Friday, December 31, 2010

Happy New Year To All

Paalam na sa toang  2010 at isang Mapayapang Pagsalubong sa Bagong Taon 2011
 
 Nawa’y ang mga aral at karanasan ng nakaraang taon ay magsilbing tanglaw at gabay sa pagtahak natin ng bagong taon. Isang higit na maunlad, masagana at mapayapang buhay sa patnubay at pagpapala ng Diyos ang sumainyo.

MANIGONG BAGONG TAON SA ATING LAHAT



------------------------------------------------------------------------


Kriss Kringle

E2 ang mga natanggap ko during the following Kris Kringle:

Mayor's Office:
  • Something Green: 2 cans of Cali Shandy
  • Something Pointed: Pretzel with a note saying "bubuksan na lang ready ng isubo" (me ganon!)
  • Revelation (December 12, 2010): Straight Cut Pants from Human

PESO:
  • Something Wearable: Pink Gloves
  • Something you can put inside your pocket: Lotte Xylitol Mint
  • Something Wet and Sticky: Jelly Stick (assorted flavor) and Jolly Ace (Lychee flavor)
  • Something Itchy: Muriatic Acid
  • Revelation (December 16, 2010): Wooden Abaniko

MENRO:
  • Revelation (December 22, 2010): V-neck Slim fit Shirt from Mint, Round Shape Sunglasses and a Pink Mirror

NUKNUKAN:
  • Revelation (December 30, 2010): P300 Globe Prepaid Card...

ACKNOWLEDGMENT:

I would like to express my special thanks to Congressman Roy and Mayor Dahlia A. Loyola for the early Christmas Bonus; to Sir Edwin of PESO for the Ever Bongacious Christmas Party; and not but not the least to Sir Rommel of MENRO for the wonderful dinner and syempre for the Christmas Gift.. 

To All my Monitos and the Nuknukaners - Hug and Kisses to all of you... Thanks!!!



Saturday, December 25, 2010

Merry Christmas To All!


Sometimes we think we have so little: Little blessings, little work, little salary, little allowance. But if we start to appreciate the little things in life, we will find out that we have so MUCH. So much of family and friends, so much of love, so much of trust and so much of GOD in our hearts. God Bless and may you and your family have a wonderful Christmas and a Happy New Year!!
 Merry Christmas...




Wednesday, December 22, 2010

Death Anniversary

Its my  mother's 18th Death Anniversary today and 3 days before my father's birthday on Christmas Day (who passed away six year ago)..

I love you Mom and Dad and I will forever miss you... MERRY CHRISTMAS!

This song is for you  (my parents favorite song)..

80's Revisited

Party... Party!!!


The 80s have come around again as we celebrate this year Christmas Party with the theme - "80s Revisited" 

... it's a blast from the past... Madonna's Material Girls.. Just Got Lucky, Let's Get Physical, Jump and [Shake] Body Dancer playing in Modern Remix..


...bringing in neon colours, oversized shirts, leggings, shoulders pads and a bright attitude..



Thursday, December 2, 2010

My All Time Favorite Christmas Songs

Sharing with you a playlist of my all time favorite Christmas Song (in random)... Happy Listening!



MusicPlaylistRingtones
Create a playlist at MixPod.com



1.  My Grown-up Christmas List

"Grown-Up Christmas List" (sometimes titled "My Grown-Up Christmas List") is a Christmas song composed by David Foster (music) and Linda Thompson-Jenner (lyrics), and originally recorded by Foster (with singer Natalie Cole on vocals) for his 1990 non-holiday album River of Love. Though it was also released as a single, the song was not a hit upon its first appearance. In 1992, however, Amy Grant recorded a version for her second holiday album, Home for Christmas. Grant's version featured altered lyrics and an additional verse that Grant penned herself. Her record label at the time, A&M Records, promoted the song as the second single from the album, and it received substantially more radio airplay than the original version by Foster. A&M Records also released a music video for the song, featuring an appearance by Grant's son, Matthew Chapman. Grant's version is the one most people associate with the song.

The song is about a visit with Santa Claus by an adult who does not ask Santa for anything material for Christmas, but rather nothing but good things for all humanity. (Source: Wikipedia)


Wednesday, December 1, 2010

My Christmas Wish List

CHRISTMAS IS COMING..... 

