Monday, May 31, 2010
Rated PG: Puerto Galera
Friday, May 28, 2010
Walk Out
Friday, May 21, 2010
Apartment
Naglalakad ako pauwi galing sa panonood ng liga ng basketball sa plaza nang –
“Pssst…pssst”
Nilingon ko kung sino ang tumatawag sa akin. Isang hindi gaanong pamilyar na mukha.
“Pwede ba akong sumabay” ang wika niya.
“Saan ka ba umuuwi?” ang may pag aalinlangan kong tugon-tanong.
“Sa apartment, katabi ng inuupahan mo.”
“Ikaw pala yung nakita ko minsan sa compound.” Ang aming usapan habang naglalakad pauwi.
Nang makarating na kami sa apartment ay agad din akong nagpaalam sa kanya, subalit pinigil niya ako. Nakikiusap na kung puwede daw kaming mag kuwentuhan muna. Pumayag naman ako pero hindi ko na siya pinapasok sa loob ng bahay dahil andoon ang aking ama na kasalukuyang nagpapahinga, sa halip ay sa may labasan ko na lang kami nag-usap.
------
“Ano bang pag-uusapan natin?” ang aking pangbungad na tanong.
“Kahit ano?”
Mahirap yatang topic ng usapan ang kahit na ano.. parang nangangapa kami sa dilim kung anong mapag-uusapan. Nagkaroon ng panandaliang katahimikan ng walang kaabog-abog na tinanong niya ako kung may boyfriend na daw ba ako.
“Ha, Bakit mo naman naitanong?”
“Wala lang, type kasi kita eh.”
“Okay ka lang”
“Oo naman, pero imposibleng wala kang boyfriend, mukha naman kasing hindi ka mahirap mahalin”
“Ay nako, binobola mo lang. ako, sige na papasok na ako sa loob.”
Tatayo na
“Huwag mo naman akong iwan”
Sa ikalawang pagkakataon ay pinagbigyan ko siya at muli niyang inulit ang kanyang tanong kung may boyfriend na daw ako.
“Wala” ang mabilis kong tugon. “Bakit mo kasi tinatanong”
“Gusto nga kasi kita, matagal na kita pinagmamasdan at alam ko ang aking nararamdaman”
“Eh bakit nga ako. Ang dami namang iba diyan”
“Anong bakit ikaw?”
“Ibig kong sabihin, marami namang babae diyan, bakit ako?”
“Iba kasi sila. May masama kasi akong karanasan sa kanila.”
“Anong karanasan?”
-------
Agad naman siyang nagkuwento ng tungkol dito. May girlfriend daw siya for two years at wala naman siyang natatandaang kanilang pinag-awayan. Kinailangan niyang umalis at iwan ang girlfriend niya upang magtrabaho sa isang malayong lugar. Nagkaroon sila ng kasunduan na magpapakasal sila. Pinanghawakan niya ang kasunduang ito upang sa kanyang pagbabalik ay gugulantangin siya ng katotohanang ipinagpalit na siya sa iba ng kanyang kasintahan.
Nagpakasal ito sa iba.
-----
Dahil sa sama ng loob ay minabuti niyang muling lisanin ang kanilang probinsiya at magbakasyon muna sa kanyang kapatid na kasalukuyang nangungupahan sa apartment na kahanay ng aking tinutuluyan.
-----
Muling niyang ibinalik ang aming pinag-uusapan.
“ano okay lang ba sayo na maging tayo?”
Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang mga sinasabi niya, para kasing napakabilis ng mga pangyayari, ngayon nga lang kami nakapag-usap.
Ayaw ko sanang dagdagan ang sakit na nadadama ng puso niya, pero hindi ko siya gusto.
“Pasensiya ka n a, mas gusto ko kasi ang kuya mo eh.”
“Ganon ba. Okay lang naiintindihan ko naman eh..” ang malumanay niyang tugon. Bakas ang biglang pagtamlay sa kanyang mga mata.
