Naglalakad ako pauwi galing sa panonood ng liga ng basketball sa plaza nang –
“Pssst…pssst”
Nilingon ko kung sino ang tumatawag sa akin. Isang hindi gaanong pamilyar na mukha.
“Pwede ba akong sumabay” ang wika niya.
“Saan ka ba umuuwi?” ang may pag aalinlangan kong tugon-tanong.
“Sa apartment, katabi ng inuupahan mo.”
“Ikaw pala yung nakita ko minsan sa compound.” Ang aming usapan habang naglalakad pauwi.
Nang makarating na kami sa apartment ay agad din akong nagpaalam sa kanya, subalit pinigil niya ako. Nakikiusap na kung puwede daw kaming mag kuwentuhan muna. Pumayag naman ako pero hindi ko na siya pinapasok sa loob ng bahay dahil andoon ang aking ama na kasalukuyang nagpapahinga, sa halip ay sa may labasan ko na lang kami nag-usap.
------
“Ano bang pag-uusapan natin?” ang aking pangbungad na tanong.
“Kahit ano?”
Mahirap yatang topic ng usapan ang kahit na ano.. parang nangangapa kami sa dilim kung anong mapag-uusapan. Nagkaroon ng panandaliang katahimikan ng walang kaabog-abog na tinanong niya ako kung may boyfriend na daw ba ako.
“Ha, Bakit mo naman naitanong?”
“Wala lang, type kasi kita eh.”
“Okay ka lang”
“Oo naman, pero imposibleng wala kang boyfriend, mukha naman kasing hindi ka mahirap mahalin”
“Ay nako, binobola mo lang. ako, sige na papasok na ako sa loob.”
Tatayo na
“Huwag mo naman akong iwan”
Sa ikalawang pagkakataon ay pinagbigyan ko siya at muli niyang inulit ang kanyang tanong kung may boyfriend na daw ako.
“Wala” ang mabilis kong tugon. “Bakit mo kasi tinatanong”
“Gusto nga kasi kita, matagal na kita pinagmamasdan at alam ko ang aking nararamdaman”
“Eh bakit nga ako. Ang dami namang iba diyan”
“Anong bakit ikaw?”
“Ibig kong sabihin, marami namang babae diyan, bakit ako?”
“Iba kasi sila. May masama kasi akong karanasan sa kanila.”
“Anong karanasan?”
-------
Agad naman siyang nagkuwento ng tungkol dito. May girlfriend daw siya for two years at wala naman siyang natatandaang kanilang pinag-awayan. Kinailangan niyang umalis at iwan ang girlfriend niya upang magtrabaho sa isang malayong lugar. Nagkaroon sila ng kasunduan na magpapakasal sila. Pinanghawakan niya ang kasunduang ito upang sa kanyang pagbabalik ay gugulantangin siya ng katotohanang ipinagpalit na siya sa iba ng kanyang kasintahan.
Nagpakasal ito sa iba.
-----
Dahil sa sama ng loob ay minabuti niyang muling lisanin ang kanilang probinsiya at magbakasyon muna sa kanyang kapatid na kasalukuyang nangungupahan sa apartment na kahanay ng aking tinutuluyan.
-----
Muling niyang ibinalik ang aming pinag-uusapan.
“ano okay lang ba sayo na maging tayo?”
Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang mga sinasabi niya, para kasing napakabilis ng mga pangyayari, ngayon nga lang kami nakapag-usap.
Ayaw ko sanang dagdagan ang sakit na nadadama ng puso niya, pero hindi ko siya gusto.
“Pasensiya ka n a, mas gusto ko kasi ang kuya mo eh.”
“Ganon ba. Okay lang naiintindihan ko naman eh..” ang malumanay niyang tugon. Bakas ang biglang pagtamlay sa kanyang mga mata.
“Huwag kang mag-alala, may darating din para sa’yo na mamahalin ka nang tapat at totoo.” “Nakikita mo ba ang mga bituin sa langit? Hanapin mo ang pinakamaliwanag na bituin, tapos bumulong ka ng isang hiling. Ipagdarasal ko na kung ano man ang ninanais ng puso mo
Tumingala siya sa langit at waring hinahanap ang pinakamaliwanag na bituin at saka siya pumikit. Pamulat ng kanyang mga mata ay sinabi niyang “Salamat, iba ka talaga sa mga nakilala ko.” “Mabait ka at hindi suplado.” “Salamat”.
------
Bago pa lumalim ang gabi ay muli akong nagpaalam na papasok na ako sa loob. Sa sandaling ito ay muli niya akong inawat.
“Bago ka pumasok maari ba akong humingi ng isang halik”
Nagulat ako. Hindi ko alam ang itutugon ko. Sa halip ang tanging naisagot ko ay – “Hindi pwede, pasensiya ka na. baka kasi makita tayo ng tatay ko, andiyan lang siya sa sala. “Sige na please.” Sa halip ay iniabot ko nalang ang aking mga kamay. Inabot naman niya ito at pinisil-pisil saka niya inilapat ang kanyang mga labi sa aking mga kamay.
“Sige na goodnyt”
“Goodnyt”
“
No comments:
Post a Comment