Aside from the usual (traditional) Christmas wish everyone is yearning, I must admit I’m a little bit materialistic…WHO ISN'T?

SO HERE’S THE LIST THAT I WANT TO (HAVE) RECEIVED THIS HOLIDAY SEASON:
  • NEW CAMERA (NIKON D5000)
  • NEW LAPTOP
  • NEW MOBILE PHONE WITH WIFI
  • IPAD
  • WRIST WATCH
  • NEW TV
  • TRIP TO THE BEACH
  • TOUR (OUT OF THE COUNTRY)
  • GREAT DESIGNER CLOTHES,  SHOES & PERFUMES
  • SHOPPING SPREE!!!
  • SPA TREATMENTS
  • HOTEL ACCOMODATIONS
  • AND SO MUCH MORE!!!! :p

BUT, ANYTHING IS FINE WITH ME, hindi naman ako choosy. :) HARHAR

Kayo rin write down what you want this Christmas, who knows somebody out there might really, really like you that much and grant what your heart desires.

-------

ON THE SERIOUS NOTE:

All those stuffs are good, but the most important thing to remember when you’re thinking about Christmas is that it’s not just about presents or Santa Claus.   It is a celebration of the birth of Jesus, the Son of God

And LOVE IS THE GREATEST GIFT YOU CAN GIVE….



Apple IPad
Signature Shoes
Laptop

D5000
Wrist Watch
Perfume

Artworks (3)

Shadow of the Night
He has outsoared the shadow of our night; envy and calumny and hate and pain, and that unrest which men miscall delight, can touch him not and torture not again; from the contagion of the world's slow stain, he is secure.  

 -------

All that we are is the result of what we have thought. If a man speaks or acts with an evil thought, pain follows him. If a man speaks or acts with a pure thought, happiness follows him, like a shadow that never leaves him.


Ink Blot
 Inking without a plan gives Booth freedom to explore the desires of those seated in his chair, he says, to feed off their energy, allowing his clients' demons to help guide the needle.  ~Joshua Lipton, about tattoo artist Paul Booth, "Bad Skin," Rolling Stone, 28 March 2002

--------
Ink to paper is thoughtful
Ink to flesh, hard-core.
If Shakespeare were a tattooist
We'd appreciate body art more.
~Carrie Latet
 

Volcano
First of all, there was a volcano of words, an eruption of words that Shakespeare had never used before that had never been used in the English language before. It's astonishing. It pours out of him.
 
 
Mask
Because the mask is your face, the face is a mask, so I'm thinking of the face as a mask because of the way I see faces is coming from an African vision of the mask which is the thing that we carry around with us, it is our presentation, it's our front, it's our face.
 
-------
Man is least himself when he talks in his own person. Give him a mask, and he will tell you the truth.
 
 
 
 

Thursday, November 25, 2010

Artworks (2)

Faces
 I have never been aware before how many faces there are.  There are quantities of human beings, but there are many more faces, for each person has several.  ~Rainer Maria Rilke, Notebooks of Malte Laurids Brigge

Eye see you!
An eye can threaten like a loaded and levelled gun, or it can insult like hissing or kicking; or, in its altered mood, by beams of kindness, it can make the heart dance for joy.... One of the most wonderful things in nature is a glance of the eye; it transcends speech; it is the bodily symbol of identity.  ~Ralph Waldo Emerson


Merfly
Spread your wings and let the fairy in you fly!  
 

Wall Kissed
The decision to kiss for the first time is the most crucial in any love story. It changes the relationship of two people much more strongly than even the final surrender; because this kiss already has within it that surrender.


Friday, November 19, 2010

Artworks (1)

Cherry Wet
Art is the colors and textures of your imagination
Confused
 Everything has beauty, but not everyone sees it.

Lonely Flower
Art is like a border of flowers along the course of civilization
Mother and Child
One of the best things about paintings is their silence - which prompts reflection and random reverie.
Rainbow
"Like emotions, colours are a reflection of life."

Queen
We all know that Art is not truth.  Art is a lie that makes us realize truth, at least the truth that is given us to understand.  The artist must know the manner whereby to convince others of the truthfulness of his lies.


Wednesday, November 10, 2010

Sad...

 Why am I so sad all of a sudden???

How can I adjust
To the way that things are going
It's killing me slowly
Oh I just want it to be how it used to be...
 

By now I should know
That in time things would change
So it couldn't be so bad... So why do I feel so sad?