“Huwag kang mag-alala, may darating din para sa’yo na mamahalin ka nang tapat at totoo.” “Nakikita mo ba ang mga bituin sa langit? Hanapin mo ang pinakamaliwanag na bituin, tapos bumulong ka ng isang hiling. Ipagdarasal ko na kung ano man ang ninanais ng puso mo
Tumingala siya sa langit at waring hinahanap ang pinakamaliwanag na bituin at saka siya pumikit. Pamulat ng kanyang mga mata ay sinabi niyang “Salamat, iba ka talaga sa mga nakilala ko.” “Mabait ka at hindi suplado.” “Salamat”.
------
Bago pa lumalim ang gabi ay muli akong nagpaalam na papasok na ako sa loob. Sa sandaling ito ay muli niya akong inawat.
“Bago ka pumasok maari ba akong humingi ng isang halik”
Nagulat ako. Hindi ko alam ang itutugon ko. Sa halip ang tanging naisagot ko ay – “Hindi pwede, pasensiya ka na. baka kasi makita tayo ng tatay ko, andiyan lang siya sa sala. “Sige na please.” Sa halip ay iniabot ko nalang ang aking mga kamay. Inabot naman niya ito at pinisil-pisil saka niya inilapat ang kanyang mga labi sa aking mga kamay.
“Sige na goodnyt”
“Goodnyt”
“
Thursday, May 20, 2010
Kagabi
“Saan ang lakad ninyo?” ang tanong ng tropa.
“wala uuwi na.”
“Mag gi-gym kami baka gusto nyo sumama”
Agad naman nag agree ang sistah ko dahil tinatamad pa daw siya umuwi. Nag dalawang isip naman ako dahil wala naman akong dalang mga gamit at medyo masakit ang katawan ko dahil sa walang pahingang pag babadminton nang sinundang araw. Pero sadya silang makulit kung kaya’t napilit rin nila ako. Pinahiram nalang ako ng friend ko ng short para may magamit ako.
Sulit naman ang pagsama ko dahil sobrang pinagpawisan ako at medyo nawala ang stress na nararamdaman ko. Siguradong magiging mahimbing pagtulog ko nito mamaya.
After naming mag gym ay nag kanya-kanya na kami ng uwi. Ako ay dumiretso na sa bahay para tuluyang ng makapagpahinga.
-----
Si sistah…
Matapos niyang makapaligo at makapaghapunan ng apat na pirasong hopia ay nilibang niya ang kanyang sarili sa Facebook. Update ng status.. post ng comment.. view ng album nang biglang may nag pop na message from Lhon (isa sa mga tropa).
“Muzta?”
“e2 kakatapos ko lang mag dinner ng hopia” “Zap?”
“Punta ako kina kuya Gnom, mag iinom kami. Gusto mo sumama?”
“Sige matagal na nga tuyo ang lalamunan ko sa alcohol eh.”
Maya-maya pa ay dinaanan na siya ni Lhon sa bahay. Hindi naman niya akalain na siseryosohin ang sinabi niya na gusto niya sumama. Pinadaanan daw siya ni kuya Gnom.
-----
Papunta sa kanilang bahay ay may kaba siyang biglang naramdaman. Nakita niya kasi ang battle hopper ng soulmate niya naka-park sa labas ng bahay ng bago niyang tropa malapit sa bahay ni kuya Gnom.
Hindi niya maiwasang mabadtrip, alam niyang hindi dapat, alam niyang mali pero sadyang malakas ang puwersang dumudurog sa puso niya nang mga sandaling iyon. Hindi naman siya galit na makipag-bond ito sa iba niyang mga friends, normal lang naman iyon dahil ginagawa rin niya iyon. Ang sa kanya lang naman, pag siya ang humuhingi ng oras nito, palagi nitong sinasabi na hindi siya pwede, tapos malalaman niya na lang na nakikipag jamming ito sa iba matapos nitong sabihin sa kanya na wala siya sa mood, masakit ang ulo at katawan o kung ano pa mga dahilan.. He is so unfair.. He is so insensitive…
Salamat na lang sa beer na handang dumamay sa kanya sa mga oras na ito at sa ilang stick ng sigarilyong kanyang nahithit upang tanggalin ang inis at galit na napipintong sumabog sa dibdib niya..
--------
Sa pagkakataong ito ay hindi na nito maitatanggi pa ang nakita niya. He was caught right on the spot. He was having fun, rubbing elbows, drinking bottle of beers bottoms up..
