Friday, May 28, 2010

Walk Out

“Hindi nakakatuwa”… “ Hindi na kayo nakakatuwa”… SHIT!! Sabay talikod at mabilis ang hakbang na tinungo ang kuwarto sa itaas upang magkulong… binalak kong umalis kaagad pero nagdalawang isip muna ako dahil ayokong sa sandaling iyon ay mapigilan pa nila ang aking pag-alis kung kaya’t minabuti ko na magkulong na lang muna at maghintay ng pagkakataon na umalis na hindi nila napapansin..

“Hindi nakakatuwa”… “ Hindi na kayo nakakatuwa”… DAMN SHIT!! Ito ang mga katagang binitiwan ko nang ako ay nag walk-out sa aming supposed to be a pleasant night swimming in Los Baños, Laguna, May 16, 2009.

Isang taon na pala ang mabilis na nakalipas, halos hindi ko na nga naaalala - ngayon na lang siguro dahil sa walang kwentang kuwentohang pampalipalipas oras tungkol sa walk-out .

-----

Flash back…

Masaya ang lahat. Nagtatawan at walang tigil na nagbibiruan sa loob ng sasakyan habang binabaybay ang daan patungong Los Banos kung saan kami ay mag na-night swimming. Pagdating sa resort ay tuloy pa rin ang gasuhan habang ang iba ay abala sa paghahanda ng mga mga gamit at pag aayos ng aming pagsasaluhang hapunan. Samantalang ang iba ay abala na sa pag birit sa videoke..

Hindi pa halos lumalalim ang gabi, halos mag dadalawang oras pa lang ang nakalilipas simula ng dumating kami ay inumpisahan na nila akong asarin. Hindi naman ako pikon (konti lang). Okay lang naman sana, ang hindi ko lang talaga nagustuhan ay ang mga binabalak nila na mapahiya ako. Halos lahat sila, hindi man sila nagsasalita ay hindi naman maitatago ang kapilyuhang nagtatago sa kanilang mga mata.

Sinabi kong ayoko na, pero parang bingi sila o siya na pasimuno nito. Nasagad ang pagkapikon ko. Hindi ko naiwasan pumutok ang pinipigil kong inis. Hindi ko naiwasang mapatid ang lumuluwag kong pisi..

Ayaw ko sanang makapagbitiw ng hindi magandang salita pero sila ang nagtulak sa akin para sabihin ang mga katagang iyon.

Hindi naman kasi ako sumama upang gawing pulutan, upang gawing katawa-tawa, upang mapahiya. Hindi lang sa kanila pati na rin sa aking sarili.. Hindi ko iyon matatanggap.

-----

Alas tres na ng madaling araw, halos ang lahat ay nag papahinga na sa kani-kanilang mga silid maliban sa isa, dalawa, tatlong patuloy na bumibirit sa pag kanta..

Buo na ang plano ko. Aalis na ako. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdanan. Sa ibaba ay masaya pa ring nag kakatuwaan ang tatlo, parang may nagsasabing huwag ko nang ituloy ang binabalak ko at sabayan nalang silang kumanta habang umiinom ng mainit na kape.

Pero hindi.

Hindi pa ako handang harapin ulit sila. Gusto ko munang palipasin ang ilang araw bago ko sila ulit pansinin..

-------

Nag-aagaw pa ang dilim sa labas. Mahaba-haba din ang nilakad ko palabas ng subdivision hanggang sa marating ko ang sakayan ng dyip pauwi..

-------

After almost two hours ay nakarating ako ng maayos sa bahay… Thanks God for making me safe..

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...