.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------


The world seem dark and unfriendly. I  feel like I have nothing to look forward to. The hurt deep inside me crush my usually good mood.

It makes me feel like crying, and sometimes the tears are hard to stop.

Sometimes, I just feel like being alone for a little while. Or I might want someone to comfort me or just keep my company while I'm  going  through this. 

Sunday, November 7, 2010

Roommate!

Maaliwalas ang buong kabahayan, malinis at mabango kahit pa sabihing puro lalaki ang mga nangungupahan dito.  Apat ang kuwarto sa loob ng bahay. Ang tatlong kuwarto ay may tatlo hanggang apat na mga boarders maliban sa isang silid sa may bandang mezzanine na pang isahang boarder lang (pwede rin naman pangdalawahan) maliit  kasi ito kumpara sa  tatlong kuwarto.

Ang Caretaker naman ng bahay ay sa katabing bahay lang naninirahan. Wala ang may-ari nito  dahil matagal nang nagmigrate sa ibang  bansa. Isa o dalawang beses lang  sa isang taon umuwi ang panganay na anak ng may-ari upang bisitahin ang bahay.

Okupado na ang lahat ng silid maliban sa kuwarto sa mezzanine na malimit mabakante.  Medyo hiwalay kasi ito sa tatlong silid na halos makakatabi lang.

Tamang-tama naman at naghahanap ako ng room for rent na malapit sa bago kong pinapasukang trabaho. Pamatay kasi sa biyahe kung mag-uuwian pa ako, imbes kasi na nagpapahinga na ako ay nasa  daan parin ako pauwi ng bahay. Mababawasan pa ang oras ko  para gumi-mick kasama ang mga  bago kong kabarkada.

------

Kinabukasan ay agad akong nagpasama sa isa kong kaibigan upang kausapin ang caretaker ng bahay.

“Puwede  ko po  bang makita ang kuwarto?”

“Halika, medyo hiwalay nga lang ito sa ibang silid pero alam kong magugustuhan mo dahil bukod sa tahimik dito ay well ventilated pa ang kuwarto dahil sa malaking bintanang nagsisilbing singawan ng init na kumukulong sa loob ng kuwarto.”

Agad ko naman nagustuhan ang silid. Hindi na masama para sa dalawang mangungupahan. Maayos ang double bed na nakapuwesto sa gawing kaliwa ng silid, may built –in cabinet  at isang study table.

Konting chika-chika pa ay nagkasundo kami sa mga terms and condition. Bukas na bukas ay lilipat na ako.

-------

Unang gabi ko sa bago kong inuuwian, mukhang magiging maganda at mahimbing ang aking magiging pagtulog, Pinili ko ang  ibabang bahagi ng double deck. Tahimik ang  gabi, humahaplos sa aking balat ang  malamig na dampi ng  hanging pumapasok sa siwang  ng  bintana.

Walang pasok kinabukasan kung kaya’t  minabuti kong magpatanghali ng gising. Hindi nga ako nagkamali, naging mahimbing at tamimik ang aking buong magdamag.

Lumabas ako ng kuwarto upang maligo. Dalawa ang palikuran ng bahay na may maluwang na shower room ang bawat isa gaya sa sa isang pribadong resorts. Hindi problema  kung sakaling magkasabay-sabay na gagamit ang mga boarders.

Maluwang  din ang dinning area kung saan nandoon ang ilang mga boarders na kasalukuyang nag-uumagahan. Sa tingin ko ay matagal na silang magkakakilala at ang iba ay magkakasama pa sa kanilang pinapasukang trabaho. Ako  lang yata ang walang kasamang kakilala dito. Anyways, bago pa  lang naman  ako dito, in time ay  may makakasundo din ako sa kanila.  Maaring magkaroon din ako ng roommate, pero mas maganda kung wala para may privacy ako.

-------

“Ikaw pala yung bagong naming makakasama dito sa bahay. Ako nga pala si Louie, mga ka-roommates ko?”

“Hi!... Mico” ang pagpapakilala ko.

“Mukhang tinanghali ka nang gising ah. Bakit may pumuyat ba sa’yo kagabi? Ang nakakainsultong tanong nang isa sa mga kasama ni Louie.

“Pasensiya ka na dito  sa lokong ito, mapagbiro lang talaga yan.”

“Okay lang” ang sagot  ko,sabay talikod  upang maligo.