The liar – hindi daw siya umiinom because of his allergies kaya hindi niya pinipilit. Pero pag sila ang kasama nito ay hindi na siya kailangang pilitin, kesijoda pang mangati ang buo niyang katawan bale wala lang sa kanya..
------
The hell of him…
Remember
Forget his kiss and his warm embrace
Forget the love that once came true
Remember now there's someone new,
Forget the love that you once shared
Forget the face that had once cared
Forget the time you spent together
Remember now he's gone forever,
Forget you cried the whole night through
Forget him when they play your song
Forget how close you two once were
Remember now he's chosen her,
Forget you memorized his walk
Forget the way he used to talk
Forget the times he was mad
Remember he's happy instead of sad,
Forget his teasing, gentle ways
Forget you saw him everyday
Forget he made your dreams come true
Remember now she loves him too,
Forget the thrill when he walked by
Forget him when he made you cry
Forget the way he spoke your name
Remember now he's not the same,
Forget the way he said he loved you
Forget the way he kissed and hugged you
Forget all those nights when he held you tight
Remember now he holds her tonight,
Forget all those sunny days
Forget all those poems he made
Forget those times through good and bad
Remember he said he'd never make you sad,
Forget the games he played with you
Forget the times he stayed with you
Forget those cold, cold nights
Remember now he keeps her warm tonight,
Forget the way he looked at you
Forget you kissed the whole night through
Forget all you dreams came true
REMEMBER, that he doesn't love you.
Thursday, May 13, 2010
Wanderer
Saturday, May 8, 2010
Gunita
sa may silangan, sa may baybayin,
Ang bawat pagsayaw ng alon sa kumpas ng hangin
waring idinuduyan ang aking damdamin.
Sa may batuhan sa ilalim ng lilim
aking nasulyapan isang naninimdim
waring minamalas ang nag daang pag-giliw
gunita ng kahapong pilit sumasaling.
Gaya ko ngayo'y nangungulila
sa isang pagsintang hindi naapuha.
Pagibig kong laan sa puso nagmula
kanya itong binaliwala.
Tulad din ng along humahalik sa dalampasigan
nag papahiwatig ng kanyang pagmamahal
at itong buhanginan, hindi man natitinag
sa kaibuturan nito'y iyong mababakas
ang muling pag asam sa mahal na nililiyag.
Sa pagsapit ng dapithapon, sa pagsilong ng liwanag
ang katahimikan ay babalot na tapat
upang ipaghimbing ang maghapong bagal
na muling haharap sa ihahaing bukas.
Sa muling pagsilip ng liwanag sa may dakong silangan
ang patuloy na pag-alon ang siya paring mababakas
at sa pagdating muli ng panibagong umaga,
sa kumpas ng hangin, maalong karagatan mapapagod mandin,
ito'y mamamayapa, hihilom sa pusong may dusa.
Friday, May 7, 2010
Flag of Libra
Wednesday, May 5, 2010
Vocabulary
Eethai (n) – pronounced as itay (1) a person showing a fatherly concern exclusively for a young naĆÆve guy/boy (2) a person most likely hiding his true magenta color.
Ahnaxz (n) – pronounced as Anak is a term of address to a young guy or boy from an older person with hidden desire.
Tae (n) - is a term of endearment that could be applied to a person's significant other.
Halimaw (n) – a male contra-bida (2) offensive to the sense of beauty,
My precious (n) – a female contra-bida (2) offensive to the sense of beauty
Dyoza (n) a person having extra-ordinary qualities that give great pleasure or satisfaction to see (2) excellent of its kind (3) more than beautiful
Inay
Ang taong nagkupkop sa akin sa kanyang sinapupunan;
Ang taong sa akin ay nagluwal at nagbigay buhay;
Ang taong sa akin ay walang pagod na nag-aruga;
Ang taong nagmahal ng tunay at walang kapantay.
Salamat Inay sa lahat nang pag sasakripisyo;
Salamat Inay sa iyong walang sawang pag-aaruga;
Salamat Inay sa iyong mainit na pagmamahal;
Salamat Inay sa iyong mga yakap…
Saan ka man naroroon ngayon Inay
Hindi ako magsasawang ika’y pasalamatan
Dahil utang ko sa iyo ang aking buhay..
Maraming Salamat Inay..
HAPPY MOTHER’S DAY!!!