What the? bakit ba laging ganito... eh anu  yung pinagusapan namen?...nasan na yung understanding na hinihingi ko sa kanya???? asan na???” T_T

 

“so ngayon, magtetext at at tatawag ka dahil may kailangan ka? putangina! anu sa tingin mo, magkakandarapa ako para tulungan ka?!!! OPORTUNISTA KANG GAGO KA!!!!”


-------


Nagpupuyos sa galit ang dibdib ko. Halos mapunit ang kabuuan nito sa sobrang sidhi ng suklam na nararamdaman ko sa’yo. Sumusulak ang dugo ko sa tuwing makikita ko ang tampalasan mong pagmumukha..

Magbibitiw ka nang isang pangako na hindi mo naman kayang panindigan. Simpleng pangakong hindi mo kayang pangatawanan… huwag mong isiping matatanggap ko ang mga palusot mong hinukay mo pa yata sa puntod ng lelong mo.

Maaring balewala lang sa’yo dahil hindi mo nararamdaman ang kinikimkim ng puso ko. O sadyang bato ka lang talaga, mahalaga lang sa’yo ang ikaliligaya mo kahit natatapakan mo na ang yupi-yupi kong pagkatao.

Hanggang nagayon ay nakatasak pa rin sa aking puso ang hapdi ng mga ginawa mo.. HAYOP.. isang kang HAYOP..

Gusto kitang burahin sa mundong ginagalawan ko, wala kang silbi kundi ang magbigay ng pasakit at yamot sa buhay ko.. Hindi na sana kita nakilala.. Hindi ka na sana nagpakita.. Hindi ko na sana ibinigay sa iyo ang pagkakataong  mapaglaruan mo ang dalisay kong damdamin.. PUNYETA KA..

------

Huwag kang umastang wala kang kasalanan.. IPOKRITO KA… Huwag mong ipagduldulan sa aking harapan ang kabulastugan mo..

Marami nang nagbago.. Iba na ako.. Hindi na ako ang dating nakilala mo kaya huwag kang umasang magbabalik ang pakikitungo ko sa’yo.. Masama na kung masama ako.. Nagpapakatoto lang ako..  DEMONYO ka sa paningin ko..


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...