Habang humamakbang ako palayo sa kanila ay ramdam ko na nagbubulungan sila na sinabayan pa ng mga imbit  na pagtawa. Hindi tuloy maalis sa isip  ko  na  baka ako ang kanilang pinag-uusapan.

Sila ba ang makakasama ko dito da bahay? Pero iba naman ang dating ni Louie at ng iba pa niyang mga kasama, mukha naman silang mabait at palaka-ibigan. Maliban  na nga lang sa isa na medyo may pagkapresko ang dating.

-------

“Pare pustahan tayo, hindi rin tatagal yan dito. Matagal na siguro ang isang Linggo.”

“Sigurado ka ba diyan?”
 
“Ako pa. Hindi ba pang-apat na siya ngayong buwan palang na umukupa sa kuwarto sa may mezzanine, kaya feeling ko mga tol hindi rin tatagal yan... Pagmali ako  sagot ko ang inuman pero  sorry nalang mga tol dahil sigurado akong hindi yan magtatagal.”

“Bakit anong binabalak mong gawin ha?.. Nagkataon lang siguro na hindi tumagal ang mga nauna sa kanya, maaring may nakitang mas magandang malilipatan, maari rin namang natakot sa pagmumukha mo, inaaswang mo yata eh...hehehe"

"Mga gago,  bakit ko naman gagawin yon. Ako pa... Oh ano pupusta ba kayo??"


"Oh sige, pag-ipunan mo na ang pangpainom mo ha at samahan mo pa ng pulutan."


"Call.."


---------


Lumipas ang limang araw ay wala naman akong naging problem sa tinutuluyan ko maliban na nga lang sa mga nakakailang na tingin ng ilan sa mga kasama ko sa bahay  higit lalo si Dennis ang preskong kaibigan ni Louie. Pero bale wala nalang sa akin iyon,  sanayan lang kung baga, ang importante ay mayroon akong privacy sa aking silid.

-------


Isang gabi ay nagising nalang ako sa munting kaluskos na nagmumula mismo sa loob ng silid ko. Noong una ay hindi ko ito pinansin, maaring pusa lang ang lumilikot na iyon sa may tapat ng bintana pero hindi nga ako nagkakamali nagmumula ang ingay sa loob ng silid. Ramdam ko rin ang biglang pagbigat ng hinihigaan kong double deck at ang paglangitngit nito.  Meron ba akong hindi alam? Mayroon na ba akong makakasama dito sa loob ng silid Bakit hindi man naipaalam sa akin ng aming caretaker. Kung sabagay, gabi na rin pala ako umuwi kanina. Pero paano kung hindi, bigla tuloy akong nakaramdam ng konting kaba. Marahan akong bumangon upang makasiguro sa aking sapantaha, hindi ko na binuksan ang ilaw, sapat na ang liwanag na nagmumula sa labas ng bintana upang masilayan ko ang dapat kong makita. 

Bahagya akong nagulat ng mapansin kong may nakahiga sa pang-itaas na double deck. nakatagilid siya paharap sa kabilang  bintana. Mukhang nahihimbing na siya sa kanyang pagtulog. 


Nabawasan ang kaba ko, pero bakit hindi maalis sa akin ang mag-isip.. Sino siya? Kailan siya lumipat dito? Kung sabagay, hindi nga pala ko umuwi kagabi... Hanggang sa nakatulog na ako ng mahimbing..


(itutuloy)



Monday, November 1, 2010

Prayers for the Soul


Prayer for my Deceased Parents

It was You, O God, Who commanded us to honor our father and mother. In Your kindness have mercy on the souls of our parents, and forgive them their sins. Grant that we may see them again in the brightness of Your everlasting glory. We ask this through Your Son, our Lord, Jesus Christ. Amen.

Prayer for a Deceased Relative or Friend

You are, O God, quick to pardon and desire man's salvation. In Your goodness we ask You to grant our deceased relatives and friends everlasting happiness. With the help of Blessed Mary ever Virgin and all Your saints, we ask this through Christ, our Lord. Amen.



Sunday, October 31, 2010

5 Signs your BOYFRIEND is CHEATING

A cheating boyfriend can cause tension in any relationship. Everyone hopes their partnership is built on trust, but what happens when that bond is broken and you suspect your boyfriend is cheating? Here are a few signs:

1. Suspicious Computer Activity
These days, it's easy to meet men in chat rooms, forums or on instant messenger. Have you seen a suspicious name in your IM window or an unknown chat site in your browser history? A little digging can go a long way. Be careful trying to be a super snooper, though, and give your man space. It's just as easy to meet friends online as it is love interests. Your partner may just be reaching out for other gay people to talk to.

2. Sudden Changes in Schedule
Some men may be spontaneous, but most of us keep a set schedule or standard routine in some form or another. This is especially true for day-to-day activities. Has your man's routine suddenly changed without you knowing why? Did his working hours increase or does he have a new gym schedule? Things often change in our lives. In turn, we decide to try and impress our bosses by working overtime or resolve that it's finally time to get into shape. But what raises suspicion is how these changes are communicated to you. Was the decision made without your input? Was there an attempt to include you? Are there any signs of progress?

3. Emotional Distance
It's normal for the intensity of your relationship to decrease after you've been together for a while. There may have been a time when you couldn't bare to leave each others' sight and now you both enjoy your time alone. This isn't a sign that he is cheating, only that the relationship is starting to settle into a loving and comfortable phase. Nonetheless, take note of any emotional distancing. Has he stopped listening or laughing? Does he seem distant or spacey, almost as if he's preoccupied? Take note if your partner is there physically, but not quite "there" mentally.

4. Less Time Together
Just as the intensity of a relationship dwindles slightly over time, so may the time you spend together. But spending less time with each other shouldn't be confused with spending no time at all. Don't react too swiftly. Who knows, his company may be ready to close on a huge deal and they need him around the clock. Or there may be some other legitimate circumstance that demands his attention. Many huge time commitments like these don't last for long periods of time and make sense. He may be working 14 hour days, but does he also leave home on weekends? Look for the unreasonable and unexplainable time commitments.

5. Instinct
Mom always said follow your instincts and this is a time when that motherly voice can come in handy. If your gut tells you that something is wrong or that some other guy has captured your man's attention, then go with it. But take caution with how far you follow these feelings. Ask yourself if they are legitimate concerns or if you yourself are lacking trust.

These tips aren't meant to turn your trusting relationship into a game of hide and go seek and there are always exceptions. Trust first, but don't ignore the warning signs. If there are just too many inconsistencies for comfort, then communicate them to your man directly. Don't let him hear of your suspicions from a friend. Also, try not to be accusatory. Simply tell him how his behavior makes you feel. He may be dealing with other issues that have nothing to do with cheating on you with another man. 
 
 

Saturday, October 23, 2010

My Love is Here 5

Panatag ang gabi. Hindi alintana ang nagbabadyang pagluha ng langit. Maliban na lamang sa malamig na paghaplos ng hangin na animoy idinuduyan ka sa katahimikang handog ng pagpikit ng iyong mga mata. Dala ni Camhi sa kanyang panaginip ang dalisay na pangarap na sa muling pagmulat kasabay ng bukang liwayway ang isang bagong umaga sa kabila ng mga dagok na kanyang mga pinagdaanan.
At ngayon sa loob ng mahabang araw na dumaan, haharapin niyang muli ang bagong umagang puno ng pag-asa? Kung nakaya niyang mapagtagumpayan ang mga kalungkutan at mga masasalimuot na pangyayari sa kanyang buhay, haharapin niyang muli ang bukas na may katatagan at walang takot anuman ang dumating pagkat ang lahat na itoy lilipas din. Nalalaman niyang ang pananalig sa kanyang puso ang siyang magbibigay ng katatagan upang ipagpatuloy ang araw na darating.
Subalit, magagawa lang niya ito kung wala na ang mga galit at sama ng loob na naipon sa kanyang dibdib – handa na siyang makalimot at magpatawad.
-------
“Magandang umaga po. Tita. Andiyan po ba si RD, pwede ko po ba siyang makausap?”
“Matagal ka na niyang hinihintay, alam kasi niya na darating ang araw na mapapatawad mo rin siya at muling kakausapin at natutuwa ako at nandito ka ngayon.”
“Sa mga nangyari po sa akin, sa amin dalawa, marami akong natutunan at isa na dito ang magpatawad. Mahirap kasing ikulong sa puso at damdamin ang mga bagay na magsisilbi lang balakid to moved on.”
“Wala na siya dito sa bahay. Pero huwag kang mag-alala punpuntahan ko siya ngayon, at alam kong masisiyahan siya sa pagbisita mo.”
“Saan po ba siya nandoon ngayon?”
“Halika samahan mo ako.”
-------
Habang nakasakay siya kasama ang Mommy ni RD ay hindi niya maipaliwanag kung bakit bigla nalang siyang nakaramdam ng kaba at may kung anong malamig na hangin ang bumalot sa kanyang katawan na nakapagpataas ng kanyang mga balahibo.
Gusto niyang basagin ang katahimikan sa loob ng sasakyan, pero tila yata natuyo ang kanyang laway at hindi siya makapagsalita. Ganoon din ang Mommy ni RD na parang may gustong sabihin at ipagtapat sa kanya subalit mas pinili na lang nitong manahimik.
Hanggang sa papalapit na sila sa kinaroroonan ni RD. Mas lalo siyang nagtaka at kinilabutan ng pumasok ang sasakyan sa loob ng Manila Memorial Park. Hindi niya maiwasan magtanong sa kanyang sarili kung ano ang ginagawa ni RD sa lugar na iyon. Upang tanggalin ang kutob na nararamdam niya ay inisip na lang niya na meron itong dinadalaw dito.
“Nandito na tayo” ang sabi ng mommy ni RD pero wala siyang nakikitang ibang tao maliban sa kanilang dalawa.
“Tita sigurado ba kayong nandito siya” ang pagaralgal niyang tanong.
“Oo, malapit mo na siyang Makita.”
Kaunting lakad pa ay narating nila ang isang puntod. Dito na nakumpirma ni Camhi ang kanyang kinakatakutan at lalo pang lumakas ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi siya makapagsalita, nanginginig ang kanyang katawan.



++++++++++++++++++++++
In loving Memory of:
RAYMOND DAVE D. ALVAREZ
December 1, 1988 – October 20, 2010
“Our Love is here for You”
+++++++++++++++++++++++



“Alam mo ba kung gaano ka niya kamahal?” Handa niyang ialay ang kanyang buhay para sa’yo at handa niyang ipagkaloob kahit ang kanyang mga paningin upang muli kang makakita. Natakot siyang ipaalam ang tunay niyang kalagayan na kahit sa amin ay inilihim niya,nang matagal higit lalo sa iyo dahil ayaw ka niyang makitang nasasaktan. Subalit iba ang itinadhang mangyari.

Wala siyang pinagsisisihan, at alam kong Masaya na siya sa kanyang kinaroroonan ngayon – sa piling ng Dakilang Lumikha.”

“Subalit paano po nangyari na sa kanya galing ang mga paningin ko”

“Noong naka-schedule kang maoperahan, ilang araw na lang ang kanyang itatagal. Kung naaalala mo napostponed ang dapat sanang araw ng operasyon mo, dahil nakiusap siya kay Doctor Aguinaldo na noon ay nakakuha na ng cornea mula sa isa niyang pasyente na namatay mula sa pagkakahulog sa ikaapat na palapag ng kaniyang tinutuluyang condominium.”

“Ipinagpaliban ni Doctor Aguinaldo ang iyong operasyon dahil nangako siya sa anak ko  na natutuparin niya ang kahilinginan nito.”

At bago siya tuluyang nawalan ng hininga wala siyang ibang bukang bibig kungdi ikaw..   At nais niyang malaman mo na MAHAL NA MAHAL KA NIYA.”

------

Hindi niya napigilan ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga Mata. Gusto niyang sumigaw at sabihin sa kanya kung gaano din niya ito kamahal, Mahal na mahal niya si RD. Tila nauupos na kandilang napaluhod si Camhi sa lupa. Humagulgol na hinawakan ang lupang nakatabon sa puntod ng lalaking kanyang pinakamamahal. Tila naman nakisama ang panahon sa kanyang pagdadalamhati at pumatak ang ulan. Patuloy siya sa mahinang paghagugul. Itiningala niya ang kanyang mukha sa langit habang ang mga luha ay sumasabay sa agos ng ulan sa kanyang mukha, ipinikit ang kanyang mga mata at sinabing…

"My Love will always be here for you…”

-wakas-


Thursday, October 21, 2010

My Love is Here 4


Nabalutan ng lubos na kasiyahan ang nananamlay na pangangatawan ni RD nang marinig niya ang balitang nagkamalay na si Camhi.  Sa awa ng Panginoon ay dininig nito ang kanyang panalangin na sana bago man lang siya tuluyang mawalan ng hininga ay malaman niyang nasa mabuti na itong kalagayan. Subalit ang kasiyahang nadarama ay mabilis na pinawi ng isa pang balita na kanyang nalaman – ang pagkabulag nito.

“Doc, may pag-asa pa ba siyang makakita?”

“There’s nothing to worry about Mr. Altarez, kailangan lang niyang makahanap ng isang corneal donor upang maibalik ang pagkawala ng kanyang mga paningin.”

“Eh, may nahanap na ba siyang donor?”

“Sa ngayon ay wala pa pero hindi kami tumitigil sa paghahanap”

-----

Tanggap na ni RD na hindi na siya magtatagal. Ramdam niya ang pagpapahirap na ibinibigay ng kanyang karamdaman. Para siyang nauupos na kandila sa bawat pagdaan ng mga araw pati ang pagpapa-chemo niya hindi na niya ipinagpatuloy pa. Handa na niyang lisanin ang mundong kanyang ginagalawan.

“Doc, gusto ko sanang idonate ang aking mga mata.”

“Iyan ba talaga ang gusto mo?”

“Ako ang dahilan ng kanyang pagkabulag, kaya’t gusto kong ibalik sa kanya ang bagay na nawala sa kanya, iyong lang ang alam kong tama Doc.”

“Napakabuti ng intensiyon mo, pero hindi pa natin puwedeng gawin ngayon ang nais mo”

“Bakit Doc”

“Because we can only do the procedure on the deceased person Mr. Altarez”

“Hindi narin naman ako magtatagal Doc, bakit pa natin pagtatagalin?”

“I’m sorry Mr. Alterez magagawa lang natin yan when the time has come pero sa ngayon ang tanging magagawa natin ay maghintay ng possible donor para sa kanya”

....(interruption)

Paging Doc. Aguinaldo, paging Doc. Aguninaldo please proceed to the Emergency Room>>

-------

“Friendship magandang balita, nakausap ko si Doc. Aguinaldo kanina and guest what.”

“What”

“Iyong pasyente ni Doc. Aguinaldo kahapon na nahulog daw from 4th floor ng isang condominium – he’s dead”

“Eh ano naman ang kinalaman ko sa kanya”

“Eto nga friendship, nagtataray ka  naman agad diyan eh.. napag-alaman ko na ido-donate daw ng pamilya ng namatay ang mga mata nito at ikaw agad ang naisip ni Doc. Aguinaldo na maging recipient  nito.”

“Talaga friendship makakakita na ulit ako.”

“Magtiwala ka lang.”                                                                                               

-----

After the operation…

“Sige, dahan-dahan mong imulat ang mga mata mo… Ano ang nakikita mo?”

“Friendship nakikita na ulit kita, kaya lang Doc medyo blurry ang tingin ko.”

“Normal lang,yan nag-aadjust pa ang iyong mga paningin. Iwasan mo lang mapagod ang mga mata mo, siguro after a couple of days or two, back to normal na ang vision mo.”

“Thank you Doc.”

“Huwag mo lang kalimutang bumalik, for a check-up.”

“Doc, pwede ko bang malaman kung kanino ako dapat magpasalamat?”

“I’m sorry, pero nakiusap sa akin ang pamilya ng donor na huwag nang ipaalam ang kanilang identity but I’m sure masaya sila sa naging desisyon ng anak nila.”

-----

“Friendship after everything you’ve been through kailangan i-celebrate natin ang pangalawa mong buhay.”

“Tama, kaya samahan mo ako.”

“Saan?’

“Sa Chapel… Una kailangan kong magpasalamat sa Kanya dahil hindi niya ako pinabayaan. Pangalawa, pinagkalooban pa Niya ako ng bagong paningin. Pangatlo, hindi man ako nakapagpasalamat sa mga taong tumulong sa akin, ipapanalangin ko nalang sa Panginoong ang kanilang kaligtasan”

“Maitanong ko lang friendship, paano si RD kakausapin mo pa ba siya?”

“I don’t know.. I really don’t know..”

“Ay naku, alam mo sa sagot mong yan.. Mahal mo parin siya noh?”

“Although I say I hate him now, I still love him and ’ll be missing him..”

(tatapusin)